Miracle POV
Kararating lang namin sa dito sa rest house sa Batangas. Napakaganda ng lugar, tamihik. Nasa tabi ng dagat ang bahay at ito lang ang natatanging bahay sa lugar na ito.
Naglalakad-lakad ako sa tabing dagat hindi naman ganoon kainit habang si Sky ay nasa loob ng bahay habang nagluluto ng pananghalian namin, huwag ko na daw siyang tulungan dahil kaya naman nya daw. Kaya nag-paalam akong maglalakad- lakad muna para naman makapag- exercise.
Nag-iba na ang pakikitungo sa akin ni Sky simula ng pag-usapan namin kahapon na maging magkaibigan kami para sa mga anak namin. At he also said na gagawin niya ang lahat para sa mga ito. Masaya ako dahil tanggap na niya ang mga anak ko.
Napahinto ako sa paglalakad ng may makita akong duyan nasa pagitan ng dalawang puno ng niyog. Naupo ako rito at humarap sa dagat.
Napakasariwa ng hangin dito. Tama nga si tita na makakapagpahinga at marerelax ako ng maigi dito hindi tulad sa lungsod. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan kami dito.
Miracle.
Napatingin ako kay Sky.
Bakit?
Let's eat.
Tumango ako at naglakad palapit sa kanya at sabay na kaming naglakad pabalik ng bahay.
Baka naman nakakaabala na ako sayo Sky, alam kong marami kang ginagawa sa lungsod kung gusto mo ay iwanan mo na lang ako dito at umuwi ka para maipagpatuloy mo ang mga ginagawa mo doon.
Don't worry I'm on leave, nag-paalam ako sa manager ko at about naman sa company kuya can manage that. Im here because I want to relax also and para mabantayan kita.
Hindi na ako umimik pagkatapos ng sagot nya hanggang sa makarating kami sa bahay. Kumain naman kami agad ng niluto niyang chopsoy at fried fish.
Hindi ko alam na marunong ka palang mag-luto. Kahit noong stalker mo pa ako hindi ko alam na nagluluto ka. Sabi ko then I smiled.
Well. Hindi pa sapat ang strategy mo.
Yeah, your right. Hanggang kailan pala tayo dito Sky?
Well hanggang sa makauwi sila mommy. Let's wait them here.
Ah. Okay
Do you want to swim?
Ah. Oo nga pala puwede ba akong magswimming mamaya sa dagat?
Off course.
Salamat.
Hindi na kami nag-imikan at pinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos kaming kumain ako na nagpresinta na mag-hugas ng pinag-kainan. Noong una ayaw niya pero napilit ko siya dahil hindi naman mabigat na gawain iyon.
Habang naghuhugas ako ng pinggan ay may kausap naman siya sa cellphone niya.
I'm on leave, nandito ako sa Batangas kaya hindi ko mahaharap pumunta sa conference na sinasabi mo.
Iyon lang ang narinig ko sa sinabi niya dahil lumabas ito ng kusina.
Pagkatapos ng ginagawa ko, umakyat ako sa second floor ng bahay at pumunta sa magiging kwarto ko.
Simple but modern ang design ng bahay. Combination ng chocolate brown at gray ang pintura ng labas ng bahay at ang loob naman ay puti, brown at black habang ang kwarto ko naman ay kulay peach ang color. Nagpunta ko sa veranda ng room at kitang kita mula rito ang karagatan.
BINABASA MO ANG
His Secret Wife
RomanceSky Montenegro is an actor and model. Lahat ng babae ay patay na patay sa kanya at isa na sa mga babaeng iyon si Miracle but for Sky, ang nag-iisang babaeng mahal niya ay si Joy. Lahat ay gagawin niya para sa babaeng mahal niya at ganoon din si Mira...