Chapter 29: Whispers

759 37 6
                                    

Quence's Point of View

   "DAPAT sinabi mo pa rin na aalis ka. Akala namin kung napano ka na." Si Dzorin na ngayon ay kumakain ng masanas.

"Ang kulit mo din, no? Akala niya nga kasi hindi natin siya hahanapin. Nagpanic kasi tayo agad." Si Loisa ang sumagot at sumubo ng pizza.

For an hour wala akong masabi. Hindi ko rin naman inakala na hahanapin nila ako. Art looked at me guiltily. She asked sorry, kahit daw siya ay nagpanic na baka nawala din kami ni Aki kung wala nga kami sa cottages sa kaliwa.

Maliban sa hotseat ako ngayon dahil sa pag-aalala nila, naiinis din ako. Wala dito si Joshua at si Alessandra. Naroon silang dalawa sa kabilang cottage!

Akala ko ba galit siya dahil bigla akong nawala?

Pagkabalik nila kanina nang makita niya ako, tiningnan niya lang ako ng blangko at umalis din agad. Nakakabwesit! Siguro kunwari lang na galit siya para kunwari concern siya sakin.

"Tama na yan, she's safe now. Maligo na lang muna tayo para makalimutan natin yon." Rocket suggested after the long hotseat.

"Buti pa! Tara na, Ronan. Baka malunod ako." Hinila ni Loisa ang kamay ng lalaking katabi para tumayo ito.

Sumunod din si Dzorin at si Hermes, maging si Zain. Tiningnan muna ni Rain si Art at bumaling sakin, humugot siya ng malalim na hininga bago tumayo at sumunod sa kanila. Nanatili naman si Art at tahimik lang kagaya ko. Nang makaalis sila narinig ko ang marahas na buntonghininga niya.

"I'm really sorry, Quence." She mumbled under her breath.

"Hindi, wala ka naman kasalanan. Ako yung mayroon, hindi kami nakapagpaalam ng maayos kung saan kami pupunta." Agap ko.

She shook her head, "Nagpanic ako nang tinanong kanina ni Joshua kung nasaan ka. They didn't answer because they didn't know, kaya sumagot ako na kasama mo si Aki at mukhang pupunta kayo sa cottage nila."

Kumunot ang noo ko. Walang nakapagsabi sakin kung paanong nagsimula ang paghahanap nila. Basta ang alam ko, lahat sila naghanap dahil akala nila nawawala talaga kami.

"He got mad, immediately. Bakit daw hindi ka nagpapaalam ng maayos? Para hindi na humaba ang usapan pumunta sila Hermes para e-check ka sa kabilang cottages, pero pagbalik nila wala ka daw doon. I admit, natakot ako nang sumigaw si Joshua. I was used to see him laughing, smiling and cracking some jokes. Pero kanina, nakita kong galit talaga siya. I couldn't answer him nang tinanong niya ulit ako kung saan kayo nagpunta ni Aki. Akala ko ipapakilala ka lang niya sa mga kaibigan niya at doon kayo pupunta. I panicked. Inisip kong baka umakyat kayo sa cliff at gusto niyo palang maligo pero naunahan na ako ni Alessandra, ang sabi niya baka umakyat kayo sa taas ng kweba. Umalis siya agad kasama si Ronan para sundan kayo, maging kami naghanap din para mabilis kang mahanap. Hindi na pumasok sa isip namin na pumasok kayo sa kweba, hindi na namin yon naisip samantalang mas malaki ang tyansa na doon kayo pumunta kesa umakyat."

I wanted to laugh. Minsan sa sobrang pagkataranta nakakalimutan na lang natin ang pinakaposibleng mangyari dahil inuuna natin ang mas imposible o mas pinakamahirap. Weird, but it happens all the time. Just like some simple words, spellings, hindi sigurado sa spelling ng tomorrow kung double m ba o double r samantalang basic yon pero kung mahirap na salita sinisigurado talaga.

"You don't need to say sorry, Art. Wala kang kasalanan." Pinal kong sagot.

Natahimik siya at bumuntonghininga. I can imagine her being pressured, siguro natakot siya sa galit ni Joshua.

Nagalit ba talaga siya? At ano naman ang ikakagalit niya, dahil umalis ako nang hindi nagpapaalam? Akala niya sakin, three years old na biglang mawawala dahil hindi na alam ang pabalik? Minsan gusto ko na lang siyang lunurin dahil sa gulo ng ugali niya!

Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon