Chapter 32
"You need to attend school tomorrow, really... Miss Gerlorica wants to talk to you."
'Si Gerlorica Gerlorica, wants to talk to me? Para naman saan?
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Reynard kagabi na hanggang sa pag gising ko ngayong umaga, eh iniisip ko pa rin. Ano ba kasi 'yon? Nacu-curious ako, bijj ah? DepungaWl na 'yan. So, imbes na magmumukmok pa rito sa sala at ipagpatuloy ang pag iisip kay Gerlorica Gerlorica ay magluluto na lang siguro ako ng almusal for todaylier. Ayaw mo no'n? Matutuwa ang kapamilya mo sa gagawin mo, self. Dzuh ka!
At iyon nga ang ginawa ko. Nang makahain na ng mga dapat ihain ay nagmadali pa akong maligo para lang presentable ang dating ko sa aking kapamilya ABS-CBN TV Plus. Char lang, ikaw naman, eh. Pagkatapos kong maligo ay nagawa ko pang ayusin ang mga kurtina na kay dalang ko lang talagang ayusin. Oh ano? Tamad ako, bijj. So, sinong mags-stay, ha? Festhe!
Sa rinig ng mga kaluskos ng tsinelas ng kapamilya ay inihanda ko na ang ngiti kong most-awaited ng lahat. Dzuh! Minsan lang ako ngumiti, kaya swerte talaga sila kasi they're about to masilayan ang mga ito, so dapat gora talaga sila. Pft!
"Good morning, mga kapamilya! How are you feeling right now?" maligalig na bati ko sa kanila habang maypa-around of applause pa 'kong nalalaman feelingerang isa akong audience dahil may show sila. Haha!
Nakangising aso ang Brader habang lamalapit sa kinatatayuan ko at... PINITIK ANG PAKENING NOO KO?!
"Ma, gusto mong mag order ako ng pizza mamaya?" pang aasar nito sakin kaya sinamaan ko nga ng tingin.
'Aba! Swerte na nga sila nito kasi nasilayan na nila ang pinaka beautifullynessed kong smile. Kaloks ah?'
"Sige ba, hijo. Himala't pinagluto tayo ng kasunuran mo," at pinagtawanan nila 'ko? Aba!
Inismiran ko na lang sila hanggang sa natapos akong kumain sa niluto 'kong' almusal 'ngayon'. Porkchop, gan'to na ba 'ko katamad para mapagsabihan ako ng mga things like those? Dzuh! I'm helping them naman, eh kahit madalang lang.
Umupo ako sa sala habang dala-dala ko na ngayon ang damit na isusuot ko kay Leviree. And yes, isasama ko ho siya sa Single University dahil no problem. SU week pa rin ngayon, 'no... At bakit ko isasama ang baby? Prepared ako, eh. Tuluran n'yo 'ko at may kutob akong may kapansanan ang magiging interaksyon namin mamaya ni Gerlorica Gerlorica ayon sa gunggong, so beware of dog, bijj. Pft!
'Wala lang, maka-echos lang. Tagal ko na kasing hindi nakaka-echos, eh. Dzuh!'
"Ate ko, sabi ni Brader... panget daw yung shchool n'yo," biglaang usal ni baby habang sinisintasan ko na ang sapatos niya.
Umirap ulit ako. "Ang sabihin niya, mas panget lang talaga siya!" kainis nang Brader na 'yan. Mamaya sila ni Nilkz sakin kung sakali mang sumama na naman sila sa tambay mamaya. Naku talaga!
"Magandang umaga po..."
"Uyy! Si Reynard! Halika, pasok ka," rinig kong sabi ng Mader.
"Uyy, pre! Kailangan mo?" Isa rin 'tong hangal na Brader kong 'to. Lahat na ba sila close na close niya na? DepungaWl...
Maarte kong kinuha ang bag kong walang kasing bigat sa dalang bag ni Leviree ngayon. Inangat ko ang mataray kong tingin sa kanya at mabilis ring umiwas nang makitang pigil na pigil ang ngiti nito.
'Baliw talaga 'tong porkchOp na 'to...'
"Susunduin ko lang po sana si Vheneree," anitong halata ang mapaglarong ngisi.
BINABASA MO ANG
Sana All May Jowa
Teen FictionVheneree Wervillas a girl in Single University who have imprinted a name by no talent but of her bullying ways has paralleled her path with three renters of an apartment with a needle space from her crib. Reynard Remlasco had crossed his path with t...