Chapter 14: Lucky

838 38 2
                                    

Quence's Point of View

I heave a sigh and shook my head. Nakatanaw ang mga mata ko sa isang pamilya na ngayon ay masayang kumakain sa kaharap naming mesa. They are doing what a perfect and a contented family always do. Nang mapatingin sakin ang batang babae ngumiti siya, iyong ngiti na tipid at may pagkamahiyain.

Nabigla ako sa ginawa niya kaya napaiwas ako ng tingin. Natuon iyon sa taong nasa kanan ko, si Chloe.

She's looking at me with so much worries on her eyes.

"Ayos ka lang ba?"

I felt the pang of pain. Tumango ako at tipid na ngumiti. Nasa mesa na pala ang pagkain, hindi ko lang napansin.

Hindi siya nagtanong ulit. Itinuon ko ang boung atensyon sa pagkain kahit na hindi ko malasahan iyon. Ilang minuto ang itinagal bago muling basagin ni Chloe ang katahimikan samin.

"Si Josh? Nag-away ba kayo?"

Nag-angat ako ng tingin at umiling. "Hindi. Bakit?"

She smiled weakly. Parang hindi siya kumbinsido sa naging sagot ko. I bit my lip and drifted my eyes, parang nag-init ang pisngi ko nang biglang pumasok sa isip ko ang dahilan kung bakit pinili kong yayain maglunch si Chloe kesa ang sumama kay Joshua.

Nahihiya ako sa ginawa ko kanina sa hallway. I looked like a stupid crybaby. Umiyak ako sa kaniya habang yakap niya ako, wala akong sinabi pero ipinakita ko sa kaniya kung gaanong kadurog ang isang katulad ko. I am afraid about his thoughts, sa isipin na baka sa paningin ngayon ni Joshua isa akong mahina parang gusto ko na lang na huwag ng magpakita sa kaniya.

Ang babaw ng dahilan ko, pero ayaw kong makasama siya. Ayaw kong madala na naman ako ng emosyon at makita niyang umiiyak na naman ako.

"Bibili ka ba ng gown o magpapagawa ka?" Chloe asked again.

Nasa labas na kami ng kinain naming restaurant. Kanina sa loob pinilit niya pang magtanong nang tungkol sa amin ni Joshua, hindi ko naman siya sinasagot kaya ngayon ay ibang usapan naman ang naisipan niya.

Nagkibit ako ng balikat. "Hindi pa ako sigurado, siguro bibili na lang ako sa mall. Mas madali yon."

She smiled and nodded.

"Akala ko magpapagawa ka."

"Hindi na, isang gabi ko lang naman yon sosoutin."

Habang naglalakad pabalik ng school hindi ko mapigilang hindi siya sulyapan. I treat Chloe as a closest friend of mine; a bestfriend. Kaso marami akong itinatago sa kaniya, sobrang dami na kung mababasa niya lang ang nasa isip ko paniguradong magugulat siya.

Naging magkaibigan kami nitong lumipat ako ng school, she's one of the nicest person I met in my first day when I'm still a transferee. Kaya naging komportable ako sa kaniya noon, second grading period non nang junior highschool ako nang magpasya akong lumipat para makaiwas.

Hindi ko inaasahan na lilipat din si Dean dito mismo sa paaralan na pinag-aaralan ko. First semester non nang ipakilala sakin ni Chloe si Dean, I was shocked at first. I really don't know what to do, si Dean pa talaga sa lahat ng tao.

Kaya ang kaonting lihim na hindi ko sa kaniya masabi ngayon mas lalong dumami.

"Dadaan ako kayna Dean. Sama ka?" Biglang tanong niya nang makarating kami sa loob ng paaralan.

Tiningnan ko siya at ngumiti. I shook my head sideways as I tried to make my smile genuine.

"Hihintayin na lang kita sa klasrom." Tipid kong sagot.

Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon