Chapter 31

17 6 0
                                    

Namumula ako sa inis na tumingin sa kaniya.

"Hindi pa nga tayo!" pagrereklamo ko.

Inayos nito ang pagkakaupo at tinaasan ako ng kilay. Tila baa ng sinabi ko ang nakakamanghang narinig niya buong buhay niya.

"Werewolves don't need it, especially if you're destined to an Alpha... like me," sagot nito at diniin niya pa ang huling salita na sinambit niya.

Halos sinakop ko na lahat ng dapat ihybrid, kahit bampira o taong lobo ako, ang ugali ko pa rin ay sa tao, dapat marunong siyang rumespeto.

"Ah basta! H-Hindi kita tatawagin na asawa ko, boyfriend ko, o mate ko paghindi mo ako niligawan!" pagmamatigas ko.

Bigla itong napatigil at hindi maipinta ang itsura nito.

"If I said that you're mine, then You.Are.Mine."pagdidiin nito.

Inirapan koi to at akmang magsasalita pa ito nang dumating na ang Alpha at Luna.

"Good morning."

"Good morning."

Pormal na bati ng dalawang Alpha sa isa't-isa.

Naghanda ng inumin at pagkain ang mga tagapaglingkod ng Luna at Alpha ko. Hindi naman ako nagdalawang isip na simulang kumain. Kakagising ko palang at mas nagutom pa ako pakikipagsagutan sa lalakeng hindi alam ang panliligaw.

Bukas na araw na kakailanganin kong uminom ng dugo, ngunit lingo palang bukas, di ko pa makikita si Hector.

Napasapo ako sa noo nang dahil sa naisip ko dahilan ng paglingon sa'kin ng tatlo ko.

Pinagpatuloy nila ang pag-uusap nila tungkol sa nangyari sa'kin kagabi, nalaman din ni Luna na ako pala ang rason ng pagkasira ng dungeon. Pinukulan niya lang ako ng matalim na tingin at bumulong naman ako ng sorry.

'Kaya naman siguro ng Alpha na bigyan ako ng dugo, kahit galling lang sa mga ospital.'

Kinilabutan ako sa inisip ko. Maarte na sa maarte ngunit maduming inumin ang nasa plastic na dugo. Stock, at hindi fresh.

Hindi ko alam kong anong nangyayari sa'kin. Simula pagising ko sa bahay ni Lola Eva sa Middle Land, masyadong light ang tingin ko sa lahat. Parang nakalimutan ko mga problema ko o namanhid ako sa 'di ko malamang dahilan.

Iwinalang bahala ko nalang ang nararamdaman ko.

Napalingon ako sa lalakeng nasa harapan ko nang may kanina pa akong napapansin.

Nagtama ang paningin namin at parang nag-uulap ang nakikita ko. Mukhang lumalabo na ang mata ko.

"We have the rules," matigas na sambit ni Drake sa harapan ni Alpha Lucas at ng Luna.

'Tignan mo 'to, napakawalang galang sa magulang ng liligawan niya. Sa Middle Land kulang nalang sambahin ng lalaki ang magulang makuha lang kamay ng babae, tapos ako ito inaangkin niya pero nakataas pa ulo niya.'

"Alam ko, ngunit iba ang sitwasyon ng anak namin," ani ng Luna.

"I listened to you when you told me to let go of her because she's a human and we have our Golden Rule. Now that she is a werewolf and I am her mate, I think you should also follow the rules," bakas na ang uagat sa leeg ni Drake na halatang nauubusan na ito ng pasensya at pinipigilan lang ang sarili niya.

'Ang bangis talaga ng lalaking to.'

"Alam mon a hybrid siya, kaya mo bang ibigay ang mga kakailanganin niya?" nag-aalalang sambit ni Alpha Lucas.

Kahit ngayon ko lang nakitang nakipag-usap ang Alpha namin sa iba,tinuturing niya pa rin pala ako bilang anak niya. Natagalan lang siguro siyang tanggapin na anak ako ng kaaway niya.

"I know, I am an Alpha, you shouldn't ask me that kind of useless question." He rudely answered.

Tumango naman si Alpha Lucas.

"Walang galang," bulong ko.

Nadakip ko ang agarang pagtingin sa'kin ni Drakeat pinukulan ito ng masamang tingin. 

Nagkibit-balikat naman ako.

"Narinig mo ang usapan namin hindiba?" tanong ng Luna.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Mag-impake kana at simula ngayon, titira kana sa tiretoryo ni AlphaDrake."

Agad kong kinuha at ininom ang kape nang mabulunan ako sa kinakain ko. Halosmapasigaw rin ako sa init ng kapeng ininom ko.

"Luna, hindi ganyan sa Middle Land, hindi dapat pinamimigay anganak," sagot ko.

"We are not humans. We are werewolves," pagdidiin ni Drake.

"Kapag edad labing-anim na at nakapagpalit na ng aniyo, dapat nang ibigayang babae sa mate nila. Hindi mo siya nireject noon kaya pagmamay-ari kana niyangayon," pagpapaintindi sa'kin ng Luna.

"Pwede siyang ireject ngayo—" halos mapadaing ako ng tapakan ako ngina ko sap aa para hindi makita ni Drake na sinaktan niya ako.

"Mag-impake kana."

"No, she'll go with me. Just bring her stuff in my territory," ani niDrake at tumayo na.

Tumayo naman na ako at sumama na sa kaniya.

Dahil sa katabi lang naman ng teritoryo namin ang teritoryo ni Drake, agadnaman kaming nakarating.

Pinakilala ako ni Drake sa mga nakabantay sa boundary ng terotoryo niya.Inilibot namin ang teritoryo niya.

Meron silang market, clubs, malls, at iba pa. Meron din sa'min ng mga na'nditongunit aaminin kong mas magarbo at grabe ang respeto na binibigay sa kaniya ngmga narito.

Sumapit na ang gabi at inihain na sa hapagkainan ang iba't ibang klasengputahe.

Sinubukan kong makisabay sa kanila ngunit nangangati ang lalamunan ko.

"Are you okay?" tanong ni Drake.

Kanina ko pa siya hindi pinapansin. Napansin niya sigurong panay haplos ako salalamunan ko at nakakailang litro na ako ng hinanda nilang juice. Nakakahiyana.

Umiling ako sa kaniya.

Nagnod naman siya at pinatuloy na ng lahat ang pagkain.

"Tomorrow, I'll held an event and present you as my wife,understand?"

Napairap ako dito at halos suminghap angnapakaraming miyembro ng pack ni Drakenang dahil sa inasta ko sa Alpha nila.

'Nakakasakal naman kasi, wala na ngang ligaw, pati kasal hindi uso.'

Nadakip ko ang pag-igting ng panga ni Drake pero hindi ko siya inintindi.

"Tapos na ako," pagpaalam ko at umakyat na.

Isang mansion din ang tinitirhan ni Drake. Pagkarating ko sa itaas, inisa isako ang bawat kwarto.

Normal na ang kwarto ng Alpha ay nasa taas at ang lahat naman ay nasa baba.Pwera nalang kung anak ng Luna at Alpha. Kasama rin ng Luna ang Alpha sa isangkwarto.


MixedWhere stories live. Discover now