Hindi ko na alam kung nasaan akong teritoryo. Ayaw kong bumalik sa teritoryo namin para lang ipakita sa mga magulang ko kung anong klase ang kinalalagyan ko ngayon.
Tumigil ako sandali dahil malalim na ang gabi. Umakyat ako sa sanga ng may kataasang puno at duon umupo. Matalas pa rin ang paningin ko at hindi naman ako pagod ngunit sinasabi sa''kin ng utak ko na tama na, na malayo na ako sa kaniya. Hindi na ako nagkakataka kung ba't hindi ko marinig ni tibok ng puso ko. Hindi ko pa nga nakakausap ang wolf ko, nireject na ako ng itinadhana sa'kin ng Moon Goddess.
Masiyadong malalaim ang pagsasama nila para piliin ni Drake ang babaeng 'yon kumpara sa'kin.
Kaya kung may paniniwalaan siya, malamang hindi ako 'yon.
Ipinikit ko na ang mga mata ko at nagpahinga na muna.
Napamulat ako nang maamoy ang 'di kapamilyaran na amoy sa'kin. kahit kanino sa loob ng clan namin o ng clan ng taong tumaboy sa'kin, wala akong nadaanan.
Naalerto ang buo kong katawan nang marinig ang boses nila. Tatlo silang mga lalake. Pare-pareho ang amoy. Walang pagkakaiba.
"Oy, isa ring rogue... tignan niyo, chiks!"
Hindi ako kumibo nang alugin ni to ang puno kung saan ako namamahinga.
Malalim na ang gabi ngunit may ganito pa palang mga taong lobong gising. Mukhang hindi sila nagpapatrolya dahil tatlo lang sila.
"Miss, baba kana diyan! Naaamoy ka namin kahit 'di ka naman gaanong makita!" sigaw ng kasamahan.
Natatabunan ako ng mga sanga at dahon. Hindi rin bilog ang buwan ngayon. Mukhang ang pagiging lobo ko ang naglaglag sa'kin.
"Umaalingasaw kahit ang bagong pagtanggi sayo ng sinisinta mo ah!" muling sigaw ng isa at nagsitawanan sila.
Napamulat ako ng mata.
"Wala akong oras sainyo, umalis na kayo."
"Aba, bastos to ah! Matikman nga, total wala nang sasagip sayo! Hindi mo na siya maaamoy at gano'n din siya!"
Tumalon ako mula sa sanga at bumagsak sa mismong harapan nila.
Ramdam ko ang pagbabakat ng ugat ko sa aking noo.
"Ulitin iyo ulit." pagbabanta ko.
"Ang alin? Na nireje--"
Hindi na natapos ng lalake ang sasabihin niya nang hawakan ko ang leeg nito at itinapon ito sa kung saan. Rinig ko ang pagbagsak nito sa mga kakahuyan.
"Loko to ah!" sambit ng kasamahan ng lalaking tumilapon at agad-agad silang nagpalit aniyo at agad akong inatake.
Kinagat ng dalawa ang magkabilaan kong braso habang kinalmot naman ako sa likod ng lalakingtumilapon kanina.
Masyadong kunti ang alam ko para ipagsabay ang tatlong 'to.
Nalanghap ko ang dugo na nagmumula sa likod ko.
I hissed when the guy after me changed into human form and licked the part where a bite-mark was placed. Napatigil ito at pagkakataon na sa'kin para ako naman ang bumawi.
Marahas kong hinila ang magkabilang braso ko at nagpalit ng aniyo.
I howled causing them to look down and I didn't hesitate to kill and suck the bloodof the guy who licked me.
Tinitigan ko ang dalawa at agad silang bumalik sa pagiging tao. Lumuhod ang mga ito sa harapan ko.
"Parang awa mo na po, g-gusto pa namin mabuhay... p-pwede mo po akong gawing alipin hanggang sa huling h-hininga ko---"
"Ako rin po! P-Patawad po, magiging matapat po ako s-sainyo."
Utal-utal na pagmamakaawa ng dalawa. Halata naman na ang pinatay ko ay leader nila.
Marahan kong hinila ang isa nilang braso kung saan nila ako hinawakan at ginawa ang ginawa nila sa'kin. They hissed in pain while catching their breathes.
Tumalikod ako sa kanila at nagsimulang mamahinga. Hindi ako makabalik sa pagiging tao dahil sa hindi ako marunong.
"M-magbibihis lang po k-kami," ani ng isa at dali-dali nilang kinuha ang mga suot nila.
Ipinikit ko na ang mga mata ko at natulog na. Wala akong pake kung tumakas sila, hindi ko sila kailangan.
Nagising ako sa pagkasilaw sa sinag ng araw.
Napabangon ako nang makita ang damit ko na nakahanda na sa harapan ko.
Napakunot ang noo ko.
"H-hindi po k-kami tumingin simula kagabi."
"O-opo, nagbantay po k-kami."
Tinitigan ko ang mga likod nila habang nagtatapunan sila ng mga tingin. Alam na alam nila na maririnig ko sila pagnagsalita sila.
Nagbihis na ako at tumayo.
Nagtungo ako sa puno na inakyatan ko kagabi.
"A-ah, m-miss. May a-alam kaming lugar na p-pwede mong puntahan. 'Di ba? 'Di ba?" ani ng lalake. Nakasuot ito ng itim na damit habang ang isa naman ay nakasuot ng kulay abo na damit.
"O-Oo miss. Do'n tumutuloy ang mga walang clan na kagaya n-natin," tumataas baba ang ulo na pagsang-ayon niya sa kasama niya. Tinitigan ko ito at napaiwas ito ng tingin, "N-namin po."
Lumipas ang isang oras at napagtanto kong wala akong magagawa ng maayos sa magdamag na pag-upo. Naririnig ko na rin ang pagkalam ng sikmura ng mga lalakeng ayaw akong tantanan kaya naman bumaba na ako mula sa sanga ng puno.
"Lead the way," walang emosyong sambit ko.
Umabante ako at nasinagan ang mukha ko ng liwanag ng araw. Nadakip ko ang panlalaki ng mga mata ng mga lalake.
"A-ah s-sige po."
Ani nila at yumuko habang marahang hinahaplos ang mga sikmura nila.
Nagsimula na kaming maglakad. Nadakip ko ang mulang pagtapunan ng tingin ng dalawa at hinayaan nila sila.
"Mas mapapabilis ba pagnagpalit aniyo tayo?" suhestiyon ko.
Hindi ko pwedeng ipakita sa kanila kung gaano kalayo ang kaya kong takbuhin sa loob ng ilang segundo lang.
"Oo sana. Kaso iniisip po namin kung kaya mo bang magpalit aniyo pabalik. Nahalata po kasi namin kagabi na mukhang hindi mo naman kami binabantayan at kusang bumalik ka sa pagiging tao."
Sinagot ako ng nakaitim na damit. Pumapangalawa siguro siya sa leader-leaderan nila kagabi dahil medyo may lakas ng loob siya.
Napansin ko ang pagpasa pasahan nila ng mga dahon na kinukuha nila sa dinaraanan namin.
"Hindi ko kayang magbalik anyo," pag-aamin ko.Nagkibit balikat ang nakaitim.
"Napakabigat siguro ng kapangyarihan mo kaya nahihirapan ka," natural na sambit ng nakaabu na damit.
"Ano pala ang mga pangalan niyo?"
"Justin, at Max naman ang pangalan niya," sagot ng nakaasul na damit.
Inabot sa'kin ni Max ang bagay na gawa sa dahon.
"'Wag niyo pong mamasamain, pero kahit pansamantala lang po," iwas tingin niya.
Tinitigan ko ang nabuo nila at nakitang isa itong maskara na pantakip sa buo kong mukha.
I nod in agreement.
'Siya nga natakot sa'kin at itinaboy ako. Ibang mga taong lobo pa kaya.'