Chapter 1: The Tsinelas' Gala

221 5 2
                                    

Vheneree's POV

"Two thirty, baby won't you meet me by The Bean?
Two early, maybe later you can show me things~"

Kumanta ako habang naglalagay ng conditioner sa buhok ko. Maaga akong nagising ngayon dahil napagkasunduan naming gumala at bumili ng mga school supplies dahil dalawang kembot na lang ng araw, eh magpapasukan na at ngayon palang kami mamimili. Sabagay, puros katarantaduhan ang mga inaatupag namin ngayong Summer, eh.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng simpleng kasuotan dahil ang mahal ng gown sa bulok na boutique sa kabilang barangay. Di ko maatim ang presyo, kaya ito na lang muna. And besides, fashion doesn't makes sence if you keep holding it for the environment. Makisabay sa uso, like. Nah, pangit ang tao kung hindi mo man lang ito makitaan ng imperfection sa pagkatao niya, bijj.

Polbos at lip balm ang gamit, ay diretso na akong bumaba upang malagyan man lang ng pagkain ang tyan ko. Make sure na masusustansyang pagkain para mapa-wow ang mga bulate. Nagiging matapang kasi kapag palaging 'like' ang nilalagay ko. Parang sa Facebook lang. Opx. Haha.

"Good morning, mga kapamilya! Kamusta kayo? May nanaginip? May humilik? May nagsalita? May tumayo ba upang maglakbay-lakbay habang natutulog?" umagang-umaga, gan'to ka, self. Ewan nga sayo. Pft!

"Ewan ko sayong bata ka. Umupo ka na lang rito para makakain ka na," ang Mader, sinusubuan ang baby ng buhaynessed namin.

Dumiretso agad ako sa hapag para halikan sa pisngi ni Leviree at para makakain na rin.

"Aba. Saan lakad mo?"

Nakangisi kong binalingan ng tingin ang Brader nang magtanong ito.

"Pagkatapos nito? Maglalakad ako papuntang lababo, syempre-"

"Ma, pwedeng batukan itong si Vheneree? Ke'aga-aga namimilosopo!"

Humagalpak ako ng tawa at aksidenteng nakasalubong ang matalim na tingin ng Mader. "He! Tumahimik kayo at kumakain tayo," dinilaan ko pa ang Brader bilang pang aasar at tumahimik na para kumain.

"Ate ko, shaan ka pupunta?"

Ngumiti ako ng matamis sa baby namin at nagsalita. "Pupunta kami ng mall, baby. Bibili kami ng mga shchool shupplies." ginaya ko kung paano siya magsalita. May kasamang 'sh', eh. Pft!

Lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko at nagawa pang itaas ang mga kamay para magdiwang. "Shama ako, Ate ko!"

"Leviree, baby, h'wag kang sumama dyan..." sinamaan ako ng tingin ng Brader.

Sinamaan ko rin siya ng tingin at inirapan nang makitang umiiyak na ngayon si Leviree.

'Ayan... Pang-tanga yung kaloks ng Brader. Yucks!'

"Patahanin mo 'yan! Gagawa-gawa ka ng kalokohan mo para sa kapatid mo, isasama mo pa si baby!" panggigigil ng Mader sa kanya. Mas lumaki ang ngisi ko, pang asar rito.

At sa kasamaang palad ay biglang bumaling sa akin ang Mader kaya awtomatik ang pag fade ng ngisi ko. Dzuh! Mahirap na!

"At ikaw naman... Kumain ka na lang, h'wag mo nang pansinin 'yang Kuya mo kasi papansin 'yan... Kaso walang jowa," I swear, gusto ko nang humagalpak ng tawa dahil sa hitsura ng Brader ngayon. Iyon bang parang wala nang mukha sa sobrang blangko ng ekspresyon? Pft! "Hay nakung mga bata kayo!" at si Mader na nga ang nagpatahan kay Leviree sa huli.

Ilang chika at twerks pa ang ginawa ko sa bahay at sinabi ko rin kay Leviree na papasalubungan ko na lang siya mamaya para ma-satisfied na rin siya bago dumating ang mga tsinelas para sunduin ako.

Sana All May JowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon