Chapter 30

43 0 0
                                    

Chapter 30

Sa ikalawang pagkakatao'y inayos kong muli ang aking damit nang makita na ang mga kaluluwa ng mga tsinelas.

"Tara na,"

Agad silang napatingin sa akin, nagtataka.

"Ano?" tiningnan ko rin silang dalawa. "Hindi na kayo pupuntang Single University ba 'yan, at tatambay na lang kayo dito?" umirap ako.

"Eh, mamc, sina Ivan pa, sasabay-"

"Ang daming jeep, Rona. Hindi sila maliligaw at makakapunta rin sa 'Single' University. At kung magtaka mang iligaw sila ng driver ng sinakayan nilang jeep, eh ako nang bahala at hu-huntingin ko 'yon. Tara na..."

Napairap ulit ako nang ngumuso pa silang dalawa.

"Sayang..." rinig kong usal ng Bernadette.

Pangatalong pag irap ang ginawa ko. I swear, okay lang talaga kung ang dalawang bubs lang ang makikisabay sa amin, tulad na rin ng nakasanayan, pero si Reynard? Aba't hindi ko mapapalagpas! Parang tanga, eh. Naiinis ako sa kanya sa hindi malamang dahilan!

'Nakakapang torete, self ah?'

Walang kibong sumakay ang dalawa sabay larga na ng jeep. Feeling ko tuloy may something sa apat na 'to, eh. Something na nagkakamabutihan na...

Si Clark para kay Bernadette at si Ivan naman para kay Rona. O, e'di sila na!

'Sana all na lang, okay...'

'Yong gunggong? Aba! Ewan ko kung kanino 'yon. Siguro sa sinusundo niya sa ngayon, doon na yata 'yon. Tss. E'di wow.

Nang makarating sa school ay sabik na sabik na 'kong pagbabatukan ang mga tsinelas na 'to.

"PorkchOp kayo ah?! Pumunta kayo sa Faculty Room at may wifi! Doon kayo mag stay para naman masaulo n'yo na ang isa sa mga kanta ng Air Supply... 'yong 'Without You' nila. O kung gusto n'yo ng maganda gandang version, eh kay Mariah Carey na lang!" masungit na sabi ko sa kanila habang nakanganga lang silang pinagmasdan akong magsalita hanggang sa natapos.

"I can't liveeeeee, if living is without youuuuu~ PUJENANGINA! SANA ALL!" dagdag ko pa gamit ang pagkanta at nagpaunang naglakad.

'Ayaw mawalay sa mga partner nila... Mabuti kung meron rin ako, eh wala naman!'

Tahimik kong inilagay ang bag sa likod at umupo na. Sa loob muna raw ang mga estudyante since around eight o'clock pa ang simula ng SU week. Pangalawang araw na 'to ng SU week kaya'y may mga booths na akong nakikita sa mga gilid-gilid kanina, pero bijj, wala akong pake. Teka, hahanapin ko muna tuloy.

"Wala pa si Mr. President, Vheneree?"

Halos maging si Lastikman ako dahil gusto ko siyang sabunutan nang marinig ang boses ng Jamilla'ng tinatanong ako kung bakit wala pa ang 'Mr. President' ng pakening buhaynessed niya.

Matalim ko siyang tinitigan habang punom puno ng pagtataka ang ekspresyon niya.

"Walang wifi. Wala rin akong load. Kung may katanungan ka sa buhaynessed, i-search mo sa google. H'wag ako, Jamilla! Ipinapahanap ko pa ang mood ko sa mga pulis. Dzuh!"

At ang munting gunggong pa talaga ang itinanong niya sa akin ah? Festhe!

Inirapan ko ang mga tsinelas nang makitang takang-taka na naman ang mga ekspresyon nila habang tumitingin sa Jamilla pabalik sa akin.

"Nagtatanong lang naman ako, ang dami mong-"

"E'di, h'wag mo kasi siyang tanungin. Hello? Andito kami, oh?"

Sana All May JowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon