Chapter 36: End

1.1K 52 8
                                    

Quence's Point of View

ANOTHER three days passed and everything seems fine not until mommy came back. I am happy that she is fine and she's already here, pero hindi ko mapigilang hindi kabahan sa naging plano namin ni Joshua. Gusto niyang pormal na makausap si mommy at magpakilala. Nagawa ko na ito noon kay Dane, she was fine with him pero nang malaman niya na pamangkin si Dane ng babae ni daddy alam kong nasaktan din siya. I failed her.

Ngayon na lang ulit ako maglalakas-loob na ipakilala ang isang lalaki sa kaniya. I want this also, nasabi ko na sa sarili ko na kahit anong mangyari hindi ako bibitaw kay Joshua pero lihim din akong umaasa na sana maayos niyang tanggapin si Josh. Ayaw kong dumagdag sa mga problema na meron kami ngayon pero narito na rin naman ako. Kailangan ko lang maging matatag.

Umayon din naman sa akin ang tadhana o baka sadyang pinagbibigyan lang ako dahil si mommy mismo ang nagpasya na sa restaurant kami kumain ngayong gabi. Nakabalik siya kaninang alas dos ng hapon at dahil pagod sa byahe agad nakatulog para makapagpahinga.

"Ayos lang yan, maiintindihan ng mommy mo." Alu ni nanang Gina nang makitang kinakabahan ako habang hinihintay siyang makapagbihis.

Nasa balkonahe kami at kahit ang ihip ng malamig na hangin ay hindi kayang kalmahin ang kabang nararamdaman ko. Alam ni nanang Gina ang plano kong ipakilala si Joshua kay mommy, noong una natawa pa siya dahil sa wakas raw ay may nagustuhan akong lalaki pagkatapos ng lahat ng nangyari samin. Akala niya ay patuloy na lamang akong magagalit sa kalahi ni Adan dahil sa ginawang panloloko ng ama ko noon.

"Mahal ka ng mommy mo, alam niya kung ano ang ikakabuti mo." Dagdag niya pa.

Napangiwi ako saglit dahil parang negatibo ang dating non sakin kesa maging positibo. Paano kung ayaw ni mommy kay Joshua? Ibigsabihin iyon ang mas makabubuti sakin?

Kahit nang nasa restaurant na kami hindi pa rin ako mapakali. Panay ang tingin sakin ni mommy habang iginagala ko ang paningin sa paligid. I told Joshua about this dinner, ang sabi niya'y sasabay siya samin at dito na lang din magpapakilala.

"What's wrong?" Mommy gently asked.

Sinuyod niya rin ng tingin ang paligid na animo hinahanap din ang taong hinahanap ko.

I awkwardly smiled. Nang makita ko ang pagpasok nila Zain, Art at Loisa kasama ang boung banda pati na rin si Ronan mas lalo pa akong kinabahan. What are they doing here?

Nang mamataan ako ni Loisa agad siyang ngumiti ng malapad at kumaway. Agad naman ibinaba ni Ronan ang kamay niya at kahit hindi ko narinig ang sinabi niya alam kong pinagsasabihan niya ang babae. Rocket winked at me, Dzorin thumbs up at me, Rain and Hermes smiled while Art sends her flying kiss and Zain laughed after mouthing "good luck".

Tatlong mesa ang layo nila mula sa mesang inuukupa namin. Hindi nila kasama si Joshua kaya nanatili ang tingin ko sa glass-door ng restaurant.

"Malapit na ang birthday ni tita Gretchen mo, kaya baka sa sunod na linggo bumalik na tayo." She started a conversation after she handed me the menu. Kinuha ko iyon at binasa, mostly mga Filipino dish.

As I read the menu hindi na ako mapakali, I didn't let mom notice it. Nagkwekwento na siya tungkol sa subdivision na inaayos na ngayon, gusto niyang ngayon pa lang ay aware na ako doon dahil ako rin naman ang mamamahala non pagkatapos ko ng college. I was half attentive, minsan ay nagkukumento ako pero madalas pa rin ang tingin ko sa pinto.

Naibaba ko ang menu na hinahawakan nang masulyapan ang pagdating ni Joshua. I heard a low laughter from his friends. Mukhang pumunta sila dito para makita kami nila Joshua.

"How about you pursue your college degree in Canada?"

I heard that, pero tumayo ako nang makalapit sa amin si Joshua. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni mommy dahil sa ginawa ko. Magkaharap kaming nakaupo at pang-apatan ang mesang kinuha ko para makasiguradong may mauupuan si Joshua kapag dumating siya.

Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon