Chapter 38

17 5 0
                                    


Marahas niyang tinanggal ang maskara ko nang hindi ako kumibo. Agad ko namang hinarangan ng braso ko ang kaliwang bahagi ng mukha ko.

Balak ko sanang kabila ang takpan, ngunit masiyadong tensiyonado na siguro ang paligid para maging tama pa ang pag-iisip ko.

Napatigil ito nang makita ang itsura ko.

'Kahit ang Alpha na hindi ko kilala. Ganito na siguro kapanget ang itsura ko.'

Mariin kong kinagat ang labi ko upang pigilan ang mapait na ngiti ko.

Lumapit na ang mga kasamahan ng Alpha na sumasakal sa'kin.

"Ako na ang magdadala sa kaniya," utos nito. "Tignan niyo ang paligid, hanapin niyo kung may kasamahan ang babaeng ito."

Hindi ako kumibo nang marahas ako nitong pinatalikod sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko upang hindi ako makawala.

Agad kong iniyuko ang ulo ko at tila ba alam ng itim kong buhok ang dapat nitong gawin. 

Tinukpan nito ang mukha ko upang maiwasan ang iba't ibang tingin ng mga narito.

Inihatid ako nito sa isang dungeon at ipinasok ako sa isa sa mga kulungan na naroon.

"Magpakasaya ka sa bago mong tahanan," ani ng Alpha at itinulak ako sa loob ng silid.

Manipis ang mga bakal na nakaharang sa bawat kulungan, ngunit hindi ordinaryo ang nasa bakal.

Nakita ko na ito sa librong pinag-aralan namin ni Jason.

"Bane," bulong ko.

"Mukhang pamilyar ka," ngisi ng Alpha at umalis na.

Ilang oras na ang nagdaan at nangangalay na ako kakayuko.

Humiga ako sa sulok ng silid. Itinakip ko ang kamay ko sa mukha ko at tinitigan ang kisame.

'Malamang nakapunta na ang dalawa sa pupuntahan namin.'

Hindi ko sila nakita at wala akong narinig na kung ano mang-ingay sa labas nang mahuli ako kanina.

Tumayo ako at sumilip sa may kaliitang bintana. Maggagabi na.

"Hija, pagkain mo," tawag saakin ng isang lalakeng matanda at iniabot ang tray ng pagkain. 

Tinitigan ko lang iyon, at walang balak na tikman man lang.

Napaupo nalang ako.

'Kamusta na kaya sila Kyla at Joan? Si Jayson? Si Hector, and mga magulang ko, at si Lola Eva.'
'Di ko namalayan ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko.

'Miss ko na ang yakap ni Lola Eva.'

Hindi ko napigilan ang paghibik ko.

Kahit pala nakakamanhid lahat ng pangyayari, si Lola Eva pa rin ang magpapalambot ng puso ko.

"Lola..." mahinang bulong ko.

Narinig ko ang marahang mga yabag papalapit.

Agad akong yumuko upang matakpan ang mukha ko.

"Matigas ka pala... alisin na 'yan kung ayaw kumain," dinig kong sambit ng lalakeng nakahuli sa'kin. "Ayaw kumain, gusto subuan ng lola. Ilabas niyo siya."

Inilabas nila ako mula sa'king silid at ipinasok ako sa lugar na agad na nalanghap ko ang tapang ng dugo at lason.

"May mga itatanong lang naman ako sayo, basta't sumagot ka ng maayos magiging mabait ako," ani nito at sumila'y ang nakakasindak na ngiti nito.

Hindi ako tumitingin sa Alpha at pinatuloy na itago ang mukha ko.

Isinabit ng mga kasamahan niya ang magkabilang kamay ko sa nakalaylay na kadena. Nakatayo lang ako.

"Anong pangalan?" pagsisimula niya.

'Para ano? Ipahiya ako sa iba?' isip ko.

Napadaing ako nang maramdaman ang mabigat na kadena sa likod ko.

"Oo nga naman, hindi 'to magiging madali. Kinaya mo nga yang mga kagat sa braso mo," tukoy niya sa peklat na gawa nina Justin.

Marahan kong ginagalaw ang kamay ko na pinapupuluputan ng kadena na malamang ay may lason din. Nangangati ang mga kamay ko.

"Bigyan mo ng sampo," utos ng lalake sa nasa likod ko na pumapalo ng kadenang may lason sa'king likuran.

Bawat hampas, kasabay nito ang pagdaing at pagsigaw ko sa sakit.

Nalanghap ko ang sarili kong dugo.

"Alpha Zack, may malaking peklat po siya sa likod," tukoy sa peklat na sa mga naging laban ko, hindi ko na matandaan kung sinu nga ba ang may gawa.

"Anong pangalan?" muling tanong ng Alpha na hindi nagbigay ng atensyon sa sinabi ng tauhan niya.

"Z-zack," humahabol sa hiningang sambit ko. Pinilit kong sambitin ang pangalan niya upang tumatak sa utak ko kung sino ang nagpahirap pa sa'kin.

"Zack," pag-uulit ng Alpha.

Agad akong nakatanggap ng malakas na suntok sa sikmura.

"Wag na 'wag mong gagamitin ang pangalan ko. 'Wala sana akong balak na saktan ka dahil sayang ang maganda mong mukha, ngunit pasensyahan tayo dahil humihingi ng impormasyon ang Alpha ng batang ginamit mo," mahabang litanya nito.

Nanghihina na ako sa pagod at nahihirapan na rin akong huminga nang lumipas ang isang oras na walang tigil na paghampas ang natanggap ko.

"Lumabas muna kayo," utos ng Alpha.

Narinig ko ang paglock nito ng pinto.

"Sayang ang oras ko kung wala akong makukuha sayo. Mas mabuti pang paglaruan nalang muna kita," ani nito.

Akmang itataas nito ang mukha ko ngunit buong puwersa ko siyang pinigilan.

"Sabi mo eh, kaya ko namang ako lang kahit hindi ka makisama.'"

Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan nito ang bewang ko.

"M-m--" pagsubok kong pigil sa balak niyang gawin. "Mate."

"'Yan ba inaalala mo? Wala kang mate, at ako? Wala akong pake kung sino man siya," ani nito.

Bumigat ang pakiramdam ko at nag-igting ang panga ko.

'Lahat ng Alphang nakikilala ko, mga walang awa.'

Yumuko ito sa harapan ko at mariing hinila ang bewang ko papalapit sa'kaniya.

Rinig na rinig ko ang tunog ng kadenang pumipigil sa'kin na makawala.

Napayukom ang mga kamay ko nang simulan nitong ibaon ang ulo niya sa leeg ko.

Mahigpit kong ipinikit ang aking mga mata, kasabay nun ang pakiramdam na pag-iiba ng kulay nito.

Bumalik sa'kin ang ginawa sa'kin ng pinakaunang kalaban ko. Tila ba bumilis ang pagkakaalala ko sa mgaa nangyari sa'kin hanggang sa pagreject sa'kin ng lalakeng tanging kinakapitan ko sa mga oras na 'yon.

Marahas kong iminulat ang aking mga mata at tinitigan ang leeg ng lalakeng balak na paglaruan ako.

'Mamatay kana.'

Walang pagdadalawang-isip kong ibinaon ang pangil ko sa leeg ng lalaking walang pinagkaiba sa taong tumaboy sa'kin. Mga walang hiya. Walang awa.

Napadaing ito sa ginawang pag-atake ko. Ginawa ko sa kaniya ang ginawa ng lalakeng umatake sa'kin. Pinunit ko ang balat ng leeg niya. Mabilis na naghihilom iyon.

Natawa ako.

Pagnasusugatan ang isang lobo, napakadali lang humilom ng sugat. Tanging peklat lang ang bakas na nasaktan ito. Walang kwentang kakayahan.

"Maglaro tayo, tutal wala ka ring puso," walang emosyon kong sambit at walang hirap na tinanggal ang pagkakakabit ng kadena na nakakabit sa kisame at nagsisilbing bagay na pumipigil sa'kin.

MixedWhere stories live. Discover now