MARGAUX'S POV
So kakaalis lang namin sa bahay nila Louise ngayon at kasalukuyan kaming pinagmamaneho ni Flinn. Tahimik lang ang lahat sa biyahe. Tulog si Louise sa balikat ko. Aga niya kasi ata nagising. Tulog din yung mga girls sa likod namin, ang tanging gising lang ay ang mga boys. Pati ako.
"Bakit hindi ka pa matulog Margaux? Mahaba pa ang biyahe." Sabi ni Flinn.
"Ahhhh hindi naman kasi ako inaantok eh, saka ang sarap kasing tignan ng mga dinadaanan natin mula dito sa sasakyan." Sagot ko.
Napangiti siya.
"Tama ka, at mas masaya kapag ikaw mismo ang nagmamaneho." Sabi naman ni Flinn.
18 na siya kaya may license na siya and recently lang siya naging driver ni Louise. Kabatch pa namin siya sa school.
"Kaya ba, gusto mo ring maging driver ni Louise kasi hilig mo magmaneho?" Tanong ko.
"Yeah, isa na din yun." Sagot niya.
"Isa? So may isa pang dahilan?" Tanong ko naman.
"Oo. Maraming dahilan kung bakit ko gustong maging driver niya. Una nga yung hilig ko ang pagmamaneho, pangalawa bilang utang na loob na rin sa pamilya nila at makabawi naman ako kahit papano. Pangatlo, ayaw ko rin siyang ipagkatiwala sa iba.. nagaalala rin ako para sa seguridad ni Louise eh. Alam mo naman..."
Napahinto siya saglit.
"Bata pa lang magkasama na kami niyan ni Louise. Ako yung laging nandiyan pag nadadapa siya, itatayo ko siya tapos pupunasan mga luha niya. Pag may umaway sa kanya, makikipagaway din ako dun sa nga umaaway sa kanya. Pag may nagawa siyang pagkakamali, ako yung iisip ng paraan para di siya mapagalitan ng mom and dad niya.."
Natawa kami bigla. I can see that he really loves her.
"And lastly, gusto kong makasama siya palagi. Masaya ako na napapatawa at napapasaya ko siya kasi alam kong di niya yun makukuha sa ibang tao kundi sa ating mga kaibigan niya. Lagi ko lang inaasar at iniinis yan pero importante siya sakin." Masaya niyang sabi.
I see that his love is really genuine.
"You love her right?" Tanong ko.
Ngiti lang ang naisagot niya.
"Bakit hindi mo siya ligawan? Hindi yung puro pangaasar lang yung ginagawa mo sa kanya?" Tanong ko pa.
"I respect her parents. I have to wait for the right time na pwede na. Malaki ang utang na loob ko sa kanila kaya dapat ko silang pakinggan." Sagot niya.
"She's very lucky to have a kind man like you." Sabi ko.
"She deserves it. Saka kaya ayaw ko rin siyang ligawan ng ganito ako. Wala pa akong maipagmamalaki sa pamilya niya. Isa lang akong hamak ngadriver. Balang araw kapag natupad ko na ang mga pangarap ko, saka ko siya liligawan. Hindi para maging girlfriend kundi para maging asawa." Sabi niya.
"Ano bang pangarap mo Flinn?" Tanong ko.
"Bukod sa mapangasawa siya, eh magmaneho." Sagot niya.
Napakunot naman noo ko.
"What? don't tell me, kahit makagraduate ka na ipagmamaneho mo parin si Louise." Sabi ko.
"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Kung ngayon nagmamaneho ako ng sasakyan, balang araw magmamaneho naman ako ng eroplano." Sagot niya.
"Hmmmm ayun naman pala.. pero Flinn, pano kung sa college makahanap ng mamahalin si Louise?" Tanong ko.
Kahit masakit ngumiti siya.

BINABASA MO ANG
Into The Forest
Mystery / ThrillerThey sought refuge in the forest, expecting a peaceful escape, a chance to reconnect. But their idyllic retreat took a sinister turn. They found themselves in a place where the familiar sounds of nature became menacing, and a sense of unease perme...