Quence's Point of View
Everyone is looking at us. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan dahil kung hindi man nakatingin, sumusulyap at mag-iiwas din ng tingin kapag tiningnan ko sila. I frustratedly breathed out. Kanina ko pa naririnig ang pangalan ko sa corridor, sa library, sa klasrom namin, sa lahat ng sulok!
Dinaig ko pa ang artista dahil sa tuwing mapapadaan ako pinagtitinginan ako ng mga estudyante. And when I finally turned my back at them, they started talking about me.
Kaninang-kanina pa! Hindi na ako natutuwa at walang ibang dapat sisihin dito kundi ang lalaking yon. Kasalanan to ng mukong na yon!
Nag-angat ako ng tingin nang ilapag ni Chloe ang pagkain sa table. She sweetly smiled.
"Thanks." I mumbled.
Kanina pa ako napipikon kaya hindi na ako pumila, nagpasabay na lang ako sa kaniya.
Tahimik kaming kumain at walang gustong magsalita, pero alam kong pinipigilan lang niyang huwag magtanong. Nakikiramdam din siya dahil alam niyang kanina pa ako naaasar. At kung sasabay pa siya talagang tuluyan nang masisira ang araw ko.
Hindi namin kasama si Dane dahil nauna kaming matapos sa klase. Kokonti pa lang din ang tao dito sa cafeteria kaya kahit papano hindi ako conscious.
"Quen."
I breathed. This must be the start. Mukhang hindi na niya talaga kayang hindi magtanong.
"Are you okay?" She asked in her low and controlled voice.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tumango. "Oo naman."
She eyed me suspiciously. Nang tuluyang matantya ang reaksyon ko agad na ngumuso.
"Magtatampo na talaga ako." She pouted even more. "Bestfriend mo 'ko pero hindi mo man lang sakin sinasabi na boyfriend mo na si Joshua."
Kinunutan ko siya ng noo.
Joshua? Josh? Yung lalaking yon?
"At sino sayong nagsabi na boyfriend ko yon?"
She rolled her eyes. "Kayo kaya ang laman ng chismisan dito sa school. No wonder baka sa sunod mabasa ko na ang pangalan mo sa gamazette ng school dahil sa pagkaka-link mo sa kaniya. Some students tried to ask me about the confirmation if you and Joshua are really in a relationship. At sobra akong nagulat!" She exclaimed pero may naglalaro namang ngiti sa labi niya. "Like, hello? Kailan pa kayo? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi mo sakin sinasabi?"
Ngumiwi ako sa dami ng sinabi niya.
"Pano ko naman sayo sasabihin? Hindi ko nga yon kilala." Walang gana kong sagot bago sumubo ulit.
"Hindi?" She laughed. "Si Joshua Monteverde hindi mo kilala?"
Tiningnan ko naman siya. Bakit? Artista ba yon at sikat? Kailangan bang kilalanin siya ng lahat?
"E, boyfriend mo nga yon tapos hindi mo kilala!" Malakas niyang sabi.
I glared at her. Talaga nga naman! Mahirap bang paniwalaan na hindi ko yon kilala at mas lalong hindi ko yon boyfriend?!
She fake a smile when she me glaring at her.
"He's one of the heartthrob, habulin yon ng chics." Patuloy niya na naman. "Mayaman din yon! They owned Five Stars Hotel and private piers, they even sell yachts. Iyon ang pinakamatalino sa strand nila Bal. He's running for valedictorian, at kasali siya dati sa banda ang kaso nagquit for unknown reason. Kaya nga nang makita ko kayo kahapon sa library, I really don't know what to say." She bocomes more cheerful. "Like ang swerte mo kasi nakalapit ka ng ganon sa kaniya! And when you told us that he harassed you! God, Bes! Gusto ko sanang kiligin ang kaso nagalit si Bal."
![](https://img.wattpad.com/cover/211570206-288-k577967.jpg)
BINABASA MO ANG
Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]
FanfictionSomeone caught her in a trap to be played? Or someone is trying to trap her to be loved by her?