Chapter 18

22 7 0
                                    



"'Yon siguro 'yon no'ng natagalan ka bumalik ng room ano? 'Di pala LBM, kasi Love in the Woods. LW," she teased.

"Sino pala 'yong lalaking werewolf na nagtanong sa'tin?" naguguluhan na tanong ni Kyla.

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"O-oy, 'wag niyo yang s-sabihin do'n," ani ko na parang nagpapaawa.

"At bakit aber? May tinatago ka? 'Yon ba boyfriend mo, tapos fling fling lang 'yong isa?" ani Joan. "So ayaw mo ng madaming love-bite, kasi gusto mo yung wild... rawr!"

Muling tumawa na naman si Kyla sa pinagsasasabi ni Joan.

Napasapo nalang ako sa noo ko.

"Bahala kayo kung anong isipin niyo, basta 'wag kayong magkakalat ng tsismis sa iba," ani ko habang natatawa na rin.

Nagpatuloy pa siya magkuwento hanggang sa pumasok na ang prof at nag-ayos na kami ng upo. Sinimulan na nito ang klase nang makarinig kami ng biglaang pagbukas ng pinto na matagal na naming kinasanayan.

Iniluwa ng pinto si Jayson na may ngisi na naman sa labi.

"Ang lalakeng palaging grand-entrance ang peg," rinig kong bulong ni Joan.

Tumingin ito sa'kin at mas lalong lumaki ang ngisi nito. Inirapan ko ito. Kahit na nasanay na ako sa kaniya, nakakairita pa rin ang ganiyang klaseng ugali niya.

Umupo na ito sa tabi ko.

Dahil sa partner kaming dalawa, kami na ang nagging magkatabi habang sina Joan at Kyla naman ang magkatabi, pero pagwalang prof. lumilipat sila sa upuan na mas malapit sa'kin para makipagkuwentuhan.

"Morning," ngisi sa'kin ni Jayson.

Ngumiti ako at naiilang na umiwas ng tingin kay Jayson.

Nung mga nakalipas na linggo, pumapasok siya at nag-uusap kami sa research namin. Pero may kakaiba akong napapansin sa kanya. Bukod sa pagiging arrogante ng lalakeng ito, may mas nakakaweirdo pa pala siyang klase ng ugali.

"Here," ani pa nito at iniabot sa'kin ang isang maliit na box. Marahan ko iyong binuksan. Isa itong bracelet.

Napatingin ako kay Kyla at halata ang pilit na ngiti nito sa'kin sabay lingon na sa unahan. Naiilang na rin sa'kin minsan si Kyla dahil sa pinaggagagawa ni Jayson.

"Salamat nalang, ang dami mo nang binibigay sa'kin," tanggi ko at akmang ibabalik ito sa'kanya. Ngunit gaya ng dati, ayaw nitong binabalik ko ang nireregalo niya.

"That's for you. Simple lang 'yan tignan, pero napakagandang klase niyan. Just like you, babe," ani nito at kumindat. Kaaga-aga nagbibiro na naman.

Hindi ko mapunto kung ba't ginagawa niya sa'kin ito. Ayaw sa kaniya ni Joan, pero palabigay siya ng mga regalo, ibigsabihin may magandang side pa rin siya. Naguguluhan ako sa dalawang 'to. Baka aso't pusa sila nang nagkaisa sila sa isang grupo.

Marami na ang nabigay sa'kin ni Jayson. Sinasabi niya naman na sa hardwork ko 'yon kaya binibigyan niya ako. Pero minsan, gumagawa rin siya ng mga bagay na pwedeng may ibigsabihin para sa iba. Gaya ng pag-akbay, pagpisil sa pisngi ko at iba pa.

Itinago ko ang ibinigay niya at nagpasalamat sa kanya. Nagpokus na rin kami sa prof na nagsisimula sa unahan.

Wala naman patutunguhan kung magpupumilit pa ako. Tinatago ko naman ang mga bigay niya, kapag nangailangan siya, ibabalik ko nalang sa kaniya, at kung ako naman ang nangailangan ay isasangla ko nalang.

Wala siyang ibang ginawa sa loob ng klase kung hindi ang maglaro sa cellphone niya. Matalino naman kasi ang lalakeng ito. Sa punto na pati pag-aaral 'di niya na kailangang seryusohin.

At kung ako naman talaga ang may-ari ng paaralang ito,ba't pa ako magsiseryoso sap ag-aaral kung mayaman na ako.

Natapos na ang pang-umagang klase namin at lumabas na kami ng room. Bumaba na kami ng building habang kasabay si Jayson.

Sa mga ikinikilos ni Jayson nitong mga nakaraang linggo, hindi maiwasan na hindi ito bigyan ng malisya ng dalawa kong kaibigan. Lalo na't sa harapan pa talaga ng dalawa kapag gumagawa ito ng banat o namimigay ng regalo. Ngayon naman palagi na siya sumasabay sa'min paglumalabas ng room, dati nauuna pa 'to sa'min.

Nagpaalam na sa'min si Jayson na didiretso daw siya sa Dean's office kaya naman humiwalay na ito sa'min.

"Hay salamat, nakaalis rin," ani Joan at nagpakawala ng hininga. "Ang hirap makipag-usap pagnando'n 'yon. Baka makick out ako kunting mali ko," pagrarason ni Joan.

"Wala naman mali sa kaniya, maayyos nga trato niya kay Xiera di ba?" ani Kyla.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Ewan ko, basta may nasisense ako sa kaniya," ani nito.

"The more you hate, the more you love," pagbibiro ko dito, inirapan naman ako nito sabay taas ng mga kamay at nagqoute ng 'never'.

Pumunta kaming canteen at bumili na ng pagkain namin sabay diretso sa bench.

"Nabalitaan niyo na ba?" ani Kyla habang patungo kami sa bench.

"May transferees daw," ani nito.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Inaantay na magreact sila.

"Ano naman, may date ako mamaya. Bawal maistorbo ang mga kagaya ko," sagot ni Joan.

"Ang kj mo," sagot ko.

"Pagnakita niyo yung tatlo, maglalaway kayo," ani ni Kyla.

Napalingon naman kami ni Joan sa sinabi ni Kyla.

Si Kyla yung may pagkanerd type pero cute pa rin. At higit sa lahat, hindi nahuhuli sa usapan. Si joan lang naman mahilig magkalat. 'Di na ako magtataka kung si Kyla rin nakakuha ng balita tungkol sa'kin.


Kumakain lang kami at nagkikwentuhan tungkol sa date ni Joan nang mahulog ang ketchup ko. Pinulot ko ito nang may makita akong malalaking mga paa na tumigil sa harap ko. Nalanghap ko ang amoy ng tsokolate at strawberry na minsan ko lang maamoy.

Itinaas ko ng marahan ang tingin ko hanggang sa makita ang mukha ng taong nasa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na mukha nito.

Ang seryoso nitong mukha, ang kulay asul nitong mga mata, at ang matipuno nitong katawan.

"H-hi?" naiilang na bati ko rito. May mga kasama rin ito.

Nadakip ko ang pagpokus ng mga mata nito sa'kin.

"Do you want us to join you with your friends, little wolf?" rinig ko sa malalim na boses nito.

MixedWhere stories live. Discover now