Quence's Point of View
MADRAMANG ibinaba ni Art ang baso sa lamesa na gawa sa kawayan at umiling na para bang hirap na hirap siyang lunukin ang inumin.
"Bwesit ka Dzorin!" She shouted furiously.
Natawa si Dzorin at maging ang iba pa. Nanatili naman akong tahimik at tinitingnan lang sila.
"Ang simple lang ng tanong." Pang-aasar ni Rocket at tinapunan ng tingin si Rain na ngayon ay tahimik lang din.
They are playing Spin The Bottle game. It is like Truth or Dare, pipili sa dalawa ang maituturo ng bote at kapag hindi niya kayang gawin ang dare o hindi niya kayang sagutin ang tanong kailangan uminom ng isang baso ng tequilla as a punishment without water o kahit ano pa. Alas otso na at halos isang oras na rin nang magsimula sila sa larong ito. Hindi rin nakatulong ang floating cottage na napili namin dahil mas nakakahilo iyon.
Hindi na ako sumali sa kanila at nanatili na lamang na nakamasid at nakikitawa sa kanila. There are lots of foods on the other side of the table, iyon na lamang ang pinagdiskitahan ko habang pinapanood sila.
"Loisa!" Art shouted excitedly at tumawa pa siya na para bang iyon na ang pagkakataon na makapaghigante.
Dahil siya ang naturo kanina, siya naman ngayon ang magtatanong kung Truth or Dare. Iyon ang mechanics ng laro.
"Dare! Kala niyo sakin, duwag?" Nanghahamon na sagot ni Loisa. Nasa tabi niya si Ronan na ngayon ay tamad na umiling.
"Hmm." Art smiled evilly.
Alam kong may tama na sila ng alak lalo na at puno ang maliit na baso kapag nilalagyan iyon ni Rocket. I just didn't mention na may iilan pa sa loob ng floating cottage na mga kakilala at kaibigan nila Rocket. Three girls, and two boys are including. Nakalimutan ko lang ang pangalan nila at hindi na rin naman sila nakipag-usap sakin lalo na at nasa sulok ako at hindi nila masyadong napapansin. Nasa kanan ko si Zain at sa kaliwa naman ay si Dzorin pero mayroong distansya sa pagitan namin. Sa harap ko ay si Art katabi si Rain at iyong iba pang kakilala nila.
Iniwasan kong mapatingin sa tabi ni Dzorin dahil sa pinaka dulo noon ay si Joshua katabi si Alessandra. Narito din ang babaeng iyon dahilan para mas matahimik ako sa isang sulok. She's here beside Joshua at kahit hindi ko sila tingnan alam kong nag-uusap sila nagtatawanan pa kung minsan.
"I dare you to kiss the hottest man you've ever met." Anunsyo ni Art.
"Ayon!" Sigawan nila.
Tawanan at asaran na naman. Nakitawa din si Loisa pero kita pa rin ang pamumula ng kaniyang pisngi. Siguro lahat na sila uminom, maliban lang kay Joshua na hanggang ngayon ay hindi pa natuturo ng bote.
"Sus! Yon lang?" Tatawa-tawang saad ng babae at mabilisang ninakawan ng halik si Ronan sa pisngi dahil nasa tabi niya lang naman ito.
Malakas na tawanan kasabay ng panunukso ang naging ingay sa loob. Gumalaw din ang dalawang ilaw na nakabitin sa itaas dahil sa kalikutan nila. Tatawa-tawa si Loisa habang hinihilot ni Ronan ang kaniyang sentido.
Nagtuksuhan pa sila nang paikutin ni Loisa ang bote at tumuro iyon pagkaraan sa direksyon ni..
"Alessandra!" Singhap ni Zain.
Iyong tatlong babaeng bago ang nang-asar kay Alessandra habang sinulyapan agad ako ni Zain at Loisa. Tumahimik lang ako habang sumusubo ng icecream na nasa cup.
"Dare." She declared.
Natigilan ang lahat, hinihintay ang sasabihin ni Loisa. Pagak na tumawa ang babae at muli akong sinulyapan pero nagbaba na ako ng tingin sa icecream na malapit nang maubos.
![](https://img.wattpad.com/cover/211570206-288-k577967.jpg)
BINABASA MO ANG
Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]
FanfictionSomeone caught her in a trap to be played? Or someone is trying to trap her to be loved by her?