Chapter 7: We're Not That Far Apart

79 1 0
                                    

Reynard's POV

"TAO PO?!"

Mahinahon nga iyon ngunit tunog kawalang respeto ang lumabas sa boses niya. We didn't stop her, though... kami na nahihiya. Wala pa kami masyadong kakilala rito. Iyong may ari palang siguro nitong apartment at si Miss Born. Wala nang iba.

Hmmm... saan kaya sila nakatira? Sa iba pang barangay? Baka iilang dipa lang yung layo ng mga tinitirahan namin lalo na't nauna ko silang nakitang pumunta muna sa may tindahan at nagkasabay-sabay pa kaming mag-commute? Hmm, there's a big possibility na hindi kami magkalayo sa isa't-isa.'

"What the fuck is this?" Iritadong sambit ko bago nakita ang pagbukas ng pinto na nasali sa kagagohan ni Ate.

"Kailangan n'yo?" kalmadong bungad ng isang lalaki. Makikita rito ang pagsusungit niya habang nakatingin sa Ate ko.

"Matitir'han." kalmadong tugon naman nito ngunit ang mariing tingin ay hindi nawawala.

"Sa inyo-"

"Blader! Shino po 'yan?" rinig kong boses ng bata sa loob.

"Hintay," sambit pa nito at sinarado ang pinto.

"Hentai... parang bakla. Tss." bulong-bulong ni Ate.

Ilang minuto pa ang hinintay namin bago muling bumukas ang pintuan at hindi na iyong lalaki ang bumungad sa amin. Babae na... babaeng kamukhang-kamukha ni... Vheneree. At kaedaran ni Mama.

Nakangiti itong bumaling sa amin matapos paalalahanan ang batang nagsalita kanina. Tumitig ako sa kanya. Pati ang mga mata nito, nagagalak.

'Kamukhang-kamukha niya talaga ito...'

Isinantabi ko ang pag iisip na iyon at siniko ang pabulong na nagrereklamong si Clark. He kept on blaming Ate, though... i should've blame her too for being...

"Bro, ikaw na. Ikaw ang lalaki, eh," she said with her usual paawa-effect.

Pasimple akong umirap sa kanya at tumikhim bago tinugon ang ginang.

"Uhh, may itatanong lang po kami," at nag iwas ng tingin.

I swear, this is Vheneree. Matanda-tandang Vheneree.

"Ano iyon?"

"I lose my keys po at kasama na roon ang susi sa apartment namin. Uhh, may contact number po ba kayo sa may ari ng apartment?" tanging natanong ko.

Humalukipkip ang ginang at tumingin sa kawalan, tila nag iisip.

"Brader! Anmeron? May tao sa labas, right?"

Damn. Kill me if I'm wrong, that was Vheneree's voice!

"Wala. Kumain ka na dyan. Kanina ka pa selpon ng selpon. Kami nang bahala rito," masungit na ani lalaki kanina.

"Ateeee! Pashubo ako. Hihihihi," rinig ko na namang sambit ng batang babae.

"No, Brader. Gusto kong makita. Ano bang ginagawa? Iniistorbo ba tayo? Asan ang Pader?" boses ni Vheneree and I can feel she's walking towards in our direction.

"Ay naku, i-text mo nga ang Pader mo kung anong oras siya uuwi't para masalba na natin ang problema ng mga ito," ani Ginang sa lalaki sabay pasada ng ngiti sa amin. We smiled back.

"Dude, I think she's Vheneree's mother. Kamukhang-kamukha, eh." kalabit ni Clark sa akin.

I then nodded randomly.

"Even their smiles. Same na same," dagdag ni Ivan na nakatingin sa mag-inang nag uusap. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya,

He looked at me devilishly. "What?" and he end up smirking.

Sana All May JowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon