Chapter 16

21 7 0
                                    


Bumitaw ako sa pagkakayakap ko nang mapagtantong nasa loob ako ng sarili kong kwarto at basang basa nga ang damit ko, ngunit hindi dahil sa dugo, kundi sa luha.

"P-para kasing t-totoo la," pagrarason ko at muli siyang niyakap. Napahagulgol nalang ako.

'Akala ko magigising nalang ako na wala na ang tatlo sa mga pinahahalagahan ko.'

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang hindi nagpakita si Hector sa panaginip ko, ngunit alam kong panaginip lang iyon. Dapat hindi ko siya sisihin.

Hindi naman sana mangyaring aatakihin ko siya sa oras na malaman niya kung ano ako.

Ilang linggo na naman ang nagdaan at hindi ako gaanong nakikihalubilo kina Joan sa takot na mangyari ang kinatatakutan ko.

Kasabay ng mga araw na 'yon ang pagbabantay ko sa likuran ko at napagtantong wala namang sumusunod sa'kin.

'Di pa rin ako nagsisimula ng training kasama si Hector sa pag-iisip na makakaistorbo ako sa kanya. Kaya nagsariling aral muna ako. Pagkatapos ng klase ko ay pumupunta ako sa gubat. Ang lugar na dinaanan namin papuntang 'The Devil's Path'.

Maayos naman ang pagkukusa kong aral. Ngunit parang may kulang. Isang linggo na akong nakakaramdam ng kakulangan sa katawan ko.

Ngayon ko naisipang lumapit muli kay Hector. Kaya narito ako sa loob ng kwarto kung saan kami huling nag-usap. Maaga pa naman kaya 'di naman nakakasagabal.

"Drink it," alok sa'kin ni Hector.

Pinanood ko siya kung pa'no gumalaw ang adam's apple niya at halatang nagugustuhan nito ang likidong dumadaan sa lalamunan niya.

Napatingin ako sa inumin ko at hinawakan ito ng mariin. Hindi talaga ako sigurado kung saan ito nanggaling ngunit sabi niya naman ay safe ito.

Natapos na siyang uminom at inaantay nalang ako kaya naman mariin kong ipinikit ang mata ko at nilagok ang isang basong kulay pulang likido na halata namang dugo ng mismong tao.

Pinatayo ako ni Hector at inilapit sa malaking salamin na nakadikit sa pader. Nakita ng mismong mga mata ko ang pagpula nito ngunit may itim pa rin na kulay ang pumapalibot dito. Nawala na rin ang panunuyo ng lalamunan ko na isang linggo ko nang tinitiis.

Napangiti ako ng pilit.

Kailangan kong tanggapin na iba ako sa pamilyang kinalakihan ko. Gustuhin ko mang maging isa sa kanila, pero mukhang imposible. Lumingon ako sa lalakeng kasama ko at nagpasalamat sa inumin.

Lumabas kami ng building at nagtungo sa kakahuyan.

"This is ours. We can do whatever we want here," ani nito at pinakita sa'kin ang lugar kung sa'n huli kong nakita si Shiela.

"Nakakaya ko namang mag-ensayo ng mag-isa," paliwanag ko dito. Kahit na hindi ko pagmamay-ari ang lugar kung saan ako nag-eensayo, ayos lang naman sa'kin. At ayaw ko man aminin ay nagtatampo pa rin ako sa kanya ng dahil sa nagging panaginip ko no'n.

Lumayo ito ng kaunti sa'kin.

"But we need to practice your fighting skills for you safety. I won't hurt you," ani nito.

Kung sabagay, puro takbo lang naman ang ginagawa ko do'n. Dapat din pala marunong makipaglaban. At 'yon din siguro ang rason kung bakit hindi siya nagpakita. Dahil dapat matuto akong kontrolin ang sarili ko at protektahan ang mga taong mahal ko.

Nakita ko sa 'The Devil's Path' kung paano makipaglaban ang mga bampira. Yung tipong nawawala lang tapos bigla nalang aatake. Kung ganon lang 'yon kadali ngunit alam kong hindi.

"Okay," tumayo na ako at nag-antay na lumapit siya.

Bigla itong nawala ngunit bago ito makalapit ay nakita ko na ito. Laking gulat ko nang nahuli ang galaw ko kahit na nakita ko na siya dahilan ng pagkakadakip niya sa'kin. Napapikit ako nang akmang tatama sa mukha ko ang kamao niya ngunit walang tumama.

"Open your eyes my Queen, let's start again," ani nito.

Paulit ulit lang kami sa ginagawa namin. Bigla siyang mawawala at susubukan ko siyang dakpin. Hanggang sa nagsimula na akong mainis dahil hindi ko siya nahuhuli.

Sa muling pagkadakip ng mga mata ko sa kanya. Sisipa naman ito sa'kin at buong pwersa kong pinilit ang katawan ko na umakto kaagad dahilan ng pagkakahuli ko dito at inilayo ito sa'kin.

Napalingon ako sa bumagsak na kahoy at nakita ang nakaupo na si Hector do'n. Bakas ang pagkabigla sa mukha niya at agad na nagproseso sa'kin ang nangyari. Tumakbo ako papunta sa kanya at hinanap kung sa'n may sugat habang paulit-ulit na nagsosorry.

"Ayos ka lang ba? Nakalimutan ko bigla na naglalaro lang pala tayo," patuloy ko.

Tinignan ko ang paa niya na nahawakan ko kani-kanina lang at wala akong nakitang pasa o sugat sa kanya. Nabigla lang siguro siya.

Tinulungan ko siyang tumayo at naramdaman ko naman ang titig nito sa'kin.

"I'm okay. Please don't tell this to others. They might use you as their fighter," pakiusap nito.

Kumunot naman ang noo ko nang dahil sa sinabi niya.

'Simpleng pagtapon lang naman ginawa ko, pa'no naman ako magiging fighter?'

"My Queen," agaw pansin nito sa'kin dahil hindi ko siniseryoso ang sinasabi niya. Puno ng pag-aalala ang mga mata nito. "You have the strength of a ruler. You shouldn't be able to throw me just like that," ani nito. Tinuro nito ang natumbang puno kung saan siya tumilapon. "I don't want them to control you, to make you a slave."

Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya. Basta sekreto lang ang nangyari. 'Yon lang ang naintindihan ko.

Tumango ako sa kanya at niyakap ako nito.

Napatingin nalang ako sa itaas. Nasasanay na akong niyayakap niya ako kaya hinahayaan ko nalang siya. Wala naman akong pagnanasa sa kaniya kaya wala namang malisya.

'Basta hindi kami makita ni Drake dahil magkakaro'n ang wala.'

"Are you tired?" bulong nito.

"Oo eh," sagot ko sa kanya.

Naramdaman ko naman ang pagbuntong hininga nito at bumitaw na. Umupo kami sandali sa may kubo.

"We can continue your training anytime you please," ani nito.

Ang bait niya, tama talaga ang sabi ni Shiela. Hindi ako masyadong nakakapagsalita kapag kasama ko siya kasi wala namang dapat sabihin. Yung bawat galaw niya concern siya sayo. Dapat nga sa sarili niya siya mag-alala kasi malamang madaming nagkakagusto sa kanya, pero mas inuna niya pa feelings ng iba.

MixedWhere stories live. Discover now