Chapter 8

18 6 0
                                    


Pinasakay ako nito sa kotse niya at nagdrive thru kami. Nilagay namin ang mga pagkain sa tela na parang magpipicnic kami sa ilalim ng bilog na buwan. Ang mga inumin namin ay inilagay sa mga tumbler. Bumili na rin kami ng mask at perfume na kasing amoy ng kakahuyan sa gubat.

"Ano ba talagang gagawin natin?" tanong ko na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang natanong.

'Ang lala ng date na 'to, grabe naman ang pasabog kahit picnic date lang naman.' Bagot na reklamo ko sa isip ko.

Halos kalahating oras na kaming naglalakad sa gitna ng kakahuyan. Nakasuot na rin kami ng mask at amoy na amoy ko rin ang pabango na binili namin na kakagamit lang pagkabiling-pagkabili namin.


Idinikit nito ang kanang hintuturo sa kanyang labi na natatakpan ng mask. Napasimangot nalang ako sa ilalim ng maskara dahil sa walang silbing sagot nito.

'Sa area 51 siguro ang date namin kaya bawal mag-ingay,' pag-iisip ko sa mga napapanood kong videos.

Katulad kasi ng mga napapanood ko, hindi rin kapani-paniwala ang mga ginagawa namin.

Sumenyas siya sa'kin na magpatuloy na kami sa paglalakad pero mas dahan-dahan kumpara kanina. Sumalubong sa'min ang buong pigura ng bilog na buwan na natakpan kanina ng mga kakahuyan. Ang mga puno na madaming mga dahon kanina ay nawala na na parang nagkaroon ng bagyo sa bahaging ito dahilan para magsilagasan ang mga dahon.

Sa bandang unahan ay kita ang malawak na kalupaan, malawak ito at walang kahit anong puno ang nakatayo rito.

Napanganga ako sa ganda ng lawa na nasa may di kalayuan. Kitang-kita ang kinang ng tubig nito nang dahil sa liwanag ng buwan.

"Ms. Devon?" balik ko sa reyalidad nang maramdaman ang pagtama sa'kin ng magaan na bagay. Tinignan ko ito at isa itong damit. "Wear it," utos nito.

Isa itong itim na damit. Pareho naman kaming itim ang pants na suot kaya okay lang kung pang-itaas lang ang papalitan.

'Buti nalang hindi ako nagdress, dahil date raw.'


"Date ba 'to?" kunot noong tanong ko.

Hindi ako nag-eexpect na magdidate kami sa ilalim ng buwan pero yung ganitong klaseng research sa gitna ng gubat na hindi ko alam kung saan na sa mapa ng lugar namin ay ibang usapan na. Napakaganda rin ng lugar kaya nagdadalawang-isip na ako kung inuuto lang ako ng lalakeng ito o hindi.

"Of course, we will watch a movie," sagot nito at umakyat ito sa puno na may kalakihan. May malaki itong butas na parang pinto, halatang pinasadya ang pagkakagawa. Inilahad ni Jayson ang kanyang kamay at hinila ako paakyat ng puno.

Namangha ako nang isarado niya ang pinto ng puno na inakyatan namin. Bale nasa loob kami ng puno, sa bandang taas nito. Sa loob, medyo may kasikipan. May dalawang telescope na nakaharap sa malawak na lupain. Good for date talaga.


Inayos na namin ang mga dala naming gamit at umupo si Jayson na parang manonood lang talaga kami ng movie. Magkatabi kami at nakaharap sa kanya-kanyang telescope, habang ang mga dala namin ay nasa likod namin.


"We will watch a movie later. You should observe everything. Just don't make a sound. We're humans so we need to be VERY CAREFUL," ani nito at lumapit sa'kin ng kaunti. "This is the safest place that we have right now. Prepare to die once we get caught because of your noise," pagbabanta nito.

'Di ko alam kung kakabahan na ba ako sa sinabi niya ngunit namamawis na ang kamay ko. Hindi niya alam na werewolf ako, kaya niya nasabing human din ako.

"Ano ba kasing papanoorin natin dito. Pwede naman kasing magresearch na tayo," bagot na reklamo ko.

Kanina pa kami nag-aantay at nakakarami na rin ako ng kain. Tinignan ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. 10p.m na ng gabi. Naalala ko na naman ang sinabi ni Jayson kaya nisilent ko ang cellphone ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito na parang ubos na ang pasensya sa pangungulit ko. 

"You don't know it. It's a secret to us, humans. So it's okay if you're not interested," ani nito.

"Sabihin mo na nga," pagpupumilit ko pa rin.

Tumitig ito sa'kin ng mga limang segundo at ibinuka ang bibig.

"It's the Devil's Path," sabi nito.

Halos mabulunan ako sa narinig ko. Devil's Path, sa pagkakatanda ko, dito naglalaban ang nasa Right Wing and Left Wing Land.

"Do you know something about it?" tanong sa'kin ni Jayson kasabay ng paghawak sa magkabilang balikat ko. Nakita ko ang pagningning ng mga mata nito na parang sabik na sabik siyang malaman ang tungkol dito.


Napapunas ako ng bibig ko at ibinaba ang tumbler. Marahan akong umiling sa kanya.

"H-hindi eh. N-ngayon lang nga ako nakapunta dito. Daanan ba ito ng mga devils?" pagrarason ko sabay painosenteng tanong.

Pwede na ako mag-artista sa pinaggagagawa ko.

"You'll know if you can call them devils," sagot nito na nagpakunot ng nook o.

Magulo talaga kahit pinagsasasabi nito.

"You can sleep for a while. I'll wake you up once the movie starts," ani nito.

Ngumiti ako sa kanya sa unang pagkakataon dahil nagkaroon din ng magandang offer sa araw na ito at humiga na para iwasan ang kung ano pang susunod niyang maitanong. Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko, at marahan nang pumikit.

"Oh sh*t, there are werewolves out th--"

Everything went black.

Namulat ako sa marahang pagyugyog sa'kin. Akmang magsasalita ako nang takpan ng kung sino man ang bibig ko, pigil sa kung ano mang sasabihin ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maalalang kasama ko pala si Jayson at ngayon niya lang naisipang gisingin ako.

'Wake up and look.' nakalagay sa cellphone niya matapos niyang magtype rito. Inayos ko ang pagkakaupo ko at tumingin sa telescope. Nadakip ng mga mata ko ang pagharap ng mga grupo ng werewolves at mga tao?

Mas lalo ko pa silang pinagmasdan at nakitang ang kaharap ng mga taong lobo ay hindi mga tao. Kita ang matatalas nitong ngipin na ano mang oras ay handang itarak sa leeg ng sino mang humarang dito.


'Vampires.'

MixedWhere stories live. Discover now