Settling In

33 1 0
                                        

NATASHA'S POV

After ng masaya naming paliligo sa falls ay naglakad kami pabalik sa bahay. Basang basa kaming lahat. Unexpected kasi na mapapalusong kami ng wala sa oras. Nakabalik kami sa bahay pero wala paring tao. Kasi kung may tao sa loob ng bahay, imposible na hindi niya kami naririnig eh ang ingay ingay namin kanina.

"Guys pumasok na tayo giniginaw na ako. Ang lamig ng hangin ditooo." Sabi Margaux.

"Osige baka magkasakit ka pa eh. Try ko buksan." Sagot ni Carl.

Wala talagang panahon na hindi ako naturn on kay Carl. Kasi grabe lang! ang gwapo niya, ang cool niya kumilos, gentleman pa tapos talented. Loko loko nga lang talaga minsan at puro kapilyohan tulad ni Liam. Halos karamihan nga sa school ay may crush sa kanya. Simula noong nasali silang dalawa ni Liam sa grupo namin, nagkaroon na ako ng pagtingin sa kanya pero sinikreto ko yun kasi friends is friends ayoko masira yun. Kaya ni isa wala akong pinagsabihan sa kanila. Saka isa pa, nahihiya kasi ako. Babae kaya ako! Hindi katulad ng lalake na ganun lang kadali magconfess ng feelings.

"Oh di naman pala nakalock eh." Sabi ni Carl matapos niyang mabuksan yung pinto.

Pumasok siya sa loob tapos sumunod kami sa kanya. Pinasok naman nung ibang mga boys ang mga gamit namin.

"Tao po? May tao po ba?" Pagtatawag ni Jazel.

"Obviously, walang tao. Nakapasok nga tayo dito ng walang paalam eh." Sarcastic na sagot ni Daniel.

"Alam mo, wag kang epal." Mataray na sagot naman sa kanya ni Jazel.

"Guys, guys! Tama na muna argumento. Nalibot ko na sa taas! May tatlong kwarto doon. Tapos may isa dito sa baba. So 3 tao kada kwarto. Isa lang ang cr para sa lahat. Nasa kusina na din ang dining area. Tapos, dito sa kinalalagyan natin, ito na yung sala." Letanya ni Liam.

Palapala talaga tong si Liam eh. Biruin mo mawawala tapos kung saan saan na mapupunta. Pero in fairness may mga silbi yung ginagawa niya. Hindi naman kasi gaanong malaki yung bahay eh pero pwede na.

"So we have to decide kung sinong magkakasama sa kwarto." Sabi ni Ejay na minsan lang magsalita.

Tahimik na tao kasi si Ejay kaya nagustuhan din siya ni Charity.

"Siguro Margaux, Reign and I should share a room. Mahilig kasi kami sa music siguradong magkakasundo kami kung magpapatugtog kami bago matulog." Sabi ni Louise.

She's right. Mahilig sila sa music at magkakasundo talaga sila sa iisang kwarto. Kasi si Jazel, gusto niyan solemn lang. Di yan makakatulog ng maingay. Kaming dalawa naman ni Cha okay lang na may music, pero okay din na wala. Kaya mabuti na kay Jazel nalang din kami magkwarto.

"Tama ka, si Jazel di yun makakatulog ng may music. Eh kaming dalawa ni Cha di naman mapaghiwalay. Kaya kaming tatlo nalang ang magsasama sa kwarto." Pagsangayon ko.

"Kaming tatlo ni Liam at Carl sa iisang kwarto. Diba mga pare?" Sabi ni Flinn.

"Yes zerrr!" Sagot ni Carl with matching saludo pa.

And automatic yung naiwan na tatlong boys eh magkakasama sa isang room.

"So sinong magiistay dito sa baba? Kasi yung tatlong room nasa taas?" Tanong ni Prince.

"Siguro kami nalang. Tamad kasi ako magakyat baba eh." Sagot ko.

Tamad talaga ako. Kung pwede ngang sa kwarto lang ako magdamag eh! Ganun ang ginagawa ko sa bahay. Saming dalawa ng kapatid ko, si Cha ang di nauubusan ng energy.

"Osige, siguro kayalangan na nating pumunta sa kanya kanya nating mga kwarto para makapagayos ng mga gamit natin at makapagbihis pati makapagpahinga." Sabi ni Carl.

My gosh this heart! Lakas talaga ng kabog pag si Carl na yung nagsasalita. Tapos di pa ako nagsasawa sa mukha niya. Pero gaya nga ng sinabi ni Carl eh pumunta na kami sa kanya kanyang kwarto. Pumasok kaming tatlo nina Jazel at Charity sa kwarto namin and for first impression? Not bad. May king size bed tapos may cabinet and airconditioned din naman yung kwarto. Agad naming inayos yung mga gamit namin and nung matapos kaming lahat sa pagaayos eh humiga na kami sa aming kama.

"Akalain mo yun ano? Magkakasama tayo ngayon sa iisang bahay.. ang sarap sa pakiramdam." Sabi ni Jazel habang nakatingin sa ceiling.

I looked at her and she's really happy. So I just hugged her. Nasa gitna namin siya ni Cha eh.

"Oy oy oy, sali akooooo." Sabi ni Cha tapos nakiyakap din.

"Kaylangan nating makabalik ng maayos sa mga pamilya natin para makaulit pa tayo." Sabi ni Jazel.

"Oo naman! Babalik tayo ng buong buo. Walang labis walang kulang!" Masayang sagot ni Charity

"Tapos sana yung evil bodyguard ko umuwi na din! Nakakainis eh!" Naiinis na sabi ni Jazel.

Natawa naman kami ni Charity. First time niya mainis ng ganyan. Siya kasi yung tipo ng tao na mahaba ang pasenya at minsan lang magalit.

"Mukhang tinamaan ka ata kay Daniel ahhh?" Pangaasar ko.

"Tinamaan? No waaaaaaay! Yung napakasungit na nilalang na yon?? Higanteng bastos! Di marunong gumalang sa amo niya!" Sagot niya.

"Mukha naman siyang okay makisama eh. Medyo maldito nga lang talaga." Sabi ni Charity.

"Anong medyo? Sobrang maldito ang sabihin mo! Sunod pa ng sunod sakin naalibadbaran ako." Sagot niya.

"Hayaan mo naaaaa, pagtiisan mo nalang muna. Saka malay mo naman maging okay din kayo sa mga susunod na araw." Sabi ko.

"Hay naku! I wish!" Sagot ni Jazel.

"Hindi ba kayo nagugutom guys? Kanina pa yung kain natin ah?" Tanong ni Charity.

"Nagugutom na nga eh. Tara punta tayo kitchen." Sabi ko.

At ganun nga ang ginawa namin. Bumangon kami sa higaan tapos pumunta kami sa kusina at naabutan namin si Flinn at Louise na nagaayos ng mga pinamili naming pagkain sa ref.

"Oh bat kayo lang ang nandito? Asan yung iba?" Tanong ni Jazel.

"Eh ayun plakda. Aga natin nagising eh, haba ng biyahe tas pagdating swimming agad. Eh itong si Flinn gising pa kaya niyaya ko na tulungan muna ako dito." Sagot ni Louise.

"At baka pwede nyo rin kaming tulungan?" Tanong ni Flinn.

"Sure!" sagot ni Natasha.

"Okay, yung mga medical supplies pakilagay nalang sa cabinet. Tapos yung mga hygiene supplies naman eh pakilagay sa cr. " Sabi ni Flinn.

Kaming dalawa ni Cha sa medical supplies tapos yung hygiene supplies kay Jazel. Nagayos lang kami ng mga gamit hanggang sa matapos kami. At nung tapos na nagaya si Louise na magluto na.

"Hmmm guys, magluluto na ako. Pakigising na yung mga kaibigan natin para magready sa pagkain." Sabi ni Louise.

"Sige ako na gigising." Pagpiprisinta ni Flinn.

"Oh sige ako naman gigising sa dalawang girls." Sabi naman Jazel.

"At kaming dalawa naman ni sha, tutulungan ka dito maglutoooooo!" Masiglang sabi ni Charity.

Pumayag naman si Louise kaya nagluto na kami. Maya maya pagkaluto ay naghain na kami at kumain ng tanghalian dahil nasa alas dose palang ng tanghali. Masayang pagsasalo ang nangyari. I hope this day doesn't end. Sana ganito araw araw.

Into The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon