Iniligay nito ang hawak ng mga inumin sa counter at mabilis na naglakad papunta sa'kin.
Pinamasdan nito ng malapitan ang sugat ko sa mukha.
"Who did this?"
"Guess who?" sagot ko at nagtungo sa upuan.
Nagpakawala ako ng hininga nang maramdaman ang lambot ng sofa na hindi ko naramdaman sa mga lumipas na buwan.
Kinuha ni Hector ang dalawang baso ng pulang likido at ibinigay iyon sa'kin.
He served a big glass of blood thinking that the blood that he gave me wasn't enough.
"Thanks."
Tinitigan niya ako ng ilang minuto.
"'Wag mo kong titigan ng ganiyan, my King."
Napaupo ito ng maayos dahil sa sinabi ko.
"You're not my Queen," sagot nito. "You changed."
Umangat ang gilid ng labi ko.
Tumayo ako sa pagkakaupo at tumabi sa kaniya. Marahan kong ipinatong ang braso ko sa balikat niya at bumulong.
"I changed for a reason."
Ibinaba ko ang baso na hawak ko at tinitigan ang mga mata ni Hector. Gano'n din ang ginawa niya sa'kin.
Ipinakita ko sa kaniya ang bite-mark.
"Ang bite-mark ay isang love potion, at mayro'n ako nito. Sa kasamaang palad, wala ang nagbigay nito sa'kin gayong nangangailangan ako," pagsisimula ko at nagpakita ng nagpapaawang mukha.
"And you want to be with that person," dugtong nito.
Umangat ang labi ko nang mahuli ang galit sa mga mata nito.
"Hindi. Masyadong delikado," ani ko at inalis ang braso ko sa balikat niya. "Sa ngayon, kailangan ko ng substitute," dugtong ko at sinunggaban siya ng halik.
Ilang segundo siyang hindi nakagalaw ngunit agad niyang sinagot ang pangangailangan ko.
I let the time pass being with this vampire as my toy.
Natapos kaming dalawa at bumangon na ako upang magbihis.
Tinitigan ko ito na seryosong nakatingin sa'kin. Binigyan ko ito ng matamis na ngiti.
"Salamat pala sa inumin, at sa'yo. Nabusog ako," ani ko at hindi na naghintay ng isasagot niya.
Isinara ko na ang pinto nang makalabas ako.Muling umangat ang gilid ng labi ko nang maamoy ko ang iba't ibang bampira. Malamang nakikinig sila sa'min.
Ginamit ko lang si Hector na pampalipas oras, ngunit wala na akong oras para makaramdam ng konsensiya o awa. Kailangan ko lang tugunan ang pangangailangan ng katawan ko. At wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko.
Akmang bababa na ako ng building nang maramdaman ko ang pagpulupot sa'kin ng pares ng kamay at nagpadala naman ako nang mapagtanto kung sino ang nagtangkang gawin sa'kin 'yon.
Naramdaman ko ang sarili ko na nakaupo sa sofa na kanina ko lang inupuan.
"Xiera, you need to stop this act."
"Act?"
Tinitigan ko lang si Hector. Wala siyang karapatang sabihin na umaakto lang ako.
"Your father died."
Napatigil ako sa sinabi niya.
"A-anong sabi mo?"
Napaupo ito at napahilamos.