Chapter 34: Memories

785 34 0
                                        

Quence's Point of View

  MY feet hurt and I know I couldn't blame anyone for that dahil kahit papano ginusto ko din naman iyong Island Hopping na hindi ko inakalang papagurin ako ng husto. Pabagsak akong naupo sa isang sun lounger na walang tao at huminga ng malalim. It's already five in the afternoon and I can feel my stomach screaming for food.

Naupo sa tabing lounger si Loisa at nakipagsiksikan naman si Zain sa kinauupuan ko.

"Ang sakit ng paa ko, tapos pati na rin ang likod ko." Mahina niyang reklamo.

I admit I am not as adventurous as them pero mukhang patas kaming lahat na napagod.

Pumasok na sila Hermes at Rain para magpalit dahil hindi sila nagpaawat kanina, naligo sila sa dagat bago umuwi. Si Joshua, Ronan, Rocket at Dzorin ang nagboluntaryong bumili ng pagkain at inumin sa kalapit na food installation. Kulang pa ang pagkain na dala namin kaninang lunch kaya ngayon mukhang hindi lang pala yata ako ang nagugutom.

"Gawa tayo bonfire mamaya." Suhestiyon ni Loisa.

"Tapos deep-talk tayo with kantahan pa." Dagdag ni Zain.

"Tama! Para naman makapagpahinga naman tayo."

"Pero siyempre sila ang maghahanap ng mga kahoy na gagamitin. Magluluto na lang tayo." Ani Loisa.

"Barbecue?" Si Art.

"With marshmallow." Mahina kong bulong.

Napatingin sila sakin at agad naman akong nagtaas ng kilay nang makitang kumislap ang mata ni Loisa hindi dahil sa sinabi ko kundi dahil sa ibang bagay.

"Nga pala!" Eksaherada niyang turan. Pinagcross niya ang kamay sa ilalim ng kaniyang dibdib at tumaas baba ang kaniyang kilay. "Kayo na ni Josh?"

Kanina ko pa napapansin ang mga tingin nila samin ni Joshua at kapag may pagkakataon nang-aasar na din. Kaso mukhang hindi pa sila nakukuntento kaya nararamdaman kong gusto nilang magtanong pero hindi lang sila makalapit dahil lagi kaming magkasama ni Joshua.

"Ha? Bakit, diba sila naman talaga?" Si Art iyon na kunot ang noong tiningnan din ako.

Walang sumagot sa tanong niya dahil kahit ako hindi ko magawang sagutin ang tanong. Naguguluhan din ako, wala pa namang official agreement tungkol sa bagay na yan. Hindi ko alam, hindi rin ako sigurado. Naalala kong naging kami noon pero hindi ko alam kung natapos din ba iyon nang nagkabalikan sila ni Frea. I don't know the real status but then.. ayos na muna sakin kahit ganito kami.

"Ang bagal talaga ni Josh," naiiling na turan ni Loisa nang makitang wala akong maisagot sa tanong niya.

"Hindi niyo pa ba napag-uusapan, Quen? Kasi akala namin official na talaga." Si Zain naman ngayon na halatang may halong lungkot sa himig ng boses.

"Hindi ako makasabay." Singit ni Art na ngumiwi pa.

Of course she didn't know, ngayon lang namin siya nakasama. Mukhang wala pa naman siyang alam sa buhay namin ni Joshua noon.

"Huwag mong problemahin yan Art, si Rain ang problemahin mo." Pang-aasar ni Loisa.

"Tatanda agad ako."

"Ayaw mo no? Sabay kayong tatanda." Humagalpak ng tawa si Loisa na sinimangutan naman ni Art.

Humagikhik sa tabi ko si Zain at ginatungan pa ang pang-aasar sa babae. Sa huli si Art ang pinagtuunan nila ng pansin kaya nakalimutan na nila ang tanong sa akin.

Natigilan lang sila nang dumating sila Ronan na may dalang pagkain. Naupo sila sa buhangin habang nasa lounger naman kaming apat. Dumating din si Hermes at Rain na mukhang bagong ligo pa lang.

Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon