Happy Anniversary

23 3 1
                                        

LOUISE'S POV

Pauwi na kami ni Flinn mula sa ospital. Nasa sasakyan kami pareho at nagsimula na siyang magmaneho.

"Uwi na tayo?" Tanong ni Flinn.

"Yeah, why? May iba pa ba tayong dapat puntahan?" Tanong ko sa kanya.

Medyo nagtataka ako sa kanya kasi parang di siya mapakali.

"Ah wala naman.. ano lang, baka kasi may dadaanan kang mall baka may bibilhin ka?" Tanong niya.

"Hmmmm, wala naman. Uwi nalang siguro tayo. Di rin naman tayo kakain kasi kumain na tayo sa ospital eh. Ikaw ba? Baka may bibilhin ka? Daan muna tayo sa mall." Sagot ko.

"Ah hindi wala naman akong bibilhin. Pero... Louise pwede ba kitang mayaya sa park?" Tanong ni Flinn.

"Sa park? Bakit anong gagawin natin sa park? Sana sinama na natin yung iba nating mgakaibigan kung gusto mo pala magpicnic!" Sabi ko.

"Hindi.. actually gusto ko sana tayong dalawa lang." Sagot naman ni Flinn.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit naman? Ano namang gagawin natin sa park ng tayong dalawa lang?" Tanong ko.

"May sasabihin at ipapakita kasi ako sayo eh." Sagot niya naman.

"Ano nanamang pakulo yan Flinn haaaa?" Tanong ko.

Matagal na kaming magkasama si Flinn kaya di na bago sa akin yung mga pasurprise surprise niya minsan kahit wala namang dahilan.

"Bastaaaa! Mamaya na. Malalaman mo din naman eh. Ano payag ka ba?" Tanong niya.

"Oh sige! Wala din naman akong gagawin sa bahay eh." Sagot ko naman.

Ngumiti lang siya tapos nagmaneho na ulit. Tahimik nalang kami habang nagmamaneho siya at nakarating na kami sa park. Tapos nung makarating kami eh pinark lang niya yung kotse tapos naglakad lakad na kami. Habang naglalakad kinausap ko siya.

"Oh ano ng sasabihin at ipapakita mo?" Tanong ko.

Naeexcite na din kasi akong malaman kung ano nanaman yung pakulo niya ngayon.

"Hmmm bago ang lahat, gusto kong sabihin na thankful ako na naging kaibigan kita Louise. Napakabuti mong tao, kayo ng pamilya mo and hindi ko alam kung paano ko kayo mapapasalamatan for that... I could not ask for more dahil kayo ng pamilya mo at ang mga kaibigan natin ay sapat na sa akin. Labing pitong taon, labing pitong taon na tayong magkasama Louise. Akalain mo yun? Mula sanggol ay magkasama na tayo sa iisang bahay? Pero kami, bilang naninilbihan sa inyong pamilya." Sabi ni Flinn.

Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita. Umupo kami sa isang bench bago niya ipagpatuloy ang sinasabi niya.

"Napakataas ng tingin ko sa inyo non Louise. Akala ko hindi kita magiging kaibigan kasi ang nababagay na kaibigan sayo ay yung nga mayayaman lang din. Pero nagkamali ako ng mamatay ang nanay ko. Kinupkop niyo ako ng pamilya niyo at tinuring din na isang tunay na pamilya. At ikaw... ikaw Louise ang naging sandalan ko. Pitong taon lang ako noon, at ikaw ang naging kakampi ko. Sa pagpasok sa eskwela dahil binubully ako ng mga kaklase ko na mayayaman dahil mahirap lang ako, kapag may mga hindi ako alam sa mga pinagaralan namin, kapag may gusto akong bagay na di ko mabili ipapabili mo sa parents mo para maibigay sa akin... Pitong taon lang ako nung maging kaibigan kita. At doon palang, pinangarap na kitang makasama habang buhay Louise. Pero hanggang pangarap lang muna ako ngayon Louise... kasi hindi pa pwede." Sabi pa ni Flinn.

Naiiyak ako sa mga sinasabi niya.

"Pero handa naman ako maghintay Louise eh. Handa ako maghintay kung kelan pa pwede. Sa ngayon, kaibigan lang tayo. Pero balang araw, magiging tayo din kung hihintayin mo rin ako. Louise.. Happy Anniversary. Hindi bilang magjowa, pero bilang kaibigan. 10 taon na tayong magkaibigan Louise." Sabi ni Flinn.

Anniversary pala namin ngayon bilang magkaibigan. Hindi ko alam. Dahil nasanay na ako sa surprise niya, akala ko isa lang to sa mga lagi niyang ginagawa. Akalain mo yun naalala niya pa. Paano pa kaya kung magjowa na kaming dalawa.

"Happy Anniversary din Flinn. Thank you so much!" Sagot ko.

Ngumiti siya tapos may biglang dinukot sa sa bulsa niya. Nilabas niya ang isang maliit na box tapos binuksan iyon. Tapos laman nito ang isang napakagandang singsing.

"Oh my god! Ang mahal nito Flinn!" Sabi ko.

"I know, and you deserve it. Para sayo yan. Anniversary gift ko yan sayo." Sagot niya.

"But this is an engagement ring! Alam mong... alam mong hindi pa pwede." Sabi ko.

He smiled at me tapos binigay sa akin yung box.

"Yeah alam ko rin. Actually, promise ring yan. Susuotin mo yan, kapag pwede na tayong dalawa. Tanda lang yan na ikaw lang ang mamahalin ko at gusto kong makasama hanggang pagtanda. Kaya maghihintay ako, hanggang sa suot mo na yang singsing okay?" Sabi ni Flinn.

Bumuhos yung luha ko sa sinabi niya. This man really loves me. And I love him too. I can't lose this man.

"I'll wait for you too Flinn. Ikaw din ang gusto kong makasama habang buhay." Sagot ko.

Ngumiti siya at bumuhos din ang mga luha niya. At nakita kong masaya siya. Niyakap niya ako at niyakap ko din siya.

"Thank you Louise! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya." Sabi niya.

"Masaya akong napasaya kita Flinn. All this time ikaw ang laging nagpapasaya sa akin. It's time for me to give back." Sagot ko.

"I love you Louise. Sobraa, as in sobra." Sabi niya.

"I love you too Flinn." Sagot ko.

Bumitaw siya sa pagkakayakap ang lapad ng ngiti niya.

"Ang sarap naman pakinggan! Ngayon ko lang yan narinig sayo eh." Sabi niya.

"I love you Flinn." Paguulit ko para lalo siyang kiligin.

"Ihhhhh, enebe pereng tenge te! Kinikilig ako eh." Pagpapabebe niya.

Natawa naman ako sa kanya. Kasi puro siya kalokohan. Palagi akong inaasar nito pero lagi niya rin akong pinasasaya.

"I love youuuu." Sabi ko pa para asarin siya.

"Ano baaaaa, mamaya maihi naman ako sa sobrang kilig nito!" Sabi niya.

"Hahahaha baliw. Tara na uwi na tayo." Sabi ko.

"Osige, tara na uwi na tayo. Whohooooooo! Excited akong umuwi ngayon alam mo ba yun? Ang saya saya ko kasi eh!" Sabi niya.

"Masyaso namang obvious. Kitang kita ko naman eh. Saya saya eh!" Sabi ko.

Tumawa nalang siya tapos pinahawak niya ako sa braso niya. Tapos sabay kami naglakad papunta sa kotse at umuwi na. Sobrang saya lang. Kasi okay na ang lahat. Matapos yung trahedyang nangyari sa amin eh maayos kaming lahat na magkakaibigan. Hay naku, napakabait talaga ni God. To bless me with a good family, friends and a lover.











***********************************
Note: Thank you so much for making it this far! This means so much to me. Thanks for taking some time to read my story. I hope you like it!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Into The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon