Quence Syden Arcino's POV
I could hear my heart beats loud like a drum. Basta tumatambol iyon ng malakas, hindi ko na magawang huminga nang maayos dahil sa kakaibang lakas at bilis nang pagpintig no’n.
Wala na akong pakealam sa iba pang mga taong nasa paligid ko, ang tanging importante lang sa akin ngayon ay ang isang taong kitang-kita kong pagod na pagod na pero patuloy pa ring lumalaban. Sweats are all over his body, halatang pagod na pagod na siya dahil kung may pagkakataon tumitigil siya at humihinga ng malalim.
"God, keep him safe." I whispered.
Pero kahit naman sabihin ko ‘yon ng malakas alam kong kakainin lang ‘yon nang ingay nang paligid at walang ibang makakarinig kahit pa ang taong nasa tabi ko.
He's wearing a blue jersey at may logo iyon ng tigre sa gitna na nagrerepresenta sa paaralan namin. Tagaktak na ang pawis sa noo niya pero hindi no’n nabawasan ang kagwapuhan niya, para ngang nakadagdag pa iyon lalo. Dalawa ang nakabantay sa kaniya at lahat ng galaw niya ay hindi hinahayaang makalagpas at makalapit sa ring.
Saglit kong sinulyapan ang score-board. 86 and 88. Dalawa pa ang lamang ng nasa kabilang team, at konting oras na lang ang natitira sa amin.
"Ten seconds left!" Someone announced.
Nagkakagulo ang lahat, bawat isa ay gumagawa ng ingay, ang iba nagda-drum at ang lahat ay sumisigaw. Kulang na lang masira ang buong gymnasium dahil sa pagkakagulo ng mga estudyante. Ngunit ang halo-halong ingay na ‘yon ay hindi mapaparesan ang tibok ng puso ko.
Kinakabahan ako para sa kaniya, para sa lalaking nagdadala ng bola dahil kanina lang may sprain na ang paa niya at halos paika-ika na kung lumakad pero heto pa rin at sa kaniya umaasa ang buo nilang team. He is the captain and I know he will do his best to win this competition even if it means to risk his health and body. May sprain na pero nagagawa pa rin makalusot sa dalawang bantay.
Ipinasa niya ang bola sa isa pang player pero agad itong nabantayan ng kalaban kaya ibinalik sa kaniya ang bola.
Malakas ang dipensa ng kabilang team. They won't let us win, magagaling din sila kaya nga dikit ang laban.
They won't let him pass by.
But I trust him, I always trust him. At alam kong hindi niya bibiguin ang Sanford University, hindi niya kami bibiguin.
"Five!"
"Four!"
Natigilan ang lahat nang tumigil siya sa paggalaw at kalmadong pinatalbog ang bola sa kaniyang kamay at inayos ang porma. Nasa three points siya.
"Three!"
"Two!"
"Kaya mo ‘yan DANE!" SU's students shouted.
Bago niya pa man i-shoot ang bolang kanina niya pa inoopensahan sa mga kalaban tumingin siya sa direksyon namin at ngumiti.
"One."
Natahimik ang lahat.
Ang ingay na naghuhudyat na tapos na ang laro ay hindi narinig dahil sa hiyawan ng buong Sanford University nang mapasok ang bola.
Mas lalo pang nagkagulo. He made it! A sharp shoot.
Agad akong napangiti nang makita kong binuhat siya ng mga ka-team niya at lahat sila ay naghiyawan habang isinisigaw ang pangalan niya.
Tumingin siya ulit sa gawi namin at nagpababa sa mga kaibigan niya. Paika-ika siyang naglakad palapit habang may nakaplastar na ngiti sa labi.
My heart melted when our eyes met. Pero sandali lang iyon dahil naramdaman kong nabunggo ang balikat ko kasunod ng salitang, "Sorry, Bes."

BINABASA MO ANG
Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]
FanfictionSomeone caught her in a trap to be played? Or someone is trying to trap her to be loved by her?