Chapter 22

25 0 0
                                    

Chapter 23

Psst! Monday na! Guess what? Aba! Ewan ko... Pero syempre joke lang. Baka kasi ngayong araw na gaganapin kung sino na ang magiging President ngayon? Diba? Excited ako pero hindi masyado. Lalo na ngayon na malakas na malakas ang kutob ko na ang mananalo ay ang gunggong ng buhaynessed n'yo. But it's okay. 'Feeling' ko, kaya rin naman ni Reynard ito. Feeling ko lang ah? Baka ano kayo dyan ah? Pft! Pero seryoso, platform chuchu palang niya last week, windang na windang na 'ko. At hindi pa 'yon, 'yon... Masasabi mo talaga sa sarili mo na kahit may kaunting banas ka sa pagkatao niya, mararamdaman mo talaga kung anong pinagsasabi niya sa harapan. Iyong mga katagang hindi inaasahan dahil sa sobrang kawindang-windang.

''Buti nga, hindi basta-basta ako nanghuhusga. Pawindang-windang muna. Naks!'

Napangiti ako sa naisip ko.

"Good morning, everyone!" maligayang bati ko sa kalagitnaan ng hagdan at saka tinuloy na ang pagbaba.

Dumiretso ako sa tabi ni baby, patuloy pa rin sa pagkain, ni hindi ako pansinin.

"Walang good sa morning," pagtawa ng Mader sa gilid at tinawag si baby. "Inom pa ng gatash, baby. Pampagana at pampalakash ito. Hehehe," narinig ko na naman ang kapabebehan ng Mader! Papansin sa Pader, eh 'no.



Nagsimula akong kumain at nakangiting naghintay na pansinin ako ng baby namin pero hindi. Dedma siya, besh...

"Hi, baby! Sinong maghahatid sayo?" panimula ko nang maisip na napakaaga pa naman, so may time pa ako para ako ang maghatid sa kanya habang wala pa si Kuya.

Sinusubo ko ang hotdog habang naghihintay sa magiging respond nito pero hindi pa rin.

"Baby, gusto mo pa nitong hotdog?" suyod ko sa marami pang hotdog.

'PorkchOp... Bakit hindi ako nito pinapansin?'

Patuloy ako sa pagnguya habang iniisip kung bakit hindi ako pinapansin ng baby na 'to ngunit kumunot ang noo ko nang marinig ang pigil na pigil na tawa ng dalawa ngunit kumawala pa rin ang matinding hagikhik nila lalo na iyong kay Mader.

"Natutuwa ako, Vheneree..." ani Mader habang pinipigilang hindi matawa. Bumaling ako sa kanya, nagtataka. "'Yang bunso n'yo marunong nang magselos. Akalain mo 'yon..." at tumawa na naman siya kasama na si Papa.

Napairap ako. Nagawa pang mag-apir ang dalawang ito? Aba!

"SELOS?! BAKET?" napatayo ako sa gulat nang mapagtantong nagseselos si... baby? Ang baby namin?

"Iki-kwento ko pa ba?"

'Naks, ang Mader parang si ako. Aba!'

"Pwede mo ring i-tula..." nasabi ko nalang.

"ABA! MASAMA TABAS NG-"

"Oh! Oh! Oh! 'Yang boses mo na naman, asawa. Tumigil na kayo," ani Pader. 'Buti naman. Naku!

"Sumasama tabas ng dila-"

"Bakit nga kasi? Bakit nagseselos si baby? At kanino?"

Inunahan ko na. Mahirap na. Magkakaroon ng mahabang meeting kung magpapatuloy pa sa pagtatalak ang Mader, no.

Agad kong binigyan ng pansin ulit si baby. Wala pa rin siyang imik. Naks! Kung maka-asta, parang kay tanda na, baby ah? Pft!

"Baby, pansinin mo na 'ko. Ano bang ginawa ko? Sino bang pinagseselosan mo't pati ako hindi mo na pinapansin? Papagalitan ko," determinado kong sambit. Nakakaloks na kasi.

Umarangkada ang pagnguso nito, hudyat na papaiyak na. Kumunot ang noo ko. "Ikaw, Ate ko..." sagot nito at kitang-kita ang pangingilid ng kanyang luha.

Sana All May JowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon