Prologue

1.4K 39 1
                                    

Hinayaan ko lang ang tubig mula sa shower na basain ang katawan ko. Wala akong maramdaman. Walang laman ang isip ko. Heto ako, nakatingin sa sahig, walang kibo. Manaka-nakang tumatama ang tubig sa aking mga mata. Pag nangyayari yon ay kumukurap nalang ako para tumulo ang tubig mula sa aking mga mata. Kasabay ng luha. Luha ng hinagpis. Luha ng pagkabigla. Luha ng pagkabigo.

Masyado na ata akong nagtagal sa shower. Kaya't kinuha ko ang loofah para hilurin ang balat ko. Hilod ako ng hilod. Hanggang mamula na ang balat ko at sumakit na. Alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Alam ko na kahit ano mang hilod ang gawin ko, hindi matatanggal ang duming kumapit sa akin. May mga bahaging pulang pula. Ang pagitan ng mga dibdib ko. Ang itaas ng kaliwang dibdib ko. Ang puson ko sa taas ng aking kaselanan. Sa loob ng hita ko. My right butt cheek. Mga marka ng pagsipsip sa balat ko. Mga markang alam kong mawala man sa balat ko'y patuloy na yuyurak sa aking pagkatao.

Nang makuntento ako sa "paglilinis" ko sa sarili ko'y nagbanlaw na ako at nagbihis. Pumili ako ng damit na balot ako. Ayokong makita ng mga magulang ko ang mga markang ito. Tinanong na nila ako kanina kung maayos lang ako dahil ang tamlay ko. Gusto kong sabihing hindi. Gusto kong sabihing walang maayos sa akin ngayon. Ngunit di ko magawa. Dahil da sakit, dahil sa takot, dahil sa pagsisisi. Ang aking tanging naturan ay pagod lang po ako.

Nang makarating ako sa aking silid ay nahiga lang ako sa aking kama. Wala naman akong magawa. Di ko kayang magfocus kaya't useless kung mag-aaral ako. Di ko rin kayang magbukas ng social media. Takot ako sa mga maaari kong makita doon. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng aking luha. Kanina ko pa ito pinipigilan ngunit ngayo'y kumawala na ito. Di ko na kaya pang magpanggap. Ako'y tumangis nalamang ng tumangis. Ayokong may makaalam. Ayokong may makarinig. Kaya ako'y tumangis ng tahimik. Baka sakaling pag iniyak ko ang nararamdaman ko ay mabawasan ito.

Pag pumipikit ako'y mukha nya ang tanging nakikita ko. Mga matang nanlilisik. Mga labing sabik na sabik. Mga malalaki at mararahas na mga kamay. Katawang napakamatipuno. Mala adonis. Na kahit anong pagpupumiglas mo'y di ka makakatakas.

Ang katahimikan nama'y nagbabalik lamang ng mga tunog na di ko na ibig maalala pa. Ang kanyang mga ungol ng sarap. Pag pagtama ng kanyang katawan sa akin. Ang kanyang mga palo ng kamay na pipapitik ang aking balat. Ang mga tunog ng kanyang pagsipsip sa aking balat. Kapag naaalala ko iyon ay tumitindig ang balahibo ko.

I found me hugging myself. These hands bring back sensations that make my stomach churn. Ang marahas nyang pagbuhat sa akin. Ang paghimas at hipo nya sa aking mga binti. Mga pagpisil nya sa iba't ibang parte ng aking katawan. Ang mga daliri nyang parang barbarong sinakop ang aking kaselanan. Masakit. Sobrang masakit.

Marahil sa ngayon ay malinaw na sa inyo kung anong nangyari sa akin. I was raped. Ginahasa ako. Binaboy. Nilapastangan. Sapilitang inangkin. Sapilitang inagaw ang aking puri. Hindi lamang yon. Tinanggalan rin ako ng aking karapatan. He declared himself my master and called me a slave. A slave bound to do his bidding until he's satisfied or until he pleases so.

Itutulog ko nalang to. Baka sakaling pagkagising ko, mawala ang lahat ng problema at sakit na to. How i wish...

How i wish...


How I...

How...

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon