Chapter 9

4.8K 130 6
                                    

Miracle POV

Ito na ba ang lahat ng gamit mo na kailangan mo?

Tumango ako.

Let's go. He said saka dinala niya sa kotse ang mga gamit ko. At sumakay sa kotse. Saka sya nagdrive papunta sa bahay nila. Papunta kami sa bahay nila, doon na daw muna ako titira pasamantala dahil need daw nila na mabantayan ako dahil doon sa nangyari na sumakit ang tiyan ko at nawalan ako ng malay.

Sinamahan naman ako ni Sky na umuwi muna dito sa bahay at kunin ang mga gamit ko.

Ganoon pa rin naman ang pakikitungo sa akin ni Sky. He always cold pagdating sa akin. So hindi rin naman ako nag-aasume na mag-work pa ang relasyon namin lalo na at kasal pa kami hanggang ngayon. Nag-uusap lang kami pagkailangan.

Bumaba kana, andito na tayo. He said

Hindi naman ako kumibo at lumabas ng kotse saka ko kinuha yung ibang gamit ko pero kinuha niya sa akin iyon saka na unang naglakad papasok ng bahay. Umiling na lang ako at sumunod sa kanya.

Sinalubong naman kami ng mga katulong.

Nako hija, lalo kang gumaganda. Sabi ni Manang Linda.

Si Manang nambola pa.

Katotohanan ang sinasabi ko hija, sigurado akong maganda at gwapo ang mga anak niyo ng alaga ko.

Ngumiti na lang ako.

Miracle, hinahanap ka ni mom. Sky said

Sige po manang, puntahan ko muna si tita. Then pupunta na lang po ako sa kwarto nyo para makapag-usap tayo mamaya.

Sige hija, hihintayin kita.

Nagtuloy naman ako sa living room kung saan nandoon ang mommy ni Sky.

Hija, napagod kaba sa biyahe?

Hindi po tita.

Maupo ka at mag-uusap tayo.

Umupo naman ako sa katapat na upuan ni Sky.

Hija, sorry kasi pinilit kita na dito tumira, I'm just worried because your pregnant at wala kang kasama doon sa bahay mo, dito marami kaming mag-aasikaso sayo kaya kung anong kailangan mo wag kang mahihiya ano?

Opo. Salamat po pala sa concern niyo para sa akin.

No problem hija. At ikaw naman Sky bawasan mo ang pagtanggap ng mga project mo ah? Para makapag focus ka naman sa pag-aaral mo at para malagaan mo si Miracle. Wag ka munang magtrabaho sa company natin.

Napatingin naman ako kay Sky na tumango lang kay Tita.

Oh, sya doon ka magkwakwarto sa tapat ng room ni Sky ah.

Sige po.

Sky, ihatid mo muna si Miracle sa kwarto nya para makapagpahinga siya at Miracle ipapatawag na lang kita if kakain na, huwag kang gagawa ng kung ano-ano, you need to rest hija.

Sige po.

Let's go, ihahatid na kita, I have a photoshoot today.

Nauna syang maglakad pa-akyat ng second floor dala-dala ang mga gamit ko.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon