Chapter 12

4.2K 90 1
                                    

Miracle POV

Nagising ako ng may kumakatok.

Totok.

Sir?

Napatingin ako kay Sky na tulog pa rin at nakayakap pa rin sa akin.

Hindi kami puwedeng makita sa ganitong eksena.

Tinangal ko ang kamay niya na nakayakap sa akin .

Sky? Sabi ko sabay yugyog sa balikat niya.

Hmm..

Tumatawag ang katulong sa labas ng kwarto mo? Hindi ako pwdeng magsalita, alam-

Sir?

Yes?

Wala po si Ma'am Mira-

She's here. He said

Tinignan ko si Sky ng masama. Ngunit wala lang siyang reaksyon.

Ma'am, sir oras na po para kumain, ma'am oras na po para uminom ng vitamins nyo.

A--h ? Sige susunod na lang ako.

Sige .

Napatingin ako kay Sky na nakahiga pa rin pero nakatingin sa akin. Agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya, inayos ko ang sarili ko saka bumaba ng kama saka nagdiretso sa pinto, ngunit bago ako lumabas naalala kung anong nangyari kagabi.

Sky, please lang tigilan mo na ako, nandito ako kasi yun ang utos nila tita para sa mga baby ko at wala ng iba. Sabi ko saka lumabas ng kwarto niya.

Tumuloy ako sa kwarto saka naligo at nagbihis saka nagpunta sa kusina.

Good morning po sa inyong lahat. Bati ko sa apat na katulong.

Good morning po ma'am.

Pinaghain naman nila ako.

Kumain na po kayo ma'am.

Salamat po. Kayo po ba kumain na?

Opo  kanina po.

Kain po ulit. Nga pala sino po yung kumatok sa kwarto ni Sky kanina, wala pong ibig sabihin yun, nagpunta po ako kanina sa kwarto niya para tingnan kung umuwi po sya. I said saka ko pinagpatuloy kumain.

Naku ma'am wala yun. Saad naman ng isang katulong.

Patuloy lang ako sa pagkain ng pumasok si Sky sa kusina. Umupo naman agad sya sa tapat ng upuan ko. Pinaghain naman sya agad ng katulong. At nagsimulang kumain.

Napatingin sya sa akin. Umiwas naman ako agad .

Sarah, can you prepare a apple, peel it and slice it then give it to her. He said

Yes sir.

Also can you give her a glass of milk?

Yes sir.

Hindi na ako nag-salita basta pinagpatuloy ko ang pagkain.

Ang sarap po ng luto niyo, salamat po sa pagkain. I said.

Naku hija, kain lang ng kain para sa mga baby mo. Sabi ni manang Rosa

Mga baby? Sarah said

Yup, twins ang pinagbubuntis ko, a boy and a girl.

Wow! Napakaswerte naman, siguro napakasaya ng daddy nila.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon