We're Caught

14 1 0
                                        

REIGN'S POV

Masasabi ko lang na sa tatlong grupong nagkahiwa hiwalay eh kami yung pinakamalas. Sa sobrang panic kasi namin pabalik yung takbo namin  kaya andito kami ngayon sa likod bahay kung saan naroon ang falls. Pumasok pasok lang kami sa kweba. Actually rock formation to mula sa taas nito nanggagaling yung tubig ng falls. Mabuti nalang at marunong kaming lahat lumangoy kaya kami nakatawid dito. But we don't have a choice. Kaylangan namin bumalik. Kasi dead end na dito. Wala kaming lalabasan. Kaya matapos lang naming magpalipas ng gabi ay kumilos na kami kinaumagahan para makabalik sa bahay na tinirhan namin. Dahil mula doon papunta sa gate na pinasukan namin ay natatandaan ko pa ang daan. Kaylangan lang namin matyempuhan na wala doon ang killer.

"Handa na ba kayong lumangoy guys?" Tanong ni Natasha.

Nagtanguan lang kaming lahat tapos lumangoy ulit kami sa tubig papunta na doon sa likod ng bahay ng tubig.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Liam sakin.

"Ayos lang." Sagot ko.

Maglalakad na sana ako ng pigilan ako ni Natasha.

"Saglit lang Reign. Wag tayong padalos dalos. Baka nagaabang yung killer." Sabi niya.

"Magdahan dahan tayo." Sabi pa ni Carl.

At ganun nga ang ginawa namin. Nagdahan dahan kami sa paglakad. Nauuna silang tatlo sakin at ako ang nasa pinakalikod sumunod kay Liam. Mga ilang hakbang nalang nasa mismong likod na kami ng bahay, may biglang humablot sa akin kaya napasigaw ako agad.

"AHHHHHHHHHHHH."

agad na nahawakan ni Liam yung kamay ko. Pero hinihila rin yung isang kamay ko ng killer. Nilingon ko siya kaya ko nakilalang siya yon. Nakakatakot yung itsura niya at may mga dugo na din yung damit niya. Nagtulong tulong na sila Natasha, Carl, at Liam pero napakalakas talaga ng killer.

"Kumapit kang mabuti Reign!!" Sigaw ni Natasha.

"Nasasaktan na akoooooo" Sigaw ko.

Parang mababali na pareho yung braso ko sa pagkakahila nila. At sa sobrang lakas nung killer napaupo na ako at nakaladkad sa lupa. Nabitawan na rin ako ni Carl kaya mas napabilis ang paghila sa akin ng killer. Nakita ko naman ang paghabol nila Carl sa akin. Pero napakabilis ng pangyayari at naramdaman ko nalang na lumubog na ako sa tubig. Binalik pala ako ng killer sa pinaglanguyan namin kanina.

Lulusong na sana yung tatlo kong kaibigan nang sumigaw yung killer.

"OHH! HANGGANG DIYAN LANG KAYO MGA BATA!! KUNDI, PAPATAYIN KO TONG KAIBIGAN NYO!!" Sigaw ng killer.

Napahinto silang tatlo.

"Wag mo siyang sasaktan!! Ako nalang ang saktan mo! Hayaan mo ng makaalis ang mga kaibigan ko!!" Sigaw ni Liam.

"HAHAHAHAHA GUNGGONG!! TINGIN MO MAKIKINIG AKO SAYO!? MAY SARILI AKONG UTAK. WAG MOKONG PAKELAMAN!!" Sagot naman ng killer.

Sabay lublob ng ulo ko sa tubig. Pinipigilan ko ang hininga ko sa tubig para di ako malunod.

"Tama naaaaaaaa!! Ano bang gusto mong gawin namin!!" Sigaw ni Natasha kaya inangat niya ulit ang ulo ko.

Habol ako ng habol ng hininga ko dahil sa pagpigil ko dito.

"YAN ANG MAGANDANG KATANUNGAN NA NARINIG KO! ANG GUSTO KONG GAWIN MO, IKAW BABAE! IGAPOS MO YANG DALAWA MONG KASAMANG LALAKI! NGAYON DIN!! NAKIKITA MO YANG LUBID SA GILID NG PUNO?? KUNIN MO! AT IGAPOS MO SILA!! AT WAG NA WAG MONG SUSUBUKANG LUWAGAN. GUSTO KONG MAKITANG MASIKIP NA MASIKIP YAN BAGO KO IAHON ITONG KAIBIGAN NYO!" Sigaw ng killer.

Into The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon