Chapter 11: Kilig?

868 40 3
                                    

Quence's Point of View

THE LOUD music filled my ears, it's a mixed of rock music and a cold voice of a musician. Hindi ko tuloy malaman kung alin ba ang nangingibabaw, kung ang malamig na boses ba ng bokalista o ang perpektong pagkakalikha ng musika.

Itinukod ko ang siko sa mesa at nangalumbaba habang tinitingnan ang limang kalalakihan sa harap ko habang busy sila sa pagtugtog at pagkanta. They act like they own the stage, like they created their own world and music is their life-line.

Other students will envy me for sure, dahil ako lang ang nakapasok ngayon sa theater studio para mapanood ang practice ng Nocturnal Band. Ang banda nila Joshua.

Hindi ko din alam sa lalaking ito at sa mga kasama niya kung anong trip nila sa buhay at hindi sila nagpapasok ng mga estudyante. Pinuntahan ako kanina ni Joshua sa klasrom dahil gusto niyang sabay kaming pumunta sa covered court para sa first practice for the JS Prom. Mamayang alas kwatro pa naman ang simula ng practice, mauuna ang practice ng banda niya bago kami tumungo doon.

Their schedule for this week is hectic, sa umaga shorten ang klase, hanggang alas dos lang din naman sa hapon kaya makakapagpractice pa sila ng mga kabanda niya isang oras bago tumuloy sa practice sa covered court.

Kahapon nang linggo hindi sila nakapag-ensayo dahil wala raw ang bokalista nila at drummer.

Song after song they played perfectly. Hindi ko inaasahan na ganito pala kagaling ang banda nila, narinig ko rin kay Chloe na undefeated sila pagdating sa The Battle of The Band na nagaganap yearly. Kahit pa tumigil si Joshua pansamantala at iniwan ang banda.

I'm just wondering why he quit before at ngayon naman bumalik ulit.

"HERRMMEESSS!"

They stopped playing when someone shouted. Napaayos din ako ng upo at nilingon ang taong sumigaw.

I saw a girl wearing a uniform same with mine pero umiiyak siya. Medyo magulo rin ang buhok niya.

Sinundan ko lang siya nang tingin nang maglakad siya palapit sa stage kung saan naroon sila Joshua at ang mga kabanda niya. I still don't know their names.

Tumalon pababa ng stage si Joshua kasunod ang keyboardist nila na halata ang pag-aalala sa mukha.

"Tumabi ka, Josh." Saad ng babae.

Nilagpasan nito si Joshua na sinubukan siyang pigilan pero humarang naman ang keyboardist nila.

"Zain, huwag na. Badtrip din si Hermes ngayon."

"Pakialam ko?!" The girl shouted furiously. "Anong karapatan niyang pakialaman ang personal kong buhay! Anong karapatan niyang sabihin yon kay Nico!"

Mula sa kinatatayuan ko kitang-kita ko ang pag-iyak niya.

"Huwag mong itolerate ang ginawa ng kaibigan mo, Dzorin." Galit nitong saad.

"Let her." Their Drummer stood up with a serious face. Naglakad ito palapit pero nanatiling nasa stage.

Siya siguro si Hermes. Namulsa ang lalaki at tiningnan si Zain.

"Jerk!" Zain shouted.

Pero parang wala lang yon kay Hermes. Walang emosyon ang mukha nito.

"Ba't mo yon ginawa? Anong karapatan mo! Sino ka sa akala mo para gawin yon! Napakapakialamero mo!"

This time I saw Hermes' jaw moved. Parang pinipigilan niya ang sarili na huwag patulan ang babaeng nasa harap.

"Ginawa ko naman lahat ng inutos mo!" She sobbed more. "Nagmukha akong tanga para lang tigilan mo na ako! Nagpaalipin ako sayo kasi akala ko totoo ka sa mga sinabi mo! Para akong tanga Hermes! Pinagmukha mo akong tanga at ngayon nagawa mo pa yon! Wala kang puso!"

Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon