Chapter 29
"Bakit kasi palagi na lang sa Gymnasium gaganapin mga pakening activities kung pwede naman sa Oval o kaya sa CR para bongga. Hay naku! Nakakainis na!"
"Madali lang 'yan, Rosalinda..." napatingin kami sa Balugs na ngiting-ngiti.
"Ano naman?"
"E'di, do'n ka sa Oval. Doon mo gawin lahat ng activities. O kaya... Hahaha - magt-tumbling ka na lang sa harapan namin, please." malakas na tawa nito at nakipag apiran pa sa akin at dzuh! Sabay rin kaming nag irapan sa isa't-isa.
Hindi pa ho kami bating lahat. Plastikan lang ho lahat ng ito. Dzuh!
"Bakit wala pa yung tatlo? Ambabagal ng mga 'yon, eh."
"Aba! Miss mo lang si Clark mo, eh!" at nagharutan na nga ang mga tsinelas.
'Ewan ko sa inyo. Hinahanap ko pa ang mood ko. Missing, eh. Pft!'
Nang sandaling humupa ang jarutan ng dalawa ay sinabayan nila akong pagmasdan ang mga estudyante. Kung ako ang tatanungin eh, mas marami ang mga majajarot rito. At kung kikilatisin mo pa ang mga aura at kasuotan, eh talagang mga Engineering Students ang nangunguna. Shet, mag calculus na kayo mga profs. Naku! Pati ang mga single sa course namin, eh sadyang nadadamay na!
"Ang tagal mag start. Naiinip na 'ko..." rinig ko sa mga estudyanteng minsang pumantay sa harap namin para lumakad.
Umirap ako. Namimiss ko rin tuloy yung mga marijuana girls no'ng first day of school. Nandito lang naman 'yon sa loob pero hindi ko makita-kita. Naks! Makikipag-bati rin sana ako sa mga 'yon. Actually, lahat talaga ng mga nakaaway ko.
Ngumisi ako at pumikit.
'Masyado ka kasing bully, self. Kaloks ka...'
"Uyy, mamc..."
Mabilis kong inirapan ang Bernadette sa kanyang pang iistorbo. Nag eeksena pa 'ko, eh. Tss.
"Nuyon?"
Napangiwi ako sa ibinigay na ekspresyon ng Bernadette kaya napatingin rin sa amin ang Rosalinda.
Seriously, ang sakit rin minsan, umupo ng umupo, bijj.
"Bakit parang 'hindi' kayo nagpapansinan ni 'Kuyang Marupok' o ni 'Reynard babe mo' these days, ha?"
Umikot ang mga bilog sa mata ko at magsasalita na sana ngunit buhay pa pala ang isa kaya mas nauna ito kaysa sakin.
"Susko! That question is unwanted talaga! 'Yan din gusto kong itanong sayo, mamc, eh." bumungisngis ito. "'Buti nga tinanong mo. Aba!" at nag apiran sila.
Another roll eyes to the world ako sa mga pinagsasabi nila.
"Kailan ka pa naging jejemon, Bernadette, ha?" dyan, mapikon ka dyan.
Agad na nanlaki ang mga mata nito sabay tingin sa akin ng masama. "Sobra ka sa jejemon, mamc! Nakiki-"
"Chismosa ka, bijj." at umiksena ang pag ismid ko.
"Susko ka, mamc! Grabe ka naman! Inaalam lang namin kung bakit-"
"E'di chismosa ka na rin. I'll tell Aling Tita about this. Siya naman yung leader ng Chismosa Fam sa barangay natin, diba?" ngumising aso ako sa kanila at... "Sana ma-hire kayo..."
Naks! Ako pa!
"E'di kung gano'n rin naman ang mangyayari, eh..." nag flip hair ang Balugs. " CRUSH MO TALAGA SI REYNARD!"
'Aba! May malaking muscles ba 'to sa katawan si Bernadette? Aba! Naku! Naku!'
Gagatongan ko na rin sana ang birit niya ngunit inunahan ulit ako ng isang 'to sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
Sana All May Jowa
Teen FictionVheneree Wervillas a girl in Single University who have imprinted a name by no talent but of her bullying ways has paralleled her path with three renters of an apartment with a needle space from her crib. Reynard Remlasco had crossed his path with t...