Chapter 27

18 7 0
                                    

 Akmang pupunta na ako sa kuwarto ko ngunit bumalik ako sa sala nang makitang do'n niya yata balak matulog.


"Hoy, bangon kana diyan," pag-aalok ko.

Pinilit nitong imulat ang mga mata niya. Kinusot kusot niya rin ito na parang may nakikita itong hindi niya dapat makita.

"Dad?" tanong nito at kahit na madilim na ay kitang kita ko ang pamamasa ng gilid ng mga mata niya. Nanlambot ang pakiramdam ko. "Ba't niyo ko iniwan ni mommy?"

Napatigil ako sa sinabi niya. Kaya pala siya nag-iisa hindi dahil sa independent siya, kundi iniwan siya. Habang ako ito na gulong-gulo kung tunay ko ba talagang magulang ang Alpha at Luna. Kinikuwestiyon ko sila, habang si Jayson, wala man lang mapagtanungan. Dahil wala na sila.

Dapat pala magpasalamat ako dahil meron pa ako.

Yumuko ako ng kaunti para ilapit ang kamay ko sa ulo nito at ginulo ang madulas na buhok nito. Kulay itim ang buhok nito katulad ng kay Drake. Bagsak nga lng ang kay Jayson.

"Kaya mo bang tumayo?" halata sa boses ko ang pagkaawa.

Agad naman itong napatayo nang mapagtantong may ibang taong nakakita sa pagkaisip bata niya na tila ba naghahanap ng magulang.

"Yez babe. Hawakan mo pa," pilit na pagpasigla ng boses nito at inilipat nito ang kamay ko mula sa buhok niya papunta sa biceps niya.

Napangiti ako ng mapait. Akala niya siguro hindi ko siya nakikita kaya hindi niya pinunas ang luha niya. Nagkunwari pang malakas ang lalake.

Halos mapasigaw ako nang buhatin ako nito nang pabaliktad. Kitang kita ko ang puwetan niya nang dahil sa paraan ng pagkakabuhat niya. Napabuntong hininga nalang ako nang ibaba ako nito sa tapat ng pinto ng guest room.

Gustong-gusto na siguro nitong magmukmuk sa itaas kaya hinatid na agad ako dito sa guest room.

Napangiwi ako nang pisilin nito ang magkabilang pisngi ko bago naggood night at umakyat na.

Nagmamadali talaga siya.

Sumilay ang ngiti sa labi ko habang tinitignan ang papaakyat niyang pigura. Sana naman makatulog siya ng mahimbing.


"Good night din sayo, Omer," bulong ko at isinarado na ang pinto.

Inayos ko na ang hihigaan ko at pabagsak na humiga ro'n.

"Akala ko buhay ko lang iisipin ko, nakalimutan kong may buhay rin pala ang mga taong ninanais ko na tulungan ako," ani ko at pumikit na.

Mas maganda siguro kung matutulog muna ako ngayon, at bukas nalang isipin ang mga problema ko.

Nagising ako ng alas-syete ng umaga. Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin. May banyo na mismo sa loob ng kwarto kaya agad naman akong nakaligo.

Nang matapos ako ay nagtungo na ako sa may kusina dahil do'n ko naririnig ang ingay. Malamang naghahanda na ng plato't kutsara si Jayson.

"Morning babes, kiss kana dali," salubong nito sa'kin nang madatnan ko itong nagluluto. Andami kong natutuklasan sa kanya ah.

'Di ko pinansin ang sinabi niya at naghugas na ng kamay para tumulong.

"Akala ko nabuhay ka ng puro unhealthy foods lang laman ng tiyan mo," ani ko at mahinang napatawa.

"Don't be so judgemental babes," sagot nito at kumindat pa ang loko.

Nang matapos na kami sa pag-almusal, agad niya akong dinala sa library. Nasa may bandang itaas ito. Nalaman ko rin bukod sa library at kwarto niya, may dalawang bakanteng kwarto pa na kuwarto ng mga magulang niya. May office din siya.

Nang makapasok ako sa library ay agad na tumambad sa'kin ang mga kabinet na nakadikit sa mga pader. May mga label din ang mga ito.

Sa may gitna ng silid, may malaking table na pinalilibutan ng mga upuan. Umupo na ako do'n. Magtagal pa ay sumunod na umupo si Jayson dala-dala ang may kalapadang mga libro.

"Vampire Diaries, Wolf's Bane, History of the Three Lands, True Stories of Vampires and Werewolves... " mahinang basa ko sa mga ito. "Ayaw mo sa kanila, pero madami kang mga koleksyon tungkol sa kanila," pagpupunto ko.

"Told you already, I wanna know their weaknesses. I'll need them in the future. By the way, I already know the content of that History of the Three Lands," ani nito.

"Aanhin mo ba 'to? Makikipaglaban ka?"

"Sort of. Magiging scientist ako, kaya kailangan kong pag-aralan ang mga species na kagaya nila."

Napatango nalang ako. He might be the peace maker from the mortals.

Sinimulan na namin ang pagreresearch.

Napag-alaman ko na ang kahinaan ng mga bampira ay silver, kahit anong klaseng bagay basta gawa ito sa silver ay kahinaan nila. While werewolves is bane.

Pinili ko rin ang True Stories of Vampires and Werewolves. Alam ko naman na totoo sila dahil nga isa ako sa kanila, pero gusto kong malaman kung pa'no ikwento ng isang tao ang mga storya ng kagaya namin.

Natapos ang pag-aaral namin sa library dahil gabi na, ngunit naisipan kong ipagpatuloy ang pagbabasa ko sa guest room. Inabot na ako ng umaga kakabasa ng libro ngunit hindi ko pa rin matapos-tapos.

Bawi nalang ako ng tulog mamaya.

Pinagpatuloy namin ang pag-aaral. May nailagay na kami sa research paper namin. Kahit may naisimula na kami ay hindi pa rin ako natutuwa.

Simpleng mga kuwento lang ang nasa libro, walangkuwento tungkol sa mga magulang ko.

Siguro binago ang mga pangalan.

"Lemme guess, you didn't sleep?" ngisi nito nang kahit hapon palangay pumipikit pikit na ang mga mata ko. Inaantok na napatango nalang ako."Okay, I'll just tell you the story of that book, the History of the ThreeLands."

Ipinatong ko ang ulo sa mesa at nakinig nalang sa kanya.

Sinimulan niyang haplusin ang buhok ko para mas madali akong makatulog.

"Once upon a time, there was a woman called 'my mother'. She died becauseof giving birth to me, and I always give her gifts on her grave. Those giftswere lost. I only think that she took them, but how foolish of me, because Iknow they were stolen. Then one day, I met you. I saw something on you andstarted telling my mother that I'll give her gifts to you. Because you becamepart of me," kuwento nito.

MixedWhere stories live. Discover now