Chapter 24

28 0 0
                                    

Chapter 24

Ngumuso ako.

Pilit kong inaalis sa isipan ang nangyari kanina. Magmula sa aking nasaksihan kani-kanina lang hanggang sa pinagkatuwaan nila akong apat maliban sa isa dyan...

'May kabaitan naman pala 'to si gunggong, eh.'

"Talk to them, babe,"

'Pwedeng paghaluin ang kabaitan at kabastusan? Kung pwede naman, irereto ko 'to si Reynard. Hanep na malakasin! Shet!'

Nanlaki ang mga bilog sa mata ko...

'Ba't mo naman nasabing bastos, Vheneree? Tinawag ka lang na 'babe' bas-'

At ako'y mas napaniwalang may nagtatalo ring talaga sa pag iisip. Pero dzuh! Wala lang 'to, 'no.

Umirap ako sa kawalan at parang tangang ginantihan ang sinabi ng isip ko...

'E'di I-search mo na lang sa google! Ang panget mo...'

Oh, see? Buang na talaga... Maski sariling utak, eh sinabihan ko pang panget. Iba nagagawa ng mga taong broken.

Pero teka? Broken ba agad? Broken ba talaga ko? Ang over ko naman yata. Timang!

"Is my babe's really fine?" natigilan ako nang magsalita ulit ang gunggong sa harap ko. Aba! Kanina, nandito palang yan sa tabi ko ah? Ba't sa harap na?

Isa pa 'to, eh. 'Kitang nakikipaglaban sa isip, eh. Susungal agad. Dzuh!

Napagala ang paningin ko nang umusbong ang mga pinipit na tili ng iilan rito sa classroom. Don't tell me, nabuang na rin sila kagaya ko?

Kasunod niyon ay napakunot na ang noo ko nang mamataan sina Fiona at iilang babaeng kaklase naming malakas na talaga kung timili lalo na't sumasabay pa ang pangingisay sa kilig? What?

Narinig ko ang pagsipol ni Reynard ngunit mas itinuon ko pa ang paningin kina Fiona dahilan para makita ko na kung sino iyong Olive. Nasiringan niya ng tingin ang gawi namin at nagpapadyak na naman siya sa kilig bago bumaling ulit sa akin at nag mouth-talk ng "Bagay kayo ni Reynard". Aba! Akalain mong naintindihan ko agad ang mga 'yon? Naks!

Ngumiwi ako at pagkatapos ngumisi kaya ayan na naman ang pagpadyak nito sa sahig.

Hindi ba siya naaawa sa sahig na kanina niya pa binubogbog gamit ang pagpadyak rito? Naks! Kahit one percent awa lang sana...

Kusang nanlaki na naman ang mga mata ko sa mga naiisip ko. Baliw na baliw na talaga 'ko. Malakas na, pre...

"Did you have your snack, ba-"

"Manahimik ka, Reynard. Ang panget mo rin," putol ko sa kanya at matinding lumayo dahil ayan na naman siya, 'yong bigla-biglang lalapit ng intense, gano'n.

He gave me a bunch of laughter that made my life complete...

'DepungaWl na unggoys... Dyan tayo magaling sa baliw-baliwan, eh. Kung anu-ano na iniisip... Festhe! Made my life complete daw! Sana all!'

"You're so cute..."

Umikot ang dalawang bilog sa mga mata ko at mataray siyang binalingan. "Alam mo... Kung nagpapa-abnoyan tayo, you better leave now. Kasi magsisimula pa lang, talo ka ka..." ani ko at tumayo para lisanin ang lugar.

'Ang boring ng Reynard n'yo, uyy!'

Patuloy ang paglakad-lakad ko habang maraming nakapila sa isipan: una, iyong nakakapagtakang ni isang prof ay walang pumasok sa amin, kahit ang Gerlorica Gerlorica. Don't tell me, tunay talaga ang sinabi ng Rosalinda? Na basa ang mga panty ng mga babaeng prof at basa naman sa mga lalaki? Por Amor! Pft! Pangalawa, nasaan na kaya ang apat na 'yon? Bahala sila. Shet sila. At pangatlo'y ang boring talaga ng Reynard n'yo. Lakas pang mag babe-babe sakin. Naks!

Sana All May JowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon