Quence's Point of View
THE rumors spread like a venom. Ang lahat ay sigurado nang ako ang girlfriend ni Joshua. And I stopped complaining about it. Ano pang saysay non? Wala rin naman maniniwala dahil kahit si Chloe kinukumpirma nang girlfriend ako ni Joshua kapag may nagtatanong sa kaniya.
Everybody could see us during lunch break. Minsan pa nga sinusundo niya pa ako sa klasrom para lang sumabay sa kaniya. After that, ihahatid niya ako pabalik pagkatapos ng lunch break but I never tried to talk to him. Ganon din naman siya. Sa tuwing magkasama kami hindi ako palasalita, hindi na rin siya nagsasalita dahil alam niyang hindi ko siya kakausapin.
Sumasama lang ako sa kaniya tuwing lunch para hindi ko makasama sila Chloe at Dane. Hindi ko pa alam kung pano siya haharapin.
Mukhang mas mahihirapan ako dahil sa kagagawan ng mukong na yon!
Kapag hapon naman hindi na niya ako nagugulo dahil nauuna kaming umuwi. Hindi sa iniisip kong guguluhin niya ako kapag uwian na, pero nagiging-advance na lang ako para kahit papano hindi na madagdagan ang mga chismis samin.
Which actually worsen my life. Parang ang lahat ng babae kung hindi naiinggit, naiinis sakin. Nagsimula lahat iyon nang harangin ako ni Frea at gumawa pa ng eksena si Joshua. Mas lalo lang dumami ang naiinis sakin ngayon. I don't give a damn care about them, but for God's sake! I hate attention!
Sa tuwing tinatanong ako ni Chloe kung kamusta na kami ni Joshua wala akong maisagot. As if naman maniniwala siyang wala kaming relasyon ng mukong na yon, aasarin niya lang ako kapag kumontra ako sa kaniya.
Si Dane naman hindi ko pa nakikita ulit. Ilang araw na rin simula nang huli ko siyang makita.
I wonder, galit kaya siya sakin? Maybe not, of course, he wouldn't and he shouldn't. Bakit ko pa ba yon iisipin?
I heave a sigh as I walk towards my locker. Iilan na lang ang mga tao dahil pagabi na rin. Marami rin kasi ang tinapos ko sa computer room dahil bukas kailangan ng ipasa. Ilalagay ko na lang sa locker ang mga naprint ko para hindi ko na dalhin sa bahay.
Nang mailagay ko sa locker ang mga gamit akmang isisira ko na iyon nang makita ko si Dane. Nakasout siya ng jersey, mukhang galing sa practice.
He's heading here!
Bumilis agad ang tibok ng puso ko. Mukhang papunta siya rin siya sa locker niya. Agad kong isinira ang locker ko at huminga ng malalim.
Calm down.
Nagsimula na din akong maglakad pasalubong sa kaniya para makaalis na. Ayaw kong magtagal pa dito. Pero bawat hakbang ng paa ko palakas ng palakas ang tibok ng puso ko, bawat hakbang pakiramdam ko mas lalong nanlalamig ang kamay ko.
Ganito na naman ako.
Akala ko lalagpasan niya lang ako pero nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa locker. He pushed me with not enough force pero dahil sa gulat napasandal ako roon. Madali niyang itinukod ang dalawang kamay sa magkabilang panig ng ulo ko. Leaving me locked up in between.
Kinakabahan ako. Kung kanina nagagawa ko pang pakalmahin ang sarili ngayon hindi na. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang nagkakarera sa loob ng ribcage ko. Masakit.
Wala akong masabi, hindi ko inaasahang gagawin niya ito. Nagsalubong ang mata namin at mariin niya akong tinitigan. I could see something in his eyes, pero hindi ko mapangalanan.
"So it's true?" Matigas niyang tanong.
I could smell him, his scent, his sweat, his breath. At ang lahat ng yon nagpapatunay na ganito na ulit siya sakin kalapit.
BINABASA MO ANG
Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]
FanficSomeone caught her in a trap to be played? Or someone is trying to trap her to be loved by her?