Chapter 16

30 1 0
                                    

Chapter 16

"Kahit kailan talaga si sir Juntura, no..." panimula ni Bernadette.

"Oo nga, eh! 'Kala ko nga tumigil na siya sa mamc. Hahaha!"

Tahimik ko silang sinisid ng matalas na titig. Napansin iyon ng baluga kaya siniko niya ang Rosalinda. "Ano bang sinasabi mo dyan, Rosalinda? Takte, ang ibig kong sabihin, eh bakit si sir Juntura pa-"

Dzuh! Pasimple pa 'to. Gusto lang naman akong asarin sa Juntura nila. Tss!

"H'wag n'yo kong simulan ah. Baka mapahulihan kayo. Sige," naging banta ko.

"Eto naman... Hahaha! Labyu na namin kita, mamc," at sinundot ang tagiliran ko.

'Labyu na namin kita, mamc. HanuyooOooon?'

"Hoy, Rosalinda. Paki-asikaso nga 'tong baluga mo." sinenyas ko pa ang Bernadette na nakakunot ang noo. "Baka may kanin pang nakasilot sa mga ngipin, eh. Sige na naman oh..." nakangising aso kong dagdag at humalakhak nang kitang-kita ko kung paano siya humalukipkip at biglang nanlaki ang mata.

"Thangina ka!" mahinang bulyaw niya sabay irap ngunit nawalan na kami ng pake at panay ang hagalpak sa tawa.

Lumipas ang ilang minuto'y nakaramdam ako ng pagkabagot nang hanggang ngayon wala pa rin ang Brader. Ano kayang nangyari do'n? Nag aalala ako pero hindi ko iyon pinaninindigan. Kilala ko si Kuya. Malakas 'yon. Kaya niya ang sarili niya.

"Nakakagutom naman 'to. Hanggang ngayon wala pa ang Brader mo." napatingin naman ako kay Rosalinda habang humihikab pa. "Wala pang pagkain," sambit nito at nilugmok ang sarili sa lamesang kaharap namin.

Yes, oo, opo, nandito na naman kami sa tambayan namin. At oo nga, nandito rin kami dahil hinihintay namin ang pagbabalik ng Brader. Naligaw na siguro...

At yeah, yeah, yeah~ naks! H'wag ka, kanta-kantahan ko 'yan kaya manalig ka sapagkat ika'y matutumba.

'Iba rin talaga epekto ng gutom, no? Feeling mo wala ka nang utak sa dami ng naiisip at nasasabi mo. Shet! Malutong, oo!'

"Duh. Ba't kasi may nalalaman pang 'hindi' muna kakain, eh mga patay gutom naman kayo? Bastos 'yan, ha. Baaaad!"

Kung pwede lang, sapakin ang isang mampapayo ng ganyan, sinapak ko na. Dzuh! Patay gutom raw?! Aba't...

"Hubaran keta?" baling ko sa balugs. Naks! Ganda ng palayaw. "Balugs", bwahahaha!

Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagpatuloy ang dalawa sa pag aaran. Bahala nga sila dyan. Nakakasawa rin kasing mang-asar, eh. Minsan kapag may point ang pang-asar mo, eh makakatanggap ka na lang ng batok, irap, sipa, kalmot, at iba pa. Kaya baka talaga no to asaran muna 'ko. Mahirap na. Baka magkaroon pa ng damage ang beatylynessed ko. Hehe.

At dahil nga sa hindi ako nakipag war'waran ng salita sa dalawa, may namataan akong tatlong lalaki na kahit nakatalikod ay alam kong ang mga tatlong bubs ito.

Ano kayang trip ng mga 'to at lumabas?

Sige. Ayan na naman tayo sa mga maka-pujenanginang mga tanong sa sarili ko. Nakaka-asar na, ha!

"Tatlong bubs oh," ani ko at kaagad naman nilang nilingon.

"Oo nga!" may galak sa boses nang sambitin ito ng Balugs. Haha!

"Reynard, Ivan, Clark! Yuhooooo!"

'I admit it, tanga nga ako minsan.'

Nang umalingawngaw ang magarbong sigaw ng Bernadette ay agad silang lumingon sa direksyon namin at agad ring tumakbo papunta sa amin? Bakit? Tss!

Sana All May JowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon