Napadaing ako sa ginawa ni Drake ngunit laking gulat ko nang hindi nito itinuloy ang kaniyang gagawin.
Marahas itong lumingon sa'kin na may pagkagulat. Ang nakakasilaw na dilaw na mga mata niya ay napalitan ng asul na kulay.
Inalis niya ang pagkakahawak ng kanang kamay niya sa aking bewang at hinawakan nito ang sugat na ako ang may gawa.
Napalunok ako nang inilipat nito ang kaniyang paningin mula sa mukha ko hanggang sa kamay niya na may dugo.
"S-Sorry," pangunguna ko sa kanya.
"It's not a bite-mark, you're just hungry," rinig kong bulong nito na tila ba ngayon lang natauhan.
Napabuntong hininga ito.
Halos mapatalon ako sa kinakaupuan ko nang muli nitong ibaon ang ulo niya sa aking leeg sa pag-aakalang ipagpapatuloy niya pa rin.
I felt his soft kisses on my wound that was caused by him.
"Sorry," he muttered.
Muli niya akong binuhat habang hinahalikan ng marahan ang sugat ko.
'Akala niya siguro mahapdi ang sugat,' napangiti nalang ako sa ginawa niya.
Dinala niya ako sa 'di pamilyar na kwarto at inihiga ako roon.
"Are you sure you had enough?" kunot-noong aniya.
Umoo naman ako bilang sagot.
Marahan niya akong kinumutan at hinaplos ang buhok ko.
"I lost control thinking that you also want the bite-mark that you saw from the book," ani nito. "I apologize my little-wolf."
Humiga na rin siya sa tabi ko at tumalikod ako sa kaniya para maiwasan ang ka-ilangan na nagsisimulang mabuo.
"Now sleep. Tomorrow I'll present you to my clan. My bite-mark can wait until tomorrow."
Bumangon na ito at pinatay ang ilaw sa kwarto. Narinig ko ang pagsara ng pinto.
'Hindi siya tatabi sa'kin?' tanong ko sa sarili ko.
Mabilis lang maghilom ang sugat niya lalo na't isa siyang Alpha ngunit nakakakonsensya.
Napabuntong hininga nalang ako at isinara na ang mga mata ko at nagpalamon na sa dilim.
Nagising ako sa ingay ng mga tao sa labas.
Bumangon ako mula sa kinakahigaan ko at lumapit sa binta ng kwarto upang malaman kung anong kaganapan ang mayro'n.
Nakita ko ang pag-aayos ng mga taga rito sa entablado na malapit lang sa mansiyon.
'Malamang naghahanda na sila sa pagdiriwang mamaya.'
Tinalikuran ko na ang bintana at nag-inat-inat.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto at nakita ang isang babaeng may dalang tray ng pagkain at may malapad na ngiti.
Kasing edad ko lang siguro siya. Maganda ang babae, may kakikayan ang pagkakatayo ngunit ang ayos ay tila ba pupunta sa beauty contest.
Tinitigan naman ako nito at nalaglag ang ngiti nito.
"Totoo palang may asungot," rinig kong bulong nito.
Nahiya naman ako sa itsura ko dahil kumakamot pa ako sa ulo nang lumabas ako.
"Kapatid ka ba ni Drake?" tanong ko sa magandang dilag na may dalang isang mug ng kape at pancakes.
'Ang sweet.'
Nanlaki ang mga mata nito.
"H-hindi. Bakit hindi mo iginagalang ang Alpha?" gulantang na tanong nito.
"A-ah, kasi pareho lang kami estudyante sa school. So magkalevel kami d-do'n?" pagpupunto ko ngunit alam kong walang kwenta ang sinagot ko. "S-Sa'kin ba yan?" nahihiyang tanong ko.
Kumakalam na ang sikmura ko sa kinakain ng tao dahil 'di ako nakatikim kagabi.
Wala naman nagbabago sa lakas ko kapag kumakain ako ng normal na pagkain. Nakasanayan ko na.
"Hindi. Para kay Alpha 'to, pero mukhang 'di ka niya tinabihan kaya kawawa ka naman.
Mamayang hapon pala, magkita tayo sa pinakadulo ng gubat ng clan namin, may ireregalo ako sayo bilang kaibigan ng Alpha," aniya at inabot sa'kin ang pagkain at umalis na.
Winalang bahala ko nalang ang inakto niya at kinain na sa loob ng kwarto ang binigay niya.
Nahihiya akong kumain sa hapagkainan, ang laki-laki ng mesa nila tapos ako lang kakain dahil tanghali na ako nagising.
Mabilis na dumaan ang mga oras at wala akong Drake na nakita sa mansyon kaya nang hapon na ay lumabas muna ako sa mansyon at ginawa ang normal na ginagawa ko sa tuwing nasa Right Wing Land ako.
Nang makarating ako sa lugar na walang tao, agad akong tumakbo papunta sa pinakadulo ng kakahuyan ng teritoryo nila.
"Wala nang tao dito," ani ko at kampanteng umupo sa sanga ng may kataasang puno.
Hindi sa'kin pamilyar ang lugar. Ibang teritoryo ang kabila, at hindi ito ang teritoryo ng clan ko.
"Meron din kayang nagpapatrol dito?" ani ko.
Nagtagal ng ilang minuto at ipinikit ko nalang ang mga mata ko upang pakinggan ang kalikasan.
'Wala nang mas gagandang tinig sa kalikasan.'
Napamulat ako nang maramdaman ang panandaliang pagdaan sa'kin ng sino man.
Pinagmasdan ko ang paligid at wala akong nakita.
"Guni-guni ko lang siguro," pagpapahinahon ko sa sarili ko.
Nakita ko palang kanina ang babae na tumutulong sa pag-aasikaso. Mahuhuli pa 'yon dahil sa ginamit ko pa ang kakayahan ko bilang bampira.
Muli akong napalingon nang marinig ang panandaliang paggalaw ng mga dahon dahilan ng pagiging alerto ko.
Napakabilis ng pangyayari.
Isangsegundo, hinahanap ko palang kung sino ang naglalaro sa'kin nang madakip ko angdilaw na mga mata na may itim sa gilid ng bilog, may kaunting kapulahan din itosa gitna.
"Dilaw na buhok."
Agad akong napatayo sa sanga na inuupuan ko kani-kanina lang.
Napatingin ako sa damit ko nang makitang may dugo dito at mayhapdi sa leeg ko.
Nanlaki ang mga mata ko.
'Pa'no nangyari 'yon? Nahipnutismo ba 'ko?'
Natataranta kong idinampi ang kamay ko sa leeg ko na nasugatanni Drake kagabi.
"H-hindi..."
Agad na tumulo ang luha ko nang maramdamang may malalim nasugat na do'n.
Nanginginig akong bumalik sa mansyon. Sunod-sunod rin angpagkakadapa ko at pagkakabunggo sa mga puno dahil hindi gumagana ng maayos angutak ko.
Para akong manika. Blanko.
Napalingon ako sa likod ko nang maramdamang may sumusunodsa'kin.
Sa kaguluhan ng isip ko ko, kusang nagbago ang ang anyo ko atnaging lobo.
Naramdaman ko ang pagiging sinsitibo ng pandinig, pang-amoy,at paningin ko.
Kasabay no'n ang pagharap ng isang lobo na may kalakihan sapagiging lobo ni drake, ngunit may kalamangan ako sa laki.
Rinig na rinig ko ang pagtagis ng panga nito at pag bunggo ngmga ngipin na sabik na sabik nang sumakmal ng kalaban.