Quence's Point Of View
I feel awkward when people starts spreading rumors about me. Kung dati-rati pinagkakalat nila na ako ang girlfriend ng kupal na yon, ngayon naman laman ng balita na ginamit ako ni Joshua para papagselosin si Frea. I don't give an effin care to that issue pero ilang araw na ang lumilipas at hindi pa rin sila nagsasawa sa mga kumento at mga haka-haka nila.
I don't care if Frea and Joshua are back for good. Wala din akong pakialam kung ginamit ako ni Joshua para papagselosin ang babaeng yon. They are only wasting their time on a thing that is probably out of their concern. Minsan kasi hindi na maganda ang umaga mo tapos hindi pa maganda ang bubungad sayo sa school.
I shrugged off my shoulder when their eyes settled on me, ang iilan ay naaawa at ang ilan naman ay natatawa. Hindi ko sila pinansin tuloy-tuloy lang ang lakad ko habang pinipilit na huwag pakinggan ang mga bulungan nila na mukhang hindi na bulungan dahil maririnig naman kahit pa sa kabilang building.
"Oh, hi Quence."
Awtomatikong napatigil ako sa paglalakad nang humarang sa harap ko ang isang pamilyar na babae. She's wearing a very sarcastic smile. I breathed deep to compose myself. Wala akong panahon para sa kaniya kaya balak ko sanang lagpasan siya nang hawakan niya ang braso ko.
"Aba! Bastos ka din pala." She pulled me back.
It is my cue to push her. Napalakas iyon kaya nabigla siya nang mapaatras siya. I stare at her deadly.
To be honest, right now I really wanted to pull her hair and break her bones but I shouldn't. Nang makita niyang masama ang pagkakatingin ko sa kaniya bumadha ang takot sa mga mata niya at nawala ang tapang niya.
God! If people only know what I feel right now, baka magdalawang isip pa silang lumapit sakin ngayon.
Pinili kong talikuran siya at maglakad palayo sa kaniya. Baka kung ano pa ang magawa ko, ayaw kong pag-aksayahan ng panahon ang mga taong kinulang sa panahon.
Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang library, narinig na sa boung building ang pagring ng bell kaya wala ng gaanong tao ngayon. Lahat sila nagsipasukan na sa mga klase nila habang naiwan naman ako sa isang sulok habang nakatulala sa shelves. I sat on the floor and crossed my legs while staring to the books. Nasa pinakadulo ako kaya alam kong walang makakakita sakin ngayon, walang ibang tao, tahimik at tanging mga libro lang ang makakaalam sa kung paanong maging mahina ang isang katulad ko.
I frustratedly let out a deep sigh and closed my eyes while I rested my head on the shelf. Halo-halong emosyon ang agad na bumalot sa dibdib ko habang nararamdaman ko na naman ang mainit na likidong gustong tumulo sa gilid.
"Ba't hindi ka pumasok?"
Unti-unti kong binuksan ang mga mata at tiningnan ang taong nagsalita. His lightbrown eyes met mine. Unti-unti akong umayos ng pagkakaupo at hindi na siya sinagot. Naglakad siya papalapit at walang pag-aalinlangan na umupo paharap sakin.
Hermes. The drummer of Nocturnal Band.
Katahimikan ang namayani samin, walang nagsasalita. Nakatitig lamang ako sa mga libro sa harap ko habang siya ay nagbabasa ng librong dala niya. We're not actually close, dati kapag naroon ako sa practice nila hindi ko siya masyadong nakakausap, hanggang ngiti at tango lang kami. He seems serious everytime, parang si Zain lang naman ang gusto niyang kausap. Si Zain lang ang kinakausap niya at wala rin noong pagkakataon na magkausap kami.
Tiningnan ko siya at saktong nag-angat din siya nang tingin. The last time that I saw him was when we performed in Sining at Musika.
"Weird." He whispered but enough for me to hear it.
BINABASA MO ANG
Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]
FanficSomeone caught her in a trap to be played? Or someone is trying to trap her to be loved by her?