Chapter 28: Lost

722 35 0
                                    

Quence's Point of View

    MASYADONG maganda ang panahon ngayon, perfect for their plan for going to that cave. Hindi pa naman gaanong mainit ang araw dahil sa alas otso pa lang naman at maliban doon may maninipis na ulap ang tumatabon sa araw. Malamig din ang hangin na nanggagaling sa laot. Siguro kung hindi lang nasira ng mas maaga ang mood ko baka naappreciate ko na kung gaano kaganda ngayon ang araw na ito. But I couldn't hide my irritation. Nasa seashore na kami at nakapaghanda na at kinakausap ni Rocket at Rain ang isang bangkero.

Si Art na nasa tabi ko ay pasulyap-sulyap lang sakin habang nakahalukipkip ako at alam kong hindi maipinta ngayon ang mukha ko kaya ganiyan na lamang siya. Nararamdaman ko din na gusto niyang magtanong pero hindi niya lang magawa.

"Hindi pa ba tayo aalis?" It was Loisa.

Nakasimangot na din siya at sa tabi niya ay si Ronan na ngayon ay sinaway siya at pinagsabihan.

"May hinihintay pa daw kasi. Tatlo ang sasabay satin sa bangka kaya kailangan pang maghintay." Ani Rocket nang makalapit sa pwesto namin.

"Bayaran mo na lang, Rocket! Bakit pa tayo paghihintayin!" Si Zain na mukhang naiirita na rin sa paghihintay.

Aba! Sampung minuto na kami ritong ready tapos may hihintayin pa pala? Sinong hindi maiirita?

"I tried. Kaso sabi ng manong nakapagbayad na din iyong kasabay natin kaya wala tayong ibang choice kundi maghintay."

"Doblehin mo!" Giit ni Loisa.

"It's not about the money, pinapairal mo na naman yang pagiging spoiled mo. Syempre nakapangako na sila kaya kailangan nilang maghintay." Malamig na sagot ni Ronan.

"Wow. Ang haba non, Ron?" Sabad naman ni Dzorin.

Ronan tsked. Sumimangot naman si Loisa pero hindi na nagreklamo.

"Nasaan na naman ba si Joshua?" It was Hermes.

Dahil sa narinig awtomatikong umirap ako. Alam kong nakita iyon ni Art.

"Hi!"

"Ayan na pala sila Joshua." Saad ni Dzorin.

The one who said 'Hi' is the one and only, Alessandra. Alam kong sinundo siya ni Joshua at hindi ko na sila kailangan tapunan ng tingin dahil baka itapon ko lang sila. I never been mad as this, oo at madalas akong maubusan ng pasensya lalo na kapag si Joshua pero hindi katulad ngayon na parang ubos na ang kahit na anong klase ng pasensya sa katawan ko.

"Ayon na! Mukhang dumating na sila." Agap ni Loisa nang makita namin ang paglapit ng isang boung barkada sa dalawang bangka na naghihintay samin. Mas marami sila kumpara samin.

Sampu lang kami pero sila mukhang hindi bababa sa labinlima katao.

Inayos ko ang pagkakasukbit ng maliit na bag sa likod ko kung saan naroon ang mga gamit ko. Ganon din sila at naglakad din kami papunta roon lalo na at tinatawag na kami ng bangkero. Buti naman, akala ko magtatagal pa kami ng sampung oras!

Nang tuluyan kaming makalapit puno agad ang isang bangka.

"Art!" Biglang sigaw ng isang lalaki.

Mula sa bangka na puno na ay naroon si Aki. Tumayo siya ulit at bumaba roon para lang lumapit kay Art, sa tabi ko.

"Peter, ikaw na lang doon." Ani Aki sa isang lalaki na mukhang isa sa makakasabay sana namin sa bangka.

Napailing ang lalaki at sumunod din naman. May dalawa pang babae na naghagikhikan pa nang makita sila Rocket, at mukhang kaibigan ni Aki na sasabay sa bangka namin dahil hindi puno na ang isang bangka.

Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon