MARGAUX'S POV
So this is our third day sa bahay na to. Wala na kaming masyadong iniisip na problema mula noong nakausap na namin yung may ari ng bahay. Medyo kalmado na rin sila Louise pero alam kong di pa panatag yung mga kalooban nila. Napagdesisyunan kong magikot ikot muna sa labas ng bahay. Tutal wala naman akong magawa eh. Si Carl, Liam, Ejay at Flinn nanonood ng movie sa sala. Si Charity at Natasha ayun nagpicture picture na kung saan. Si Reign at Jazel pati si Daniel naligo ulit sa falls. Si Louise naman nasa kwarto lang nagbabasa ng libro. Kaya ako lumabas ng bahay at naglakad lakad nang maramdaman kong may sumusunod sakin hinarap ko agad. Bumungad naman sakin ang nakangiting si Prince.
"Bakit magisa ka?" Tanong niya.
"Wala lang, bakit masama na ba mapagisa?" Tanong ko din.
"Hindi naman.. baka lang naman gusto mo mapagisa at ayaw mo ng may kasama." Sagot niya.
"Sira! Boring kasi sa bahay, kaya naglakad lakad muna ako dito sa labas. Eh may kanya kanya naman silang ginagawa kaya di na ako nagyaya." Paliwanag ko naman.
"So okay lang na samahan kita?" Tanong niya.
"Oo naman! Ano ba namang klaseng tanong yan!" Sagot ko tapos naupo sa damuhan.
Ginaya niya ako tapos naupo siya sa tabi ko. Mula sa kinauupuan namin natatanaw namin sila Charity at Natasha na nagpipicture picture.
"Alam mo.. laki talagang pasasalamat ko diyan sa dalawang pinsan ko na yan kasi sinama nila ako dito tapos nagkaroon ako ng chance na makilala kayong lahat." Sabi niya.
"Hahaha! Hindi ka naman ba nagsisisi? Puro kaya kami abnormal!" Pagbibiro ko.
"Hindi ah! Ang saya nyo kaya kasama!" Sagot niya naman.
"Talagaaaaa? Plastik ka din eh hahahaha!" Pagbibiro ko pa.
"Hindi nga totoo ngaaaaa. Promise!" Sagot niya naman.
"Hahaha! Oo na naniniwala naman ako sayo eh!" Sagot ko.
Sandaling katahimikan naman ang namagitan samin bago siya nagsalita.
"Ang saya pala ng maraming kaibigan no?" Sabi niya.
"Bakit mo naman nasabi yan?" Tanong ko.
"Wala. Doon kasi sa school na pinagaaralan ko, wala akong kaibigan. Palagi akong magisa kaya nga tuwing bakasyon pumupunta ako kanila cha." Sagot naman niya.
"Ahhh ganun pala... pero alam mo, wala sa dami ng kaibigan yan eh. Mas masayang magkaroon ng totoo at mapagkakatiwalaang kaibigan. Kasi aanhin mo naman yung madaming kaibigan kung pinplastik ka lang diba?" Sabi ko.
"Oo nga naman. Pero kayo, no offense ah? ang dami nyo. Sigurado ka bang lahat sila totoong kaibigan mo?" Tanong nito.
"Alam mo, walang sigurado dito sa mundo. Anytime pwedeng may mangyari na hindi mo inaasahan. Pero sa tagal na naming magkakaibigan ng mga yan, pulido na yung binuo naming tiwala eh. May tiwala kami sa isa't-isa yun lang yun." Sabi ko.
"Halata naman sa inyo eh." Sagot niya.
Natahimik kami ng nakita naming unti unting palapit na sa amin si Charity at Natasha. Nung makalapit na ito ng tuluyan nagsalita agad si Charity.
"Guys pasok na tayo. Kumukulimlim na eh. Mukhang uulan." Sabi ni Charity.
Napatingin naman ako sa mga ulap at mukhang uulan nga kaya sumunod na kami ni Prince kanila Charity at Natasha. Pagpasok ng bahay di parin sila tapos manood pero yung tatlong naligo sa falls kasama na rin nilang manood ngayon. Ang ingay ingay nila. Kaya umakyat na lang ako sa kwarto namin. Naabutan ko pa din si Louise sa loob na nagbabasa.
"Ayaw paawat sis ah? Di ka napapagod kakabasa?" Tanong ko tapos tumabi ako sa kanya.
"Hindi naman nakakapagod eh. Tamang upo lang, mata at utak lang pinapagana." Sagot niya.
Nakatuon parin ang mata niya sa binabasa.
"Ewan ko sayo hahaha!" Sabi ko nalang.
"Teka? Anong oras na ba?" Tanong niya.
"Magaalas dose na sis." Sagot ko.
Sinara niya agad yung libro at ipinataong sa side table.
"Naku! Kaylangan ko ng magluto ng pananghalian! Dito ka na muna ah? Byeeee maya nalang." Sabi niya. Tapos tumayo agad at umalis.
Isa talaga si Louise sa pinakamasipag na taong nakilala ko. Napakaraming yaya niyan pero maaasahan sa loob ng bahay. Hindi niya inaasa sa mga kasambahay ang mga gawain kung kaya niya naman gawin. Kaya eto nanaman ako ngayon. Magisa lang. Teka parang nawawala ata yung cellphone ko. Dito ko lang iniwan sa kama yun kanina ah. Hinanap ko sa buong kwarto yung cp ko di ko makita. Siguro naipit sa ilalim ng foam. Inangat ko yung foam pero wala akong nakitang cp kundi isang pirasong nakatuping papel. Nacurious ako kaya kinuha ko pero bago ko pa man mabuksan ay pumasok si Jazel sa kwarto.
"Margaux.. yung cp mo pala oh. Pinabibigay ni Louise nakita niya raw diyan kanina sa kama kaya nilagay niya raw muna sa bulsa niya." Sabi ni Jazel.
Agad naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib kasi akala ko namisplace ko na.
"Naku tamang tama. Hinahanap ko na kasi yan eh." Sagot ko.
Inabot niya sa akin tapos kinuha ko na.
"Nga pala Jaze, nagiwan ka ba ng sulat sa ilalim ng foam?" Tanong ko.
Kumunot naman ang noo niya.
"Huh? Hindi. Wala akong iniiwan na sulat. Baka kay Louise." Sagot naman niya.
"Tignan natin dali. Baka love letter to ni Flinn sa kanya hahahaha." Sabi ko.
"Baliw, wag na. Privacy nila yun. Ibalik mo nalang yan diyan." Sagot ni Jazel.
Pero makulit talaga ako kaya pinilit ko siya.
"Dali na sisilipin lang naman natin eh. Di natin babasahin lahat." Sabi ko.
"Hays sige na nga!" Sagot niya.
Kaya agad kong binuksan yung letter tapos tumabi siya sakin para mabasa namin ng sabay kahit ang sabi ko lang ay sisilipin lang. At ito ang nilalaman ng letter.
[Sa makakabasa ng sulat na ito, umalis na kayo sa bahay na ito. Papatayin kayo ng mayari ng bahay. Wala siya sa tamang pagiisip. Pinatay niya ang mga kaibigan ko. At maaring ilang oras bago ko matapos ang sulat na ito, ay wala na rin ako. Nagbakasyon lamang kami dito ng mga kaibigan ko pero kaya pala wala ni isang reviews ang lugar na ito mula sa internet ay dahil wala pang nakakatakas ng buhay dito. Kasamaang palad ako nalang ang natitira sa mga kaibigan ko. Ilang beses ko siyang tinakasan. Para humaba pa ang buhay ko kahit papano. At bumalik ako dito sa bahay para isulat ang babalang ito. At sana sa oras na makita niyo ang sulat na ito ay hindi pa huli ang lahat. Kaya hanggat maari. Tumakas at umalis na kayo.]
And after kong mabasa yun, all I can say is fuck! Nagsitayuan ang balahibo ko. Napatakbo kami ni Jazel sa kaibigan namin sa baba ng sobrang kabado at nagpapanic. Totoo nga. Totoo nga ang hinala ni Louise.
BINABASA MO ANG
Into The Forest
Mystery / ThrillerThey sought refuge in the forest, expecting a peaceful escape, a chance to reconnect. But their idyllic retreat took a sinister turn. They found themselves in a place where the familiar sounds of nature became menacing, and a sense of unease perme...
