Chapter 8: Ang Labidabs Ko

57 2 0
                                    

Vheneree's POV

'Bwisit!'

"Hmmp! Nakakainis! Bakit nangyayari 'to ngayon?!" gigil na gigil na sabi ko nang makarating sa kwarto.

Padabog kong hinablot ang mga kumot para sana tupiin ngunit mas nauna ang pagkakadulas ko nang magulat sa nakakarinding boses ng kapatid ko.

'Shit! Sino ba si Bad Mood at nang masapak ko? Nakuuuu!'

"Wahhhh! Ate koooo! Ayayare shayooo?!" tili ng kapatid ko sabay dalo sa akin.

'Tss. Hindi ba obvious? Ginulat mo diba?'

Imbis sagutin ang kapatid ay tumahimik na lang ako. Dahan dahan akong tumayo dahil sa sakit na iniinda. Pujenangina, ang sakit! GagooOooo!

Nang makatayo ay nagtanong na naman siya. "Okay ka na ba Ate ko?" sabi niyang ngiting ngiti.

Tumango lang ako at inayos na ang tutulugan namin.

"Tulog na tayo, baby..." pag aya ko rito ngunit nanatili siyang nakatayo at parang baliw kung ngumiti ng wagas. Peste!

"Tulog na tayo, baby. May pasok na tayo bukas..."

Umiling ito. "Ate koooo! May jowa na akoooo! Si jowa ko Reynard! Ang-"

Napailing ako sa inis at nilapitan siya ulit.

"Baby... hindi ka pa pwede sa mga ganyan. Masyado ka pang bata. Tsaka dzuh! H'wag yung Kuya Reynard mo if ever! Masyado ka pang bata tsaka dapat marunong kang pumili ng lalaking hindi katulad niya: mayabang, sama sama ng ugali-"

Napatigil ako sa pagtatalak nang marinig ko ang malakas nitong paghikbi. Shet. Napasobra siguro ako sa pagdada. Bata pala 'to, naku...

"Shhh, tahan na baby. 'Yaan mo ihahanap na lang kita ng bago-"

Napatigil na naman ako sa sasabihin ko nang mas lumakas ang pag iyak niya. Pesteng buhay 'to, oo!

"Tss! Oo na! Jowa mo na ang Reynard na 'yon, kaya pwede ba? Matulog na tayo para maagang magising bukas?"

Siraulong batang 'to. Kanina lang ang OA sa pag iyak tapos ngayon hahagikhik hagikhik na. Punyal na bayabas!

"Talaga Ate ko?" ngiting ngiti na naman nitong tanong sa akin.

"Oo! Matulog na tayo." sabi ko at sinara na ang bintana.

"Yeheyyyy!" hiyaw niya at tumalon sa kama.

Nakangiting nakatingin siya sa akin kaya pinunasan ko ang mga butil butil na luha sa kanyang mga mata.

"Tulog na tayo, baby, opo? Maaga pa tayo bukas," ani ko sabay halik sa noo nito.

Malugod siyang tumango. "Basta Ate ko ah? Jowa ko shi jowa Reynard ta-"

"Oo na, oo na. Tara?" pigil ko sa kanya at nagtalukbong na ng kumot habang yakap yakap siya.

At saka lang ako dinaanan ng kutob na may tiyak akong narinig ng mga bubwit kung ano man ang mga pinag uusapan namin ni baby kanina.

'Pakshet na festhe!'

Umiling na lang ako at nagsimula nang matulog.

"Vheneree, gising na. Uyyy!"

Nagising ako sa tampal ni Mader sa pisngi ko. Ano ba 'yan! Feeling ko maagang maaga pa. Sarap pa matulog, eh.

"Mader naman... maaga pa kaya..." tanging naging sagot ko at natulog ulit.

"Ay putragis! Gumising ka na't maligo! Kapag hindi pa kayo gumalaw ng kapatid n'yo... hindi ko na kayo pagagalawin kahit kailan!" mahinang bulyaw nito bago ko narinig ang pagsara ng pintuan.

Sana All May JowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon