Prologue

374 11 2
                                    


"Ang ganda talaga ni Tokyo Siy."

"Oo nga pero p're kung ano man binabalak mo, itigil mo na."

"Bakit naman? May itsura naman ako."

"Lahat ng lalaki binasted niyan. Wag mo na itry."

"Baka ang tingin niya sa atin eh mas mababa sa kanya? Hahaha! Mapagmataas naman pala yan eh."

"Hahahaha.  Huwag ka maingay pare baka marinig ka niya."

Isa yan sa mga naririnig ko kapag dumadaan ako sa hallway mula sa mga lalaking ang gusto lang naman sa akin ay yung mukha at katawan ko. Yan din ang isa sa mga dahilan kung bakit halos wala akong kaibigan dito.

"Ayan na naman si Miss Americana."

"'Di ba chinese yan? Hahahaha bakit Americana?"

"Hindi mo ba alam? Laking America yan kaya ayan, akala mo sa kanya lahat. Alam mo ba inagaw niya yung boyfriend ni ano. Tapos nahuli pa yang nakikipaghalikan kay ano."

"No way! Akala ko pa naman mabait siya kasi tahimik. Malandi pala. Hahahahahahaha-"

Sinuot ko ang headphones ko at nagtuloy ng paglalakad. Nilaksan ko ang volume ng kanta ng ONE OK ROCK. Gusto ko man mawala, ayoko naman makita yun satisfaction sa mga mukha nila. May part sa akin na gusto pa sila galitin hanggang sa sila yung maunang mamatay.

Napatawa ako sa naisip ko.

Hindi ko namalayan na nakaakyat na pala ako sa rooftop. Dito ang safe place ko. Walang mga lalaking pinagnanasahan ako. Walang mga babaeng pinagtsitsismisan ako na parang alam nila lahat ng nangyari. Walang maingay.

Sinabayan ko ang rhythm ng tumutugtog sa headphones ko at sumayaw.

*Clap clap*

Tinanggal ko ang headphones ko at tumingin ako sa likod ko.

"Kanina ka pa nandyan?" tanong ko.

"Oo. Actually nauna pa ako sa iyo dito. Nandun ako oh" sabay turo sa taas ng pinto ng rooftop kung saan nakalagay ang sattelite dish at antenna. Nakakaakyat kasi doon. Minsan doon din ako napunta para matulog, para hindi ako mahanap ng mga teachers ko.

"Ah." response ko. HIndi ko alam ang isasagot ko. Una sa lahat hindi ko siya kilala. Hindi siya nakauniform kaya baka bago siyang student. May kulay ang buhok at matangos ang ilong niya. May piercings siya sa magkabilang tenga, at medyo payat siya.

"Huwag mo akong titigan, baka mainlove ka."

Napaiwas ako ng tingin. Napahawak ako sa mukha ko. Uminit yata ang pakiramdam ko?

"Sorry. Bago ka ba dito?" tanong ko habang umuupo sa may bench.

"Oo. Napaaga ako ng dating. Iniintay ko lang din mga kaibigan ko." sagot niya habang naglalakad palapit sa akin.

Tumango na lang ako at sinuot ulit ang headphones ko. Hindi ko na lang siya papansinin. Pinatugtog ko ulit ang paborito kong banda. Nilaksan ko ang volume. Kapag nakita kami dito ng ibang schoolmates namin, may tsismis na naman na kakalat. Napabuntong hininga na lang ako. Okay lang yun, at least maganda na agad image niya sa buong school kasi kinama niya si Tokyo Siy.

Nagulat ako dahil may kumulbit sa kaliwa kong balikat. Nandito pa siya? Hininaan ko ang volume ng headphones ko.

"Paborito kong banda yung pinapatugtog mo. Stand out, Fit in yan di ba?" tanong niya sabay smirk.

Bago pa ako nakasagot, kinuha na niya yung headphones at sinuot niya.

Tahimik lang ako. Hindi ko alam ang irereact ko. Siguro dahil hindi ko siya kilala at hindi niya ako kilala kaya kampante ako sa kanya. Napatingin ako sa langit at napapikit. Fineel ko ang hangin na hinihipan ang buhok naming dalawa. Ngayon lang ata ako naging at ease sa school na ito. Ayoko ng --

"Ayoko ng pumasok sa school. Let's runaway."

Napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa mata ko. Sinabi niya yung nasa isip ko. Hindi ko alam na may makikilala akong ganito. Hindi ko alam na may lalaki bukod sa kuya ko na kaya akong pakalmahin ng ganito.

Tumayo siya at inextend ang kamay niya sa harap ko.

"Bilis na, kunin mo na kamay ko." iritable niyang sabi.

Kinuha ko ang kamay niya. Hinila niya ako kaya napatayo ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. It's calming, yet it scares me.

But, I want to feel alive.

And maybe with him, I may want to be alive.

"Hi. I'm Ken Suson."

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now