Chapter 20
Hindi ko maintindihan ang mga eksena ngayon ah? Confused na si me...
"Miss Wervillas!"
Binigyan ko ng pansin ang mga boses na nagsusumigaw sa pangalan ko ngunit bumungad agad sa akin ay sina Gerlorica Gerlorica at Miss Tabagan.
'Anong kalintiks na naman kaya ito... Dzuh!'
Of course, I pulled a smile on them... like it's normal.
"Ano po iyon, Miss Tabagan?" magalang kong pansin sa kanila.
'Naks! Ako pa talaga yung unang pumansin sa kanila ah? Naku! Pride! AkeeEeeen ka na!'
Humalakhak silang dalawa. "We just wanted to congratulate you for the situation today. And believe us, hindi kami nagdalawang isip na sa dati ka nang Presidente, eh makakasama ka pa sa mga kinatawan ngayon bilang susunod na Pangulo." ngumiti ng matamis si Miss Tabagan at tinanguan ang Gerlorica Gerlorica hudyat na siya naman 'kuno' ang magpalipad ng kataga.
Tumango ang Gerlorica Gerlorica sa akin.
"I am proud of you..." ngumiti siya. "Kaya keep it up. Do not let the pail get full," at tinanguan ang ginang saka sila umalis.
Naiwan akong lowbat ang utak...
These are my deep thoughts... it has two options: how they act and how they express it. I am real fan of these two.
Sa ngayon, hindi ko alam ang reaksyon at gagawin o magagawa ko sa eksena ng dalawang ginang. Unang-una, we are not that close, at kung magkakausap man ay kung may pangangailan at libangan lang sa paligid. Pangalawa, hindi ko ini-expect na hinanap nila ang atensyon ko para sa eksenang iyon. Ang sabihing 'proud' sila sa akin. Pangatlo, nakapagtataka na bakit ngayon lang sila gumano'n sa akin, kumbaga, bakit ngayon lang nila ginawa 'yon. We missed the last year, and because, in the very beginning, mga guro ko na sila. Dapat lang talaga na kahit papa'no'y malapit rin kami sa isa't-isa. Nakapagtataka na ngayon lang... At ang panghuli'y bakit nila ginawa iyon na alam namin sa isa't-isa, eh wala silang pakialam sa akin at wala rin akong pakialam sa kanila.
And to be honest, ni minsan hindi man lang nila ako pinansin kahit man lang patungkol sa paglibang, kasiyahan sa paligid. Never nila akong inintindi. Pero aware ako sa sarili kong dahil sa mga pangyayaring iyon ay naging consistent ako kagaya nila. Iyong tipong ginaya ko na lang sila kaya pare-pareho talaga kami ng estado. Like, if we would see each other, each of us doesn't exist, strangers, iyong tipong hangin lang talaga ang bawat isa sa amin. Lugi nga lang ako dahil dalawa sila at mag isa ako... Naging tahimik ako sa sitwasyon na 'yon. Kaya ngayon, hindi ko alam ang nangyayari mas lalo na ang nararamdaman ko ngayon... I am perplexed, at the same time, detached.
Nangilid ang luha ko nang nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi nila...
'Hindi ko alam kung paniniwalaan ko sila...'
"Oh... looks like our Queen is crying, isn't she?"
Umikot ang dalawang bilog sa mga mata ko nang makarinig ako ng inggratang boses sa paligid.
'Bwisit na mga kampon ng badjao na 'to... 'kitang umi-eksena ako, eh. Ngayon ngayon na nga lang 'to, sumasabat pa. Kaloks!'
"'Yan ka na naman sa mga istorya mo. Napuwing lang, umiiyak na? But it's okay, kaysa naman sa akala ko na kapag napuwing ka, eh nagwalala ka na dahil sa kadesperadahan mong makuha ang toxic na kasikatan." tinaas ko ang kilay ko at swabeng tumango sa kanila.
"Alam mo? Ang bastos mo." halatang mas nanggalaiti ang pagmumukha ng Jewelry sa sinabi ko... "Tss... Utong mo naman kasi, sumisilip na. Marunong pa sigurong maki-chismis satin, no? Mag silicone bra muna bago mag-english, opo? Tutal, 'mayaman' naman kayo't kaya n'yo pa ngang bilhin 'tong Earth. Update ko na lang ang isa sa mga maid ko na mag set ng appointment sa Solar System dahil sa Mars na kami titira. Babush!" pang aasar ko pa at tinalikuran na sila.
BINABASA MO ANG
Sana All May Jowa
Teen FictionVheneree Wervillas a girl in Single University who have imprinted a name by no talent but of her bullying ways has paralleled her path with three renters of an apartment with a needle space from her crib. Reynard Remlasco had crossed his path with t...