Quence's Point of View
"May pupuntahan ka?" Mommy asked when she saw me dressed up. Naglagay din ako ng light makeup kaya alam kong mapapansin niya na aalis ako.
"I saw my.. uhm," tumikhim ako habang nakatingin pa rin siya sakin at prenteng nakaupo sa salas. "-my friends. Pupunta sana ako sa Rave Party na inorganize ngayong gabi."
She eyed me from head to toe. Tumango-tango naman siya pagkaraan. Lumabas mula sa kusina si nanang Gina at tiningnan din ako. Limang araw na siya dito kung hindi ako nagkakamali, sumunod siya dahil iyon ang utos ni mommy. Mas gusto ko naman talaga na may kasama kami dito kesa sa kaming dalawa lang.
"Do I need to wait for you?"
My heart suddenly lightened up. Kung siguro dati ito nangyari at nagpapaalam ako sa kaniya baka sermon niya lang ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto. I didn't expect this but I'm really wishing that she will let me go there.
"Huwag na mommy, baka mapuyat ka lang kakahintay sakin."
"Bakit? Anong oras ka ba uuwi?" Muli ay nanunuri ang kaniyang mga mata kaya maagap akong ngumiti.
"I'll be home by midnight. If you will let me."
Kinagat ko pa ang ibabang labi nang hindi siya agad nakasagot. Kalaunan ay bumuntonghininga siya at ikinumpas ang kamay.
"Sige na, umalis ka na. Baka magbago pa ang isip ko." Aniya.
Yes! I shouted deep inside. Ngiting-ngiti ako sa kaniya at lumapit para halikan siya sa gilid ng noo. Thank you, mom.
"Lady," tawag niya nang mabuksan ko ang pinto kaya lumingon ulit ako sa kaniya. "You are not allowed to drink liquors."
Tumango ako. "Copy that, mom."
Dali-dali akong lumabas ng cabin at malalaki ang hakbang na naglakad. Tumigil ako nang matanaw sila Loisa na ngayon ay papunta sa direksyon ko. Mukhang pupuntahan talaga nila ako. She's busy talking to Ronan while Art and Zain are chatting, too. Naglakad akong muli para salubungin sila.
Nang masulyapan ako ni Zain ay tumigil siya sa paglalakad ganon din si Art. Nagtatakang lumingon sa kanila si Loisa dahil nagpatuloy sila sa paglalakad.
"Ayan na si Quence." Inginuso ako ni Zain kaya tumingin sa direksyon ko si Loisa.
Ngumisi siya at hinintay nila akong makalapit.
"Pupuntahan ka na dapat kami sa cabin niyo." Bungad ni Zain nang makalapit ako sa kanila.
Tipid akong ngumiti. Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa lugar kung saan inorganize ang Rave party. I am not fond of going out, I don't attend parties but I know what is Rave Party. Kaya alam ko na din ang mga normal na ginagawa ng mga tao doon.
Nang makarating kami sa venue hindi na ako nagtaka kung bakit marami ng tao. It's already quarter to nine which means anyminute magsisimula na. Pumwesto kami sa mga upuan na gawa sa kahoy. Mayroong bar counter sa gilid habang nasa harap namin ang isang mini stage kung saan naroon na ang musical instrument na gagamitin at mayroong anim na naglalakihang speaker sa gilid non. There are also some disco lights hang perfectly above us. Iniisip ko lang kung paanong mababasa mamaya ang mga guest gayong may mga ganito sa taas. Inilibot ko ang paningin, marami talaga ang mga tao. There are some foreigners wandering, couples doing sweet stuff and taking pictures, at mga organizer.
"Nasaan na sila Hermes?" Tanong ni Zain.
"Attention," an emcee said. "Good evening ladies and gentlemen."
Nagsimula siyang magsalita at binati ang iilang mga tao. Hindi rin nagtagal ang mga sinasabi niya dahil mula sa kinauupuan kong furniture nakita ko ang pag-akyat ni Joshua at ng mga kabanda niya kaya nagtilian at nagpalakpakan ang mga tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/211570206-288-k577967.jpg)
BINABASA MO ANG
Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]
Fiksi PenggemarSomeone caught her in a trap to be played? Or someone is trying to trap her to be loved by her?