Quence's Point of View
NAG-AASARAN na ang iba habang tahimik lang kami sa isang tabi ni Chloe at hinihintay na matawag ang pangalan namin. Sabi nila random pick lang daw ang partners, ibigsabihin wala silang pinagbasehan.
To make it fair daw kaya iyon ang ginawa nila.
Dane was called. Si Pauline ang partner niya, kaklase namin. Chloe tried to smile but I can see the disappointment in her eyes.
"Chloe," Pauline said eyeing my bestfriend.
"No, okay lang sakin." Chloe answered while smiling.
But I know better.
"Partner lang sila, ikaw pa rin ang makakasama ni Dane sa huli." I cheered her up.
Ngumiti siya sakin.
"Chloe Jimenez from STEM-A." the emcee said. "And Blue Santos from STEM-A."
Biglang nagtilian ang mga kaklase namin. Nag-angat ako ng tingin at natagpuang pinagkakaguluhan si Blue. He's a shy-type, pero gwapo naman. Naririnig kong crush niya si Chloe pero hindi lang umaamin dahil takot ata kay Dane.
Chloe stood up. Naiwan ako habang tinitingnan silang sabay na maglakad ni Blue papunta sa gitna.
I smiled from the thought na paniguradong magseselos si Dane. I should feel unhappy or somewhat jealous but I feel happy now.
I guess that's really what I feel.
Ilang mga istudyante pa ang natawag. Konti na lang kami sa section STEM-A na walang partner.
"Quence Syden Arcino from STEM-A and.."
The emcee stopped. Tumingin ako sa stage at nakitang naroon si Rocket, iyong bokalista ng banda nila Joshua at mukhang kinakausap ang emcee.
Hindi masyadong malinaw ang nakikita ko pero nakita ko kung paanong ngumiti ang emcee at tumango.
"Again," the emcee stated. "Quence Syden Arcino from STEM-A and.." she smiled. "Joshua Monteverde from ABM-A."
I heard cheers. Nag-aasaran sa section nila Joshua. Tumayo ako at ngumiti sa mga kaklase kong inaasar din ako pero hindi kagaya ng pang-aasar doon sa section nila.
Nakangiting lumapit siya sakin at walang pag-aalinlangan na umakbay sakin kaya mas lalong lumakas ang asaran.
"Anong ginawa niyo?" I asked him.
"Saan?" Inosente niyang tanong.
"Nakita kong kinausap ni Rocket ang emcee. May ginawa ba kayo kaya naging magpartner tayo?" I asked him again suspiciously.
Tumawa na naman siya. "Meant to be lang talaga tayo."
At dahil nakaakbay siya sakin madali kong nasiko ang tiyan niya.
He groaned. Pero matigas naman iyon kaya alam kong arte niya lang yon.
"Dami mong alam."
Nang makarating kami sa gitna naroon si Chloe at malaki ang pagkakangiti sakin. Halatang inaasar na naman ako.
Sakin na yata natuon ang atensyon niya.
Nang hanapin ng mga mata ko si Dane, I saw him looking at me. Hindi rin nagtagal ang tingin ko dahil itinuon ko iyon kay Joshua na ngayon ay nakatitig na pala sakin.
"Bakit?"
He shook his head. "Wala."
After announcing our partners they played the song.
BINABASA MO ANG
Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]
Fiksi PenggemarSomeone caught her in a trap to be played? Or someone is trying to trap her to be loved by her?