Chapter 19

15 7 0
                                    

'Ano ginagawa nito dito?'

'Tama nga ba na nandito siya?'

Napalunok ako nang makita ang dominante nitong pagkakatayo.


Naramdaman ko ang paghila sa'kin paupo ni Kyla. Agad naman akong bumalik sa reyalidad nang makita ang pagkamangha sa mukha ni Drake.

'Dapat nando'n lang siya sa Right Wing Land.'

Naguguluhan ako kung ba't ako natataranta. Ngunit may mali talaga, maling-mali na nandito siya.

Hindi pa ako handa na ipaalam sa kaniya kung ano talaga ako.

"M-maliit lang ang bench eh," sagot ko nang makaayos ako ng upo.

May kaliitan talaga ang bench kung saan kami laging tumatambay. Sakto lang talaga kaming tatlo ng mga kasama ko. At natatakot ako na baka atakihin ko siya kapag tumabi siya sa'min.

Nakita ko ang nakatayo na dalawang kasama ni Drake sa magkabilang gilid namin habang dala-dala ang mga pagkain ng mga ito.

"Okay lang Xiera, tatayo lang naman siguro sila," payag ni Joan. Tumango naman si Kyla.

Tinitigan ko ang mga mata ni Drake na nakatayo lang sa harapan ko, hindi pa ito kumakain at parang may iniisip ito. Parang palagi namang may iniisip kasi palaging seryoso.

Ilang segundo kaming wala kibo sa kinauupuan namin, narinig ko ang pagtikhim ni Drake. Tumingala naman kami dito at itinigil ang pagsubo sa kinakain namin.


Mabubulunan na rin ako kakapwersa ng pagkain sa bibig ko. Naiilang ako masiyado na nakatitig lang siya sa'kin habang kumakain ako.

"Let them stand, I'm quite used to sitting. Maybe I'll just lift my tiny-little-wolf," ani nito at walang paalam sa'kin na binuhat ako ng walang kahirap-hirap at siya ang umupo sa upuan ko habang ako naman ay nasa kandungan niya.

Bakas sa mukha naming mga babae ang pagkabigla sa ginawa ni Drake. Halata ang pagbuka at pagtiklop ng bibig ng dalawa kong kasama, at mas agaw atensyon ang itsura ni Joan. Tila ba 'di nila mahanap ang tamang salita para matulungan ako sa sitwasyon ko.

Kinuha na ni Drake ang pagkain niya mula sa isa sa mga kasama nito at nagsimula na itong sumubo. Nahalata siguro nito ang tensiyonado kong katawan. Simula kasi nang pinaupo niya ako sa kandungan niya, may nararamdaman akong napakabago sa pakiramdam ko kaya medyo naiilang ako.

"Eat or I'll start feeding you," rinig ko sa boses nito.

Agad naman akong nagsimulang kumain na walang sabi-sabi. Bakas na naman ang pagkabigla ng dalawa kong kasama sa ginamit na boses ni Drake. 'Di ko sila masisisi, Alpha ang nasa harap nila.

Nagpakilala na rin sa'min ang mga kasama niya, ang lalakeng pumapangalawa lang ang height kay Drake ay nagngangalang Kelvin, habang Kenneth naman ang lalaking pinakamababa sa kanilang tatlo, pareho silang may brown na mga mata. Kambal sila, at height lang ang basehan para makilala sila.

Pero paghindi sila magkasama, malilito ka talaga kung alin si Kelvin at alin si Kenneth.

Natapos na kami sa kinakain namin at nagkwentuhan pa kami habang gano'n pa rin ang posisyon namin. Ibinaon din ni Drake ang kanyang mukha sa leeg ko nang mapagod na siya sa kakarinig sa kwentuhan namin bagay na nagpalala ng pagka-ilang sa'ming anim o baka naman sa'ming mga babae lang.

Nadakip ko rin ang itsura ni Joan sabay bulong na 'ang clingy niya huh' at sumunod naman ang mahinang tawa ni Kyla. Akala siguro nila tulog na ang lalaking bumubuhat sa'kin.

'Alpha po ang bumubuhat sa'kin, naririnig niya kayong dalawa kahit lumayo pa kayo ng ilang metro.'

Gustong-gusto ko yang sabihin sa kanila. Kaso anong magagawa ko? Mas humihigpit ang hawak sa'kin ng lalakeng 'to. At ang alam lang ng mga kaibigan ko na ang werewolves ay nagpapalit anyo lang, walang kakaiba.

Napabuntong hininga nalang ako.

Ilang minuto pa ay narinig na namin ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Nagsitayuan na ang dalawa at inaalis ko na rin ang pagkakahawak sa'kin ni Drake.

"Drake, gising na. Mahuhuli na ako," gising ko dito. Ngunit wala pa rin.

"Una na siguro kami friend, masyado niyo yatang namiss ang isa't-isa," bulong na naman ni Joan. "Mag-uusap tayo mamaya," patuloy niya. Nagpaalam na rin sila sa kambal at umalis na habang rinig ko pa rin ang tawa nila.

Napabuntong hininga nalang ako at nahihiyang tumingin sa kambal na parang humihingi ng tulong. Umiling naman ang dalawa.

Nakalipas ang ilang minuto at nababagot na ako, masakit na rin ang katawan ko dahil sa nakasubsob na ulo nito sa may bandang leeg ko. Sinubukan kong ayusin ang pagkakapuwesto namin at nakita ko ang maamong mukha nito.

Ang itim nitong buhok na medyo patayo ang pagkakaayos sa bandang kanan. Hinawakan ko ito at walang bakas ng gel na nilagay dito. Mahahaba rin ang mga pilik mata nito, matangos ang ilong. Hindi ko na makita ang bibig nito ngunit alam kong may kaliitan ito at boses niya lamang ang nagbibigay takot at awtoridad sa mga nakakasama niya.

'Yung umuwi ka lang sandali sa lugar mo, tapos may lalaking ganito kagwapo ang lalapit sayo tapos magiging ganito kaclingy,' grabeng regalo naman.

Napabalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang paghawak nito sa bewang ko at nakatitig na ito sa'kin. Kita ko na rin ang pag-angat ng labi nito.

'Kanina pa ba siya gan'yan?'

"Drake!" gulat na sigaw ko nang biglaan itong tumayo at sa isang iglap lang ay buhat-buhat na ako nito.

"Sorry you're late. Let me help you get into your class," ani nito at naglakad na ito.

Nanlalaki ang mga mata ko nang mahalatang papunta nga kami sa building ko habang nakasunod ang kambal.

"B-bridal?" hindi makapaniwalang tanong ko dito nang buhatin niya ako na parang bagong kasal kami.

"You don't like it? Do you want to lift me then, little wolf?" seryosong tanong nito.

'Joke dapat 'yon, ba't seryoso pa rin ang mukha niya?'

Napahilamos nalang ako nang dahil sa nangyayari ngayon.

Labis na pagtataka ang nakabakas sa mga mukha ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Wala na akong ibang nagawa kundi ang ibaon ang aking mukha sa dibdib ni Drake.

Bawat hakbang niya parang bumibigat ang paghinga ko. Mas pressure ako kung ikukumpara sa kilig.

MixedWhere stories live. Discover now