Chapter 11
Pujenangena! Masyado naman yatang lumagpas ang pagkaka-jolly ni Gerlorica Gerlorica? Aba! Biruin mong kinausap ang mga estudyante gamit ang mas 'sweet' pa sa salitang sweet niyang boses? Ni hindi nga siya tumitingin sa mga mata namin last, last year, tapos ngayon? A BIG WOW! BUMAET?
Feeling ko talaga may aksidenteng nakasiko sa earth kaya bumaliktad na yung mundo. Good mood na good mood ako kanina dahil kay crush tapos pumasok lang ako sa classroom, pumutok agad? Nawala agad? Festhe!
Feeling ko pa, ang palpak palpak ko kanina kasi hindi ko napansin yung isang upuan sa mismong tabi ko kaya mabilis na sumunod sa akin ang gunggong at doon na mismo umupo na hanggang sa nagtuloy-tuloy ang kaganapan ay hindi ko nagagawang kumibo, kikibo na lang mahina ang boses at kung minsa'y nasa isip na lang.
"I'll find another seat, then," ani ko nang hindi ko na nakayanan. Ano? Maninigas na lang ako dito? Kailangan kong lumipat kaysa makatabi itong gunggong na ito. Kabadtrip, eh. Pero porkchOp talaga, tol! Umeksena na naman ang Gerlorica Gerlorica! Naku!
Blangko ang ekspresyong kasalukuyang naglalakad ako at ng mga tsinelas para makauwi na. Iyon lang naman ang naganap for today. Shits nga lang kung maglalagay pa ako ng pamagat. Maganda sana sa buhay kasi marami pang time ang naibigay sa amin ngayon dahil nga sa biglaang pagkakaroon ng meeting ng mga profs, damay ang lahat kung bakit hindi natuloy ang mga iba't-ibang eksena kanina. Sayang na sayang talaga... Imbis na mag t-tumbling pa ako sa harap ni crush, eh hindi ko nagawa sa ngayon. Trip yata ako ng 'badtrip' ngayon. Nakakainis!
Patuloy ang paglalakad namin at hindi masyadong nagsasalita kaya nang may biglang kumalabit sa akin ay agad ko itong nilingon. At speaking! Ang mukha ng gunggong na ito ang bumungad sa harapan ko!
"Ano?" pagalit kong tanong sa kanya dahilan ng paglaki ng mga kayumanggi niyang mata.
'Epic siya! Hahahahaha!'
"Uuwi na agad kayo?" tanong niya, nang makabawi.
At sinuntok na naman ako ng alta presyon ko!
"HAAAH!" singhal ko at umirap. "Ano pang gagawin namin dito? Panay greet sa mga 'professor' na 'feeling' jolly?! Tss! 'Chosera!" sabi ko pa at malayang sinuntok rin pabalik ang alta presyon at tinalikuran na sila. Rinig na rinig ko pa ang tunog ng mga sapatos ng mga tsinelas na sumusunod sa akin dahil sa pagmamadali ko at ang mga nakakabwisit na hagalpak ng mga kasamahan niyang bubwit!
'Hay, buhaaAaaaay!'
"Timang ka na, 'te," pagpuna sa akin ng Bernadette at nauna nang sumakay sa pinarahan na jeep. Uuwi na talaga kami.
"Para, manong!"
Lalarga na sana ang jeep ngunit agad iyong natigil nang may biglaang sumigaw, at isusumpa ko na talaga 'tong araw na 'to kahit na-notice ako ngayon ni crush ever! Exempted na lang 'yon. Isusumpa ko 'to kasi takte naman! Nauntog kaya ako! Yung tsinelas naman, imbis na tanungin ako kung ayos lang ba ako, eh tumawa lang ng tumawa.
"Ay naku, manong ah. Libre na pamasahe ko ngayon. Mauntog ba naman ako. Ang sakit kaya." parinig ko sa driver na ngumisi na lang.
'Aba! At sino ba namang tatanggi kung ako ang kausap? Hahahahahaha!'
"Shit! Shit! Are you okay?"
Halos mapatayo ako nang may bigla namang humawak sa aking braso pataas sa aking ulo. At pujenangina! Hindi halatang nagpapa-panic si Reynard nito ah?
Aba! Ano bang ginagawa ko?
"Porkchop! Ano ba? Okay lang ako..." bawi ko sa kalutangan. "Tss. Bitiwan mo na nga ako," dagdag ko at nakatungo kong binawi ang braso ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sana All May Jowa
Teen FictionVheneree Wervillas a girl in Single University who have imprinted a name by no talent but of her bullying ways has paralleled her path with three renters of an apartment with a needle space from her crib. Reynard Remlasco had crossed his path with t...