Quence's Point of View
Ms. Mendoza stopped in front of us and without a smile on her lips she greeted us. Isa siya sa pinakastriktang teacher sa boung Senior High Department kaya kinatatakutan. She's really good in teaching, hawak niya ang asignaturang 'Sining at Musika'. I am not jut sure kung may iba rin bang subject ang ganitong mga school, pero siguro naman mayroon.
"Today your going to present and sing individually." She started. Mahinang reklamo agad ang naging reaksyon ng mga kaklase ko. "Kung dati by group kayong kumakanta ngayon para maiba, bawat isa sa inyo magpeperform. You can use musical instrument if you want to, depende kung saan kayo komportable. I'll give you five minutes to decide the song you will sing and practice. Babalik din ako agad."
Nang makalabas ng klasrom si Ms. Mendoza agad napuno ng reklamo, tawanan, asaran at halo-halong ingay ang apat na sulok ng silid. Nanatili akong tahimik at walang imik habang pinagmamasdan ang ilan naming kaklase.
"I'm not good in singing." Someone mumbled beside me.
Nilingon ko iyon at nakita ang nakabusangot na mukha ni Chloe. She's scrolling on her phone. "Anong kakantahin ko? Hindi rin naman ako marunong tumugtog ng kahit na anong instrument. Kainis naman ni Ms.!"
I don't have much strength to tease her. Pinili kong manahimik at makinig na lamang sa ingay nila.
"Ikaw? Anong kakantahin mo, Quen?" Kinublit niya ang braso ko pero hindi ko siya nilingon.
Nagkibitbalikat ako. I don't even know, bahala na.
"Okay ka lang? Kanina ko pa napapansin na ang tamlay mo." Aniya. "Hoy, tingin ka nga dito."
This time I decided to look at her and meet her gaze. "Okay lang ako. Inaantok lang siguro."
"Sus. Namimiss mo si Joshua no?"
Natigilan ako kaya sinundot-sundot niya ang tagiliran ko. Sinaway ko naman siya pero hindi siya tumigil. Wala kasi siyang maisip na ibang gawin kaya ako na naman ngayon ang ginugulo niya.
"Miss mo na, no?" Patuloy niya pa rin na pangungulit.
She didn't know about what had happened. Ang alam niya lang may LQ daw kami ni Joshua. Limang araw na rin na hindi ko siya nakikita kahit sa practice hindi sila nakakapunta, kahit pa sila Dzorin, Rocket, Hermes at Rain hindi ko na nakikita sa covered court kapag may practice. Ang sabi ni Zain marami daw ang pinapagawa sa banda nila kaya hindi muna sila makakapagpractice. But I have this feeling na iniiwasan talaga ako ni Joshua.
Minsan naiisip kong baka magkasalubong kami sa hallway o baka makita ko man lang siya sa cafeteria kapag lunchbreak pero wala. Kahit anino niya.
Natigil ang pangungulit ni Chloe dahil bumalik na si Ms. Mendoza. Nagsiayos naman ang mga kaklase namin.
"Let's proceed to the Art Building." She announced.
"Ms. anong gagawin namin don?" Tanong ng isa sa lalaki naming kaklase.
"Hindi dito madadala ang mga instrumento kaya tayo na lang ang pupunta don." Tipid na sagot ni Ms.
Nagsitayuan naman sila kaya tumayo din ako kasunod si Chloe.
"Pupunta siguro tayo sa theatre room. Diba parang may mga instrument na nakalagay doon? Doon din kasi sila Joshua nagpapractice, baka yung mga gamit nila ang ipapahiram muna satin." Saad ni Chloe na halatang inaasar na naman ako.
I shook my head. Hindi niya talaga ako ngayon titigilan. Kaso tama siya dahil umakyat talaga kami sa ikalawang palapag ng Art Building at tinahak ang daan papunta sa theatre room kung saan nag-iinsayo sila Joshua. Kumabog bigla ang dibdib ko dahil sa kaba. Hindi na ako nagtutungo rito simula nang sabado, ngayon na lang ulit.
BINABASA MO ANG
Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]
FanfictionSomeone caught her in a trap to be played? Or someone is trying to trap her to be loved by her?