Chapter 25: Fear

734 30 5
                                    

Quence's Point of View

THE perfect view seems unnatural nature. Weird it is, but it seems like that. Sa sobrang ganda ng tanawin dito agad kong naiisip ang mga painting ng mga kilalang artist na ganito ang pinipiling ipinta. Like something is really magical in this place, like every little thing here has a big impact to the place. Pinuno ko ng sariwang hangin ang baga bago iyon dahan-dahang pinakawalan. Tawanan at sigawan ang umagaw sa atensyon ko kaya napatingin ako sa bandang kanan kung saan naroon sila Hermes kasama ang mga kaibigan. My eyes settled on them when I saw Loisa, she's now wearing her red bikini, and as expected her body curved the way I imagine it. I saw Art, she's also wearing her purple bikini. Naroon si Ronan, Rain, Dzorin, Hermes at Rocket, may iilan din na babae ang lumapit sa kanila at ngayon nga ay kausap na sila habang nagtatawanan.

"Hey."

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Zain na ngayon ay umupo sa tabi ko. Kaya pala hindi ko siya doon makita. She's still wearing her white t-shirt na umabot sa kaniyang tuhod and maybe a short shorts under that.

Tipid akong ngumiti sa kaniya at ngumiwi naman siya dahilan para kumunot ang noo ko.

Makulimlim ngayon ang panahon hindi kagaya nang nagdaang mga araw na maaliwalas, pero kahit ganon ramdam ko pa rin ang init na tumatama sa balat ko galing sa araw na sumisip sa makapal na kumot ng ulap.

"Sorry." She mumbled under her breath like she's really guilty for something. "Sorry for what I did last night. Hindi ko naman alam na low tolerance ka pala. I'm really sorry."

"N-no. It's okay." Nasamid pa ako kaya nautal. Sa hitsura niya ngayon para siyang pinagkaisahan at kinailangan niya talaga akong lapitan at personal na humingi ng sorry when in fact wala naman siyang ginawang masama. I trusted myself too much, akala ko din hindi ako tatamaan ng alak, akala ko hindi ako maaapektuhan.

I was too reckless for that. But I never blame her for that, ginusto ko rin naman iyon kaya walang dapat sisihin.

"But after what had happened last night, ayaw ko ng makakita ng kahit na anong alak." I blurted out.

Tiningnan naman ako ng mataman ni Zain at nang makita marahil na wala lang iyon sakin ngumiti siya at kalaunan tumawa ng pagak.

"I'm really sorry." Aniya nang matapos tumawa pero may maliit na ngiti sa labi.

I shrugged off my shoulder. She don't need to say sorry for what had happened last night. Muli akong bumaling sa nagkakatuwaan kanina. This time my eyes watched Hermes and the girl beside him. Halata ang pagpapapansin ng babae kay Hermes, the way she looks at him, touch his arms and giggles para bang may motibo lahat.

Well, gwapo naman talaga si Hermes kaya hindi maiiwasan na may mga babaeng nagkakagusto at nagpapanstasya sa kaniya pero iba rin ang babaeng to. Siya na mismo ang nagtutulak sa sarili niya para mapansin ni Hermes, she's obviously flirting.

Wala sa sariling napatingin ulit ako kay Zain at nakita siyang nakatingin din kayna Hermes. Tutok ang tingin niya at kung makulimlim ang panahon ngayon madilim naman ang hitsura niya.

"Sana malunod kayo." Rinig kong bulong niya.

Kinagat ko ang ibabang labi para hindi makagawa ng ingay. Ayaw kong tumawa at marinig niya iyon pero lumingon siya sakin dahilan para makita ang hitsura ko.

"Oh?"

I shook my head. She looks cute when she's irritated. Sumimangot siya at tumayo.

"Dito ka lang, may lulunurin lang ako." Saad niya bago ako talikuran at nagmamartsang umalis.

I watched her. Tuluyan na akong napatawa nang makita ang reaksyon ni Hermes nang papalapit na sa kanila si Zain, lumayo siya sa babae pero lumapit naman iyon sa kaniya. Tss. Your bad, Hermes.

Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon