Chapter 6: Ate Shengshe

83 2 0
                                    

Vheneree's POV

"Damn. Where's the keys?" iyan ang mga narinig ng expert kong mga tainga at nilingon na ang gawi ng mga bubwit.

"Hala. Minumura ka yata, mamc," yugyog balikat na sabi sa akin ni Bernadette, natatawa.

"Magtigil ka't mag-aral ka ng mabuti, instead of analysing the wrong thing." I stated, nawala yata ako sa mood.

Niyugyog niya ulit ako.

"Asus! Kumikeme lang, eh." saka ito ngumuso. Inirapan ko na lang siya bilang tugon at bumaling muli sa mga bubwit.

Ay sa ngayon, masasabi kong panay ang mura ng mga bundot nito sa kanya dahil sa eksenang 'where's the keys' kanina. It means, pinagmumura siya ngayon dahil sa katulegan niya ang pagkawala-wala ng kanilang susi.

"Ay naku'ng marupok ka..." pabulong kong nasabi ngunit mabilis na nagulantang nang makita ang kamay ng Rosalinda'ng nakaduro sa mismong mukha ko.

'Phota. Who gave you the permission to just designed your freaking hand in front of my gorgeous face?'

"Putulin ko, Rosalinda, gusto mo?" hamon ko rito ngunit mas lalo lang silang nangisay sa kilig at minsa'y nagtata-talon pa.

Pujenangena. Ginawa ko rito para magkanda-buang ang mga ito?

But, Vheneree is Vheneree. Kaya nang aktong tatalon na naman ulit sila ay agad ko nang tinampal ang kanilang butt. Yes ho, oho.

"Lesgo. I'm bored." patuyang sinabi ko habang rinig pa ang kanilang pagdaing dahil raw sa pagtampal ko.

"Photangena. Kelan kayo naging pabebe? Nang makita n'yo ang mga bubwit na ito?" arangkada ko na naman at pigil ang tawang iniwan silang dalawa.

'Phota ka, Vheneree. Problemado na nga ang mga 'yon ginago mo pa sa kagagohan mo.'

Rinig ko pa ang nagmamadali nilang paumahin sa tatlong bubwit bago ako ulit napalingon sa likod para tingnan kung sino ang tumampal sa aking likod.

Pinagmasdan ko ang mga mukha ng mg tsinelas. And oh... maasim ang mga iyon. WatodooOooo?

"Vheneree naman! Alam mo namang nawawala na nga yung susi nila, sinama mo pa sila sa kalokohan natin!" mataray na sinabi sa akin ni Bernadette.

"Wala namang ginagawang masama. Tss." dugtong naman ni Rona.

Napayuko tuloy ako sa mga sinabi nila. Dahil ang lahat ng 'yon ay totoo. Ugh!

"Sorry naman!" guilty at napapapadyak kong tugon sa kanila kaya agad naman silang napangisi.

Nagtanguan silang dalawa.

"Sa kanila ka dapat humingi ng paumanhin!" excited at sabay nilang sinambit.

Nanlaki ang mga mata ko ngunit kalaunan ay umismid.

'Ayaw ko nga! Mamaya asarin pa akong easy-to-get dahil sa konting asim lang ng mukha niya, napapa-sorry na ako. No freaking way!'

"Tsinelas, alam n'yo mismo kung ano ang sagot ko sa request n'yo,"

Iiling-iling kong sabi at idinantay ang paningin sa mga bubwit na hanggang ngayon nasa pintuan pa rin. Problemado sa nangyayari.

Ngunit hindi ko inaasahang dadantay rin ang paningin ng Marupok sa akin. At ang hitsura nitong problemado ay naging maasim at suplado ang naging kapalit.

Ano ito? Galit na galit siya sa akin? Tinuro ko lang naman sila! Bwiset!

"Ugh! Balakayojan!" iritado kong sinabi at tuluyan nang umalis.

Sana All May JowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon