DANIEL'S POV
Mahigit ilang oras na kaming nakikipaglaban dito sa killer na to. Pero hindi parin namin siya mapabagsak. Kahit anong lakas ng mga tama ko sa kanya parang di na siya nakakaramdam ng sakit. Nanghihina na sina Liam at Ejay. Si Flinn naman di na makatayo dahil sa may sugat siya sa binti. Nagkasapakan pa kami ng killer hanggang sa masikmuraan niya ako at napadapa ako sa lupa. Ng makita kong kukunin niya yung baril dinumog ko siya kaya naguunahan kami sa pagkuha ng baril.
"Tumakas na kayo!!" Sigaw ko sa mga kasama ko. Kaya nagsipagtakbuhan na sila.
Inakay ni Liam si Flinn tapos tumakas na sila. Kaming dalawa ngayon ng killer. Nagaagawan kami sa baril habang pagulong gulong sa lupa. Hawak niya ito kaya kapag tinututok niya sa akin tinututok ko pabalik sa kanya. Masyadong malakas itong taong to. Dahil tuluyan niyang naitutok sa akin ang baril at napindot niya na nga ang trigger. Napapikit na lang ako kasi alam kong ako matatamaan ng bala. Pero ilang minuto wala akong naramdamang putok ng baril at walang tumama saking kahit ano. Kaya napadilat ako agad at kinuha ko yung tyempo na yun para sipain siya sa bayag tapos tumakbo at sinundan ko sila Liam. Nagtatatakbo lang kami kahit alam naming sinusundan kami ng killer. Wala ng ibang paraan para matalo tong killer na to. Pagod na kami masakit na ang mga katawan namin at tanging pagtakas nalang natitira naming paraan. Hindi ako pinalaking sumusuko at umaatras sa laban pero kailangan ko tong gawin kasi ngayon may mga kaibigan na ako. Gusto ko pa sila makasama, gusto ko pang makabuo ng panibagong mga karanasan sa buhay ko kasama sila. Habang tumatakbo papalayo naisip ko bakit ba ako andito? Bakit ko ba kailangang maranasan to. Andito lang naman ako dahil sa trabaho hindi ko ginustong mapunta dito. Pero sa kabilang banda, may magandang naidulot din kung bakit ako nandidito. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama itong mga pambihirang tao na to. Mga mabubuting kaibigan at isa pa nakilala ko din si Jazel kahit di ko talaga gusto ang ugali niya. Worth it naman sila pagtayaan ng buhay. Ngayon lang ako nagkaroon ng mga kaibigan at sila yun. Buong buhay ko sinanay ako ng tatay ko maging matapang, malakas at palaban kaya walang may gustong maging kaibigan ako. Natatakot sila sa akin. Hindi ko rin naman iniintindi kung wala akong kaibigan. Iniisip ko lang ang sarili ko at tungkulin ko. Malakas ako kaya di ko kailangan ng ibang tao. Pero ngayon may bago akong natutunan, okay lang pala maging mahina paminsan minsan. Lalo na sa harap ng mga taong tanggap ang kahinaan mo. Kasi pag pinakita mo sa kanila ang kahinaan mo, sila naman ang magbibigay ng lakas sayo.
"HINDI KO KAYO HAHAYAANG MAKATAKAS HAHAHAHAHA TAKBOOOOO! TAKBO LANG NG TAKBOOOO MGA TANGA!" Sigaw ng killer habang hinahabol kami.
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo. Wala na akong ibang gustong gawin kundi makatakas. Nang bigla niya akong maabutan at sinakal. Nagpupumiglas ako kasi hindi ako makahinga. Napahinto rin sila Liam sa pagtakbo ng malaman naabutan ako ng killer.
"Tumakas na kayo!!" Sigaw ko.
"Paano ka Daniel!!?" Tanong ni Ejay.
"Okay lang!! Tumakas na kayo!!" Sagot ko.
"TUMAKAS? HAHAHAHAHA. ANO PAPANOORIN NIYO NALANG BANG MAMATAY TONG KAIBIGAN NIYO SA HARAP KO? ANG KAIBIGAN NIYONG ILANG BESES NAGLIGTAS NG BUHAY NIYO? HAHAHAHA AYAN BA ANG KAIBIGAN? MGA WALANG KWENTA!!" Sigaw ng killer.
"Wag kayong makinig sa kanya!! Tumakas na kayo!!" Sigaw ko ulit.
Pero iba ang ginawa ni Liam. Sinugod niya yung killer kaya nabitawan ako nito. Pinagsasapak niya si Liam kaya pinagsasapak ko rin siya. Ng malugmok si Liam ako naman ang pinuruhan niya. Kaya naman si Ejay naman ang sumugod. Pero bago pa siya makalapit sa killer ay may narinig kaming putok ng baril. Lahat kami napahinto ang mundo ng saglit. Hinihintay kung sino sa amin ang biglang magiging duguan. Napatingin kami sa pinangggalingan ng putok ng baril at may nakita kaming tatlong pulis. Bigla nalang bumagsak yung killer. Siya pala yung tinamaan ng bala. Kumikilos kilos pa siya at nagtatangkang tumakas kaso malala yung tama ng bala sa kanya kaya hirap siya at naabutan siya agad ng pulis at pinosasan. Yung dalawang pulis naman tinulungan kami makatayo. Mabilis ang pangyayari nahuli ng mga pulis yung killer at naglalakad na kami palabas ng impyernong pinasukan namin. Madilim na dahil gabi na. Pero nakaramdam nalang ako ng relief dahil sa wakas makakatakas na kami.
"Sir pano nyo po kami natunton dito?" Tanong ko.
"Tinawagan kami ng mga kaibigan niyo. Nasa maayos na silang kalagayan. Yung kaibigan niyong may tama ng baril kasalukuyan pang ginagamot." Sagot ng pulis.
"Mabuti naman po kung ganun. Maraming salamat po sa tulong niyo." Sabi ni Flinn.
"Walang anuman, pasensya na din at medyo natagalan kami sa pagresponde dahil madilim at napakalawak ng lugar na ito. Nahirapan kami sa paghahanap." Paliwanag mga pulis.
"Okay lang po. Ang importante ligtas na kami." Sagot ni Liam.
Wala ng malay ang killer. Kampante na kami. Narating din namin ang gate at nakalabas kami mula dito. Wala akong ibang maramdaman kundi saya. Saya na nakatakas na kami sa wakas.
"Ayos ka lang ba Daniel?" Tanong ni Ejay.
"Ayos lang. Masaya ako na ligtas na tayo." Sagot ko.
"Maraming salamat sa pagsasakripisyo ng buhay mo para sa amin." Sabi pa niya.
"Wala yun, kaibigan ko na kayo eh." Sagot ko.
Ngumiti siya sa akin at nagpatuloy na kami sa paglalakad tapos may mga pulis pang nagaabang sa labas. Mga back up ata na di na nakapasok wala kasing contact dahil walang signal sa loob. Pumasok na kami sa kotse. Nakahiwalay yung killer sa amin. Malaking trauma din ang nakuha namin sa kanya.
"Sir kumpleto nama po ba silang nakaligtas sir?" Tanong ni Flinn.
"Hindi ko alam. Pero wala naman silang report na may ibang nawawala bukod sa sinabi nilang may apat na naiwan sa loob at kayo yun. Kasalukuyan silang nagpapagaling lahat. At kayo rin kaylangan niyong magpagamot dahil marami rin kayong natamong galos at sugat sa pakikipaglaban." Sagot ng pulis.
"Maraming salamat sir. Akala namin doon na kami mamamatay." Sagot ni Ejay.
"Magpasalamat kayo at binigyan pa kayo ng isa pang pagkakataon ng Diyos para mabuhay." Sagot ng pulis.
"Oo nga sir eh. Gusto ko pa kaya magkaasawa at magkaanak." Sagot ni Liam.
Akalain mong sa ganito kaseryosong usapan ay matatawa kami dahil sa kanya. Hindi naman niya sinadya magpatawa pero nakakatawa talaga siya natural na yun.
"Naku bro, umamin ka na kasi kay Reign. Kasi di natin alam kung hanggang kailan lang tayo may pagkakataon. Katulad ngayon, pano kung di na tayo nakaligtas? Edi sana di ka na nagkaroon ng pagkakataon na masabi ang nararamdaman mo kay Reign diba?" Sabi ni Flinn.
"Tama ka pre, pag naayos na ang lahat lahat. Pag tapos na tayong magpagaling aamin na ako kay Reign. Ayoko maubusan ng pagkakataon." Sagot ni Liam.
"Yun oh! Goodluck sayo Liam." Sagot ko.
Nanahimik na kami sa biyahe. Pagod na kasi eh. Masakit ang katawan, gutom, lahat lahat. Hinihintay nalang namin na makarating sa ospital.
BINABASA MO ANG
Into The Forest
Mystère / ThrillerThey sought refuge in the forest, expecting a peaceful escape, a chance to reconnect. But their idyllic retreat took a sinister turn. They found themselves in a place where the familiar sounds of nature became menacing, and a sense of unease perme...
