Chapter 9: Court

880 51 6
                                    

Quence's Point of View

WE slowly crossed the hanging bridge, nasa unahan ko siya habang mabagal naman akong naglalakad at nakatingin sa maliit na ilog sa baba. Malinis iyon at pinaghalong asul at berde ang kulay.

The bridge seemed old but still tough. I suddenly gripped in the rope.

Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko si Joshua dahil inuuga niya ang tulay.

"Ano ba!" Bulyaw ko sa kaniya pero patuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

He's swaying the hanging bridge. I'm not afraid of heights but I'm a little bit scared now.

"JOSHUA!"

Paano kung masira ang tulay? Paano kung maputol ang tali? Paano kung mahulog ako?

I screamed. Mas humigpit ang hawak ko sa gilid at mariin na pumikit.

"Mapapatay talaga kita Joshua!"

Pero tawa niya lang ang narinig ko.

God! Help me please.

After some time he stopped. Pero bahagya pa ring umuuga ang tulay. I slowly opened my eyes and I saw him smiling widely. Nakahawak ang kamay niya sa magkabilang panig ng tali.

"Tumigil ka na." I gritted my teeth.

Umayos siya ng tayo pero naroon pa rin ang nakakaloko niyang ngiti. He spread his arms.

"Tara na."

Tiningnan ko saglit ang mga kamay kong mahigpit pa ring nakakapit sa tali. I saw it trembles.

Nag-angat ulit ako ng tingin sa kaniya. Masamang-masamang tingin. Pero ang mukong nakangiti pa rin.

Bumitaw ako sa pagkakahawak at muling naglakad palapit sa kaniya. Ganon pa rin ang hitsura niya, nakadipa ang mga kamay na animo hinihintay akong yakapin siya.

Nang tumigil ako sa harap niya walang pag-aalinlangan ko siyang binatukan. Gago kasi!

Napa-aray siya at kinamot ang bahaging binatukan ko. Nakasimangot pa siya at nagpapaawang tiningnan ako.

"Gago ka kasi." Hasik ko sa kaniya.

Lalagpasan ko na dapat siya nang muli na namang umuga ang tulay. Sa pagkataranta ko at biglang pagkahilo nabuwal ako at ang bisig niya ang sumalo sakin.

Nakasandal siya sa gilid at ang dalawang kamay ay nakapulupot sa bewang ko para balansehin ako bago pa man kami mahulog sa baba.

For a sudden my heart raced. Sobrang lakas ng tibok non dahil na rin sa takot na naramdaman.

I saw something in his eyes but I can't name it. No, I don't want to name it. Ayaw kong maging assumera.

"Aray, babe!"

Reklamo niya nang hampasin ko ang braso niya. Mas malakas yon kesa sa pagbatok ko sa kaniya.

"Babe mo mukha mo!"

Mabilis akong lumayo sa kaniya at malalaki ang hakbang na umalis sa hanging bridge. Nang makaapak ang paa ko sa lupa hindi ko na naihakbang ang paa ko dahil hinila na naman niya ang kamay ko at naramdaman ko na lang na nakakulong na naman ako sa bisig niya.

"Sorry na." He chuckled. "Ang pikon mo naman."

Binalak ko siyang itulak pero hindi pa rin ako nakawala. "Hindi ako pikon, gago ka lang talaga at ang lakas ng trip mo."

He chuckled again. Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at agad naman niyang ginagap ang kaliwa kong kamay.

"Sorry na kasi. Ang tapang mo tapos ang tinis mo palang tumili." Pang-aasar niya habang hinihila ako.

Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon