PRINCE'S POV
Tuluyan ng nawalan ng malay si Carl at medyo nawawalan parin ako ng pagasa pero iisa lang ang nasa isip ko kundi ang mailigtas ang buhay niya. Malapit na din ako sa gate at nakikita kong may mga pulis sa labas kausap ang mga babae naming kaibigan. Malayo palang pagkakita sa akin ng mga babae ay nagsisigawan na sila at nagiiyakan.
"Prince!!? Oh my God!?? Anong nangyari asan sila!!?" Umiiyak na tanong ni Natasha.
Agad naman akong nilapitan ng mga pulis lima silang lahat.
"Sir tulungan niyo po ang mga kasama namin sa loob! May isa pa pong may sugat sa kanila!! Kailangan na din po naming dalhin sa ospital itong kaibigan naming wala ng malay!" Pagmamakaawa ko sa pulis.
"Tutulungan namin kayo! Ilan pa ang nasa loob? Ilan ang suspect?" Tanong nung pulis.
"Apat pa po sila sa loob sir!! Wag na po kayong maraming tanong tulungan niyo na po sila!!" Pagmamakaawa ko.
"Ilagay niyo na yan sa kotse papasamahan ko kayo sa dalawang pulis. Kayo namang mga babae sumama na rin kayo sa ospital para matignan na din kayo! Umalis na kayo dito for safety!" Sagot nung pulis tapos pumasok siya sa loob ng may kasama pang dalawang pulis.
Agad kong ipinasok si Carl sa kotse ng pulis.
"Guys pumasok na kayo sa van natin. Sumunod nalang kayo sa amin. Mamaya na ako magkukwento." Sabi ko sakanila.
"Paano sila?? Pano yung mga kaibigan natin na naiwan??" Umiiyak na tanong ni Margaux.
"May mga pulis ng rumesponde. kaylangan na ni Carl madala sa ospital! At kaylangan niyo narin tumakas. Habang nagiistay kayo dito mas lalong delikado! Sumunod nalang kayo. Para sa ikabubuti ng lahat! Mamaya na tayo magusap sa ospital!" Sabi ko tapos pumasok na din sa kotse ng pulis.
Hinintay ng pulis na makasakay lahat ng kaibigan namin sa van bago niya pinaandar yung kotse para makasunod sila sa amin. Habang nasa biyahe lalong kumakabog yung dibdib ko. Humihinga pa si Carl pero ramdam kong nahihirapan na siya sa paghinga at wala na din siyang malay. Pakiramdam ko napakatagal ng oras. Wala kong ibang ginawa kundi hawakan ang kamay ni Carl at magdasal na maging okay siya. Sunod sunod na luha ang tumulo sa mata ko. Hindi ko akalaing mauuwi sa ganito ang lahat.
"Wag kayong magalala sir, dadalhin natin sa ospital ang kasama niyo." Sabi nung isang pulis na kasama namin.
"Alam ko po. Pero sana pag nadala natin siya sa ospital hindi pa huli ang lahat kaya pakibilisan po." Sagot ko.
"Magiging mabuti ang kasama mo, huwag kang magpanic. Magtiwala ka sa Diyos." Sagot naman nung pulis na nagdidrive.
Ilang minuto pa ang lumipas nakarating na din kami sa ospital. Agad naming nilabas si Carl at sinugod siya sa Emergency. Agad naman siyang inasikaso ng mga nurse at doktor. Chineck din kami ng iba pang nurse kung may mga sugat din ba kami at ginamot din kami. Nang matapos kaming gamutin, sama sama kami sa iisang room.
"Anong nangyari sa kanila? Okay lang ba sila doon Prince?" Tanong ni Louise.
"Sa ngayon hindi ko na alam, pero bago ako umalis nakikipaglaban sila sa killer. Si Flinn nakaupo nalang sa lupa dahil may sugat siya sa binti. Tinamaan ng kutsilyo ng killer." Sagot.
"Naku jusko! Wag naman sanang may masamang mangyari sa kanila!" Umiiyak na sabi ni Louise kaya agad siyang niyakap ni Reign.
"Si Ejay? Kamusta siya? Okay lang ba siya?" Tanong ni Charity.
"Okay lang siya, sila ang nagdecide na paunahin na kayong mga babae tumakas. Kahit alam nila na mawawalan na sila ng sasakyan, inisip nila ang kapakanan niyo kaya sana maappreciate niyo yun.. nga pala, pinapasabi ni Ejay na Mahal na mahal ka niya." Sagot ko.
"Magdasal tayo na sana walang mangyaring masama sa kanila at marescue sila ng pulis." Sabi ni Jazel.
Habang naguusap usap bigla namang pumasok sa room ang isang pulis para interviewhin kami.
"Magandang gabi. Maari ba akong maginterview?" Sabi nung pulis.
Tumango lang kami kaya nagsimula na siya.
"Paano kayo napunta sa lugar na iyon?" Tanong nito.
"Sir, nagplano lang po kami ng bakasyon at saktong yung lugar na iyon ang napili naming pagbakasyunan." Sagot ni Natasha.
"Wala na bang ibang tao doon bukod sa inyo?" Tanong nito
"Wala po kami lang po. Sa totoo lang yung may ari po pangatlong araw na pong stay namin nagpakita." Sagot ni Jazel.
"Yung may ari ba, yun din yung may gustong pumatay sa inyo?" Tanong nito.
"Opo siya po yun." Sagot ni Reign
"Kung pangatlong araw na bago siya nagpakita bakit hindi kayo nagtaka?" Tanong nito.
"Nagtaka rin naman po kami sir, pero wala naman po sa mga isip namin na ganito ang mangyayari eh." Sagot ni Charity
"Bakit daw gusto niya kayong patayin? May ginawa ba kayong masama sa kanya?"
"Wala kaming ginagawang masama sa kanya! Baliw siya! Marami na siyang pinatay! At nililibing niya lang sa bahay niya! Nakita namin yun! Ang dahilan niya bakit siya pumapatay ay gusto niyang gumanti sa mga pumatay sa pamilya niya! Lahat ng pumupunta sa lugar na yun ay pinapatay niya at hindi nakakatakas. Kami palang kami palang ang nakakalabas mula doon!" Umiiyak na sagot pa ni Louise.
"Bakit daw gusto niyang gumanti?" Tanong nito.
"Ang kwento niya, balak niya at pamilya niya na gawing resort ang lugar na iyon kaso may mga masasamang taong umagaw ng lupain na ito at pinatay ang pamilya niya. Kaya nagpanggap siyang patay na at pagbalik ng mga gustong sumakop sa lupain nila ay pinagpapatay niya rin. At kung sino mang pumunta sa lugar na yun ay pinagpapatay niya din." Margaux.
"Kung gayon, maraming salamat sa kooperasyon. Iimbestigahan namin ang lugar na iyon. At nagpadala na din kami ng mga back up para iligtas ang mga kaibigan niyo. Sa ngayon magpagaling muna kayo dito. Magkakaroon pa kayo ulit ng interview isa isa kapag magaling na kayo." Sabi nung pulis.
"Marami pong salamat sir! Pakiligtas po ang mga kaibigan namin please! Baka kung ano na pong nangyari sa kanila." Sagot ko.
"Ililigtas sila ng aming team sa abot ng kanilang makakaya. Sa ngayon ipagdasal niyo nalang na walang nangyaring masama sa kanila. Ganun din sa mga kapulisan na nagligtas sa kanila."
Sagot ng pulis bago tuluyang umalis. Napasandal nalang tuloy ng ulo si margaux sa balikat ko. Umiiyak siya kaya hinayaan ko na muna hindi na nagsalita. Ngayon ko lang din napansin na katabi ko pala siya.

BINABASA MO ANG
Into The Forest
Mystery / ThrillerThey sought refuge in the forest, expecting a peaceful escape, a chance to reconnect. But their idyllic retreat took a sinister turn. They found themselves in a place where the familiar sounds of nature became menacing, and a sense of unease perme...